5. Pamayanan ng mga Dwende

228 15 3
                                    

5. Pamayanan ng mga Dwende



XXX



Mayayabong na puno, nagtataasang mga puno ng higera at baleta ang nagkalat sa paligid ng gubat. Idagdag mo pa ang limitadong init ng araw na bahagyang lumulusot sa mga nagkakapalang mga dahon. Tila ba'y nagbibigay ng madamdaming kapaligiran ang idinudulot nito.

Ang isang puno ng baleta na matayog at masukal ang pinakakakaiba sa lahat. Nagkaroon ng liwanag sa ibabang bahagi nito. Kulay dilaw ang liwanag na ibinigay nito. Maririnig mo rin ang pag-ihip ng hangin at ang paglutang ng mga dahon. Unti-unting nawawala ang liwanag at inilabas nito ang isang bata na walang malay. Nagmula sya sa portal na ginawa ni Roman.

Nakakubli ang isa sa mga dwendeng kanina'y masayang naglalakad pauwi sa kanilang nakatago at sekretong pamayanan na tanging sila lang ang nakakaalam. Nang tuluyan ng mawala ang liwanag ay nilapitan nya ang batang walang malay.

"Huh? Isang bata? Hindi kaya isa ito sa sinasabi nilang taga-lupa?" pagtatanong sa sarili ng dwende

"Mmm..." wika ng bata

"Hay sa liit kong ito. Hindi ko kayang buhatin ito. Hintayin ko na lang syang magkamalay." masayang sabi ng dwende.

Mag-iisang oras na rin nyang binantayan ang bata hanggang sa magkamalay a ito. Kung anu-ano na rin ang ginawa nyang pampalipas oras para hindi sya mabagot ka paggising ng batang tagalupa. Kinusot muna nya ang kanyang mga mata bago ito bumangon. Naninibago sa kapaliran nya hanggang sa umayos na ang kanyang paningin.

"Mabuti naman at gising ka na bata." sabi ng dwende. Lumingon-lingon ang bata sa paligid at nakita nya ang dwende sa kanyang tagiliran. Mahigit isang talampakan lamang ang agwat nila. Tinitigan sya ng bata... Matagal na pagkakatitig... nanunuring pagkakatitig.

"Wahhhhhh. May dwende!!!" malakas na pagkakasigaw ng bata at halos mabingi na itong dwende.

"Kung makasigaw naman ang tagalupang ito parang kaya ko namang lamunin eh, mas malaki ka nga sa akin." pangiting pagkakasabi ng dwende sa bata. "Ako nga pala si Lina. Ang pinakamasayang dwende dito sa Altera."

"Altera? Teka..Teka... Narinig ko na ang.... ano na nga ang tawag nyo dito?"

"Bingi mo naman. Altera... Altera. Isa kang taga-lupa?"

"Ah...Oo...yun nga. Yung...Altala... Anong tagalupa?"

"Hay... mahirap bang bigkasin ang Altera? Tagalupa ka nga."

"Altera."

"Ayan mabuti naman at nabigkas mo na rin ng maayos. Hahaha!" Napahagalpak pa sya at hawak ang kanyang tyan. "Natutuwa akong makilala ka. Ano pala ang pangalan mo?"

"Hindi ka ba nangangain ng tao?" tanong ng bata sa dwende

"Sa palagay mo? Kung nangangain ako edi sana kanina pa kita kinain. Kanina ka pa nga tulog dyan." pangungumbinsi ng dwende. "At isa pa... Saan mo naman nabalitaan na ang mga dwende ay kumakain ng tao?"

"Kung sabagay... Ako nga pala si Cristina pero mas kilalang Tina."

"Simula ngayon ay magkaibigan na tayo ha?"

"Oo naman. Kaibigan na kita."

"Sumama ka pala sa aming pamayanan para makilala ka ng kapwa ko dwende. Paniguradong magiging masaya sila kapag nakita ka nila. Dahil narito na ang tagapagligtas." sabi ni Lina kay Tina habang hinihila ang kanyang kamay.

Hindi na umimik pa si Tina dahil alam nyang hindi maganda na wala syang kasama sa paglalakad; isa na ito sa kanyang mga rason kaya nanatiling manahimik ang bata. Sa kanilang paglalakad ay may nadaraanan silang mga insektong nagliliwanag ng iba't ibang kulay. May mga bulaklak rin na mababango at naglalakihan rin ang mga ito.

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon