11. Mga Pagsubok 1

149 11 0
                                    

11. Mga Pagsubok 1

"Hindi mo kailangan ng maraming chance kung willing kang magbago.
Yung pagbigyan ka nang una sapat na kung
talagang pursigido ka sa sinasabi mong pagbabago.

Lahat tayo nabibigo, okey lang ang umiyak ng isa o dalawang beses,
pero pagkatapos nyan, siguraduhin mong matututo ka.
Dahil ang pagkabigo ginagamit yan para matuto hindi para muling magpauto"- unknown



XXX



Mahangin at tahimik na gabi ang sumalubong kay Jamjam kasama sina Etong, Ustin, Roman at ang dalawang magkaibigang Lina at Tina. Sumakay sila sa isang malaking sasakyan na parang bilao na may mga ilaw sa gilid.

"Handa ka na ba para sa mga pagsubok na gagawin mo Jamjam?" tanong ni Etong sa bata.

"..." hindi makakibo si Jamjam. Pilit nyang iwinawaglit sa kanyang isipan ang mga kinakatakot nya na maari nyang malaman kung mapagtagumpayan nya ang mga pagsubok na ibibigay ng San Telmo na nagbabantay sa lawa ng nakaraang memorya na isa sa mga isla ng Lucemia.

"Huwag mong hahayaan na kainin ng iyong isipan ang kagustuhan ng iyong puso. Sabihin na lang natin na isa itong tadhana upang malaman mo ang kahalagahan ng buhay mo." wika ni Etong.

Ang hangin ay syang nagpapaginaw sa nararamdaman ni Jamjam. Kahit pawis ang kanyang noo ay ramdam nya ang ginaw na dinadala nito. Wala pang limang minuto ay narating na nila ang isla. Sa islang ito ay may namumukod tanging napakalaking puno. Kung ikukumpara mo ito sa taas ng katabi nitong puno ay halos dalawampu hanggang limampung beses ang taas nito. Sa ilalim ng punong ito ay may isang lagusang gaya ng isang lagusang papasok sa isang templo. Karaniwang yari sa madilaw at lumang bato.

"Pumasok na tayo. Dito ang lagusan." wika ni Ustin.

Hindi na tumalima ang grupo at pumanhik na sila dito. Madilim ang lagusan ngunit patag naman ang daanan kaya't walang problema kung dadaan ka rito. Pitong minuto ang ginugol nilang katahimikan sa kanilang paglalakad hanggang sa marating na nila ang dulo nito.

Lumitaw sa kanilang namamanghang mga mata lalo na ang mga unang nakapasyal pa lang a lugar na ito ang malaparaisong ganda nito. Hindi makapaniwala si Lina na nasa loob sila ng Malaking puno na kanina lang ay nakita nila.

"Sa lawang iyan ay may makikita ka pa na isa pang lawa." pagpapaliwanag ni Ustin

"Ha ano o?" tanong ni Tina

"Lawa sa lawa?" tanong namin ni Lina. Talima sa kanila ang papnanahimik ni Jamjam

"Oo, sa lawang yan ay may isla. Sa islang iyon ay may maliit na lawa. Yung ang pupuntahan natin." Sagot ni Ustin habang nakatingin kay Jamjam.

"Wow, pwede pala yun a. Gusto ka nang makita yun. Gusto kong magtampisaw sa tubig nya." wika ni Tina

"Yang ang huwag na huwag mong gagawin kapag naroon na tayo. Maari kang mapahamak kung gagawin mo iyon." sabi ni Etong

"Ay ang labo naman nyan." 

"Maari kasing masira mo ang proseso ng pagbabalik ng ala-ala ni Jamjam. Maari nya itong ikamatay. Kaya naparito tayo upangbantayan ang lawa na kung maari ay walang tatampisaw doon kung pumasok na sya doon." pagpapaliwanag ni Ustin.

"Ok. Naiintindihan ko na. Buti na lang daa ko itong palayok."

"Di ko yan nakita kanina a." sambit ni Lina

"Tinago ko itong mabuti." tugon ni Tina.

Muli silang sumakay sa isang bangka at nagsagwa ana lang sila papunta sa isla. May mga isdang lumilipad sa isla. Makukulay ang mga ito gaya ng isang paru-paro. 

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon