16. Ang Unang Pagsasanay: Paggising sa kapangyarihan ni Jamjam
Hindi malaman ng dalawang bataang kanilang gagawin nang biglang magpakita ang isang kiwig. Huminto ito saisang puno at pilit na may hinahanap. Bahagyang inamoy ang hangin hanggangmatagpuan nya sina Jamjam at tina na kasalkuyang nangangatog dahil sa takot nanararamdaman. Pilit na iwinawaglit lamang ito ni Jamjam.
"Anong klaseng baboy-ramo yan? Bakit ganyan? Ang haba ng buntot?"tanong ni Jamjam
"A....ang alam ko isang kiwig yan. M-may nabasa ako sa isang libro."Halatang medyo garalgal ang boses ni Tina.
Sa hindi malamang pagkakataon aybiglang umilaw ang mahabang pulang patpat na ngayong sandata ni Jamjam. Nakaramdamsya ng mainit na enerhiya na nagmumula ditto. Mula sa kanyang kamay papunta saiba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Walang anu-ano ay nagliwanag nangbahagya ang kanyang katawan at bigla itong nawala. Dahil sa nakita ng kiwigagad itong tumakbo papalapit sa dalawang bata.
"Mapanganib yan Jamjam. Tumakbo na tayo at hanapin si Ma'am Chariz...Kailangan natin ang tulong nya. Nakakatakot ang baboy na yan!" Pagsusumamoni Tina kay Jamjam
Hindi maigalaw ni Jamjam angkanyang katawan kayat pumikit na lang sya at iniharang ang kanyang patpat.Ilang Segundo rin itong nakapikit gunit wala syang naramdaman na sakit. Nangdumilat sya ay nakita nya na nasa malayong lugar at bumabangon ang kiwig.
"Ha? Anong nangyari Tina?"
"Sigurado ka bang hindi mo alam?"
"Ano ba naman yan. Magtatanong ba ako kung alam ko?"
"Oo na. Noong pumikit ka at papalapit na yung kiwig bigla monginihampas sa kanya yang pat-pat na sandata mo tapos sa sobrang lakas aytmilapon yung kiwig."
"Wow, nagawa ko yun?"
"Ang astig nga e."
Nakatayo na nang maayos angkiwig. Dahil sa kanyang naramdaman kanina halos mag-alburoto na ang kanyangmkha dahil sa matinding galit. Nagkaroon na ng usok ang paghinga nito- tanda nagalit na ito.
"Jamjam, mag-ingat ka. Hindi kita matutulungan. Wala akong alam sapakikipaglaban." Sabi ni Tina
"Alam ko na... Gagayahin ko na lang yung mga nilalaro ko sa computer.Astig kaya ang mga yun. Try ko lang." Wika ni Jamjam sa kanyang isipan.
Muli na naming gumawa ng isangpag-atake ang kiwig. Hindi gaya ng dati ay mas mabilis at mas mabangis na angmga kilos nito. Hindi na gaanong nakaramdam ng takot si Jamjam kaya namaniniharang nya ulit ang kanyang patpat at inihanda upang ihampas muli ito.Umilaw ang dulo ng patpat at sinimulan nyang ipunin ang kanyang lakas papunta sapatpat. Nang makasiguro na syang sapat na ito at akma na ang distasya ay agadnya itong pinakawalan. Lumipad sa hangin ang kanyang patpat. Miikot itongpapalapit sa mabilis na tumatakbong kiwig. Tinamaan ito sa kaliwang bahagi.Nagkaroon ng malaking pinsala ang bahaging ito ng kiwig. Namilipit ito sa sakitngunit nagawa pa rin nyang bumangon.
Dahil sa pinsalang natamo, lalongnangalit ang kiwig. Nagliyab ang kanyang mga mata lalong lumaki ang kanyangkatawan. Ang kaninang pinsalang natamo ay bumalik sa dating anyo. Napalunok siJamjam ng masaksihan nito.
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasyNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera