Bago pa man mapakawalan ni Grazilda ang kanyang poot sa pamamagitan ng paglalabas ng bolang puno ng negatibong enerhiya ay agad nang gumawa ng puting harang na gawa sa kakaibang enerhiya si Bryan upang mailigtas ang kanyang pamayanan.
Nagliwanag ang paligid ng ilang segundo, lumikha ng nakakasilaw na liwanag ang pagbabanggaan ng dalawang enerhiya. Maagap naman na tumulong ang ibang busaw na marunong gumamit ng diwani (kapangyarihan) upang tulungan ang kanilang pinuno. Naging matagumpay sila ngunit wala na si Grazilda.
"Masama ito, mukhang hindi yata kinaya ng katawan ng kanilang pinuno." garalgal ang boses ni Praim. Naintindihan naman ng ibang busaw at agad na ginamot ang kanilang pinuno.
Sakto naman ang pagdating ng mga busaw at ng hari sa kanilang pamayanan at nakita ang mga nawasak nilang mga kubo.
"Nakuha ni Grazilda ang ikatlong selyo. Patawarin mo ako mahal na hari." wika ni Bryan "Kung sana lang ay ibinigay ko na sa iyo ang selyo ay ligtas pa ang aming pamayanan."
"Nangyari na ang dapat nangyari kaibigan. Hindi pa huli ang lahat. manalig lang tayo at makakamit rin lang natin ang katahimikan ng inyong mundo." wika ni Mark
"Mahal na hari, mundo natin. Kasali ka rito. Ikaw ang aming hari." wika ni Praim.
Nang maayos na ang lahat ay agad na bumalik sina Jamjam sa munting bahay na tinutuluyan ng hari. "Kung maalala ko, isa ka pa lang prinsipe Jamjam." wika ni Praim
Gulat na gulat si Jamjam kung paano nalaman ni Praim ang sekretong iyon na ang tanging nakakaalam lang ay sina Etong, Lina, ang Reyna at si Roman lang ang nakakaalam nito.
***
Matapos ang dalawang araw ng nakakapagod na pag-eensayo ni Tina ay nakapagpahinga na sya. Marami syang galos sa kanyang sarili. Masasabi nyang naging mas malakas sya kumpara sa dati. Mas mabilis na sya ngayong mag-isip ng magandang taktika. Ang napansin lang nya ay ang palaging walang imik ng reyna nitong nakaraang araw.
Nais sana nyang humingi ng tawad ngunit naduduwag pa rin sya sa maaring sabihin ng reyna sa kanyang inasta at nasabi noong nakaraang araw. Nadala lang naman sya sa kanyang emosyon.
Habang nasa gitna sila ng nayon ay may lumapit sa kanilang isang malaking kuneho na kataka-takang nakakapagsalita.
"Maawaing langit,tulungan nyo po ang aking anak, nakikilala ko kayo mahal na orakulo. Ang aking anak ay nasa bingit ng kamatayan. Iligtas mo sya. Pagalingin mo sya. Nagmamakaawa ako. Ibibigay ko sa iyo ang aking natitirang kayamanan. Tanggapin mo ito." wika ng babaeng kuneho sabay abot ng isang malaking baul na may lamang mga ginto.
"Nakakapagsalita ang k-kuneho. Kung sabagay puno ng misteryo ang mundong ito." wika ni Tina sa kanyang isipan.
"Hindi ko kailangan ng iyong kayamanan, sige tara sa bahay nyo. Mahal na reyna kung iyong ipapahintulot." wika ni Venus.
"Aba syempre, oo yan. Ganda ko." sagot naman ng Reyna. Ikinatuwa naman ito ni Tina.
Nagsimula na silang maglakad patungo sa bahay ng kuneho. Palinga-linga lang si Tina sa kanyang kaliwa't kaanan. Ngayon nya lang napagmasdan ang ganda ng paligid. Ang mga bubong ng bahay ay gawa sa pinatugas na pulang putik at may mga halaman ang bawat bintana ng mga bahay.
May mga pamilihan ngaman ng mga gamit gaya ng samundo ng mga tao. Sa isang tabi ay may nakita syang mga grupo ng batang dwende na bumibili ng bulaklak na may lamang dilaw na likido. "Ang tamis!" wika nito habang nakapikit pa ang mga mata. Lumapit naman si Tina at bumili ng isa.
"Ang sarap naman nito. Makabili nga ulit mamaya." mabilis din syang humabol sa kanyang mga kasama. Nakalayo na rin sila sa gitnang bahagi ng nayon at ang tumambad sa harapan ni Tina ay ang makulay na hardin na may umiilaw pang mga bulaklak.
"Narito na tayo." wika ng kuneho. Hindi na nagdalawang isip pa si Venus at agad nyang pinuntahan ang isang bukas na kwarto at nilapitan ang isang batang kuneho.
"Delikado ang kanyang lagay. Namimilipit sya sa sakit."wika ni Venus
"Gawin nyo po ang nararapat. Mailigtas lang ang aking nag-iisang anak." humagulgol na ang babaeng kuneho.
"maililigtas naman natin ang kanyang buhay. Ngunit kailangan natin syang madala sa groto."
"Malayo dito ang groto, baka hindi kayanin ng aking anak ang paglalakbay."
Hinawakan ni Venus ang tyan ng batang kuneho at nagsimula itong magliwanag."Binigyanko sya ng paunang lunas na tatagal sa loob ng tatlong araw. Mag-impake ka na at magmadali. Hindi biro ang kalagayan ng iyong anak." Pagkasabi ni Venus ay muli nanamang humagulgol ang kuneho habang nagmamadaling kumukuha ng mga gagamitin.
"Seryoso po ba?" wika ni Tina
"Kung gayon, iligtas natin ang batang kuneho. Magmadali tayo." wika ni Char habang pinalipad nya ang kanyang buho.
"Saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Tina
"Sa Groto ng Gato. Kung saan matatagpuan ang templo ng Panggagamot. Ang lugar kung saan ako lumaki." sagot ni Venus
"groto? Ah bundok po iyon diba?"
"Hindi lang sya bundok na ordinaryo. Mastaas na bundok ito at lagpas pa sa taasng ulap." wika naman ni Char. Naudlot ang kanilang pag-uusap nang nakahanda na ang babaeng kuneho.
"Bweno makakapaglakad naman ang iyong anak dahil gaya nga ng sabi ko ay nabigyan ko na sya ng paunang lunas." Wika ni Venus
"Ang anak ko. Aking anak." humagulgol nyang hinagkan ang kanyang anak.
"Tara na aabutin tayo ng dalawang araw sa paglalakbay." wika ni Char.
Sa umagang iyon ay sinimulan na nila ang paglalakbay para iligtas ang batang kuneho. "Ano po ba ang meron sa batang kuneho?" tanong ni Tina
"May insekto nakakabit sa kanyang tiyan. Ang insektong iyon ay may kakayahang makapunta ang mga narito sa mundo nyo ng walang gamit na mahika." sagot naman ni Venus.
Nagkaroon ng ideya si Tina sa kanyang nalaman."Tanggalin na lang po natinang insekto." kanyang mungkahi.
"Hindi!!!" pasigaw at sabay-sabay ang tatlo sa pagsagot. At inilayo ng kuneho ang kanyang anak kay Tina
"Ha may nasabi ba akong nakakasama?"
"Tina, ang sinumang kakapitan ng insektong iyon ay makakaramdam ng sakit. Kapag tinanggal mo naman ito ay mamamatay ka." wika ni Char.
Naging mabilis ang pangyayari at mabilis ring lumipas ang dalawang araw. Tanaw na tanaw na nila ang templo medyo malakas-lakas rin ang hangin dito dahil nasa mataas na lugar ang templo. Kitang kita mo sa ibaba ang isang mahabang ilog at mga nagkakapalang mga punong kahoy. Hindi na masyadong matanaw ang kanilang dinaanan kani-kanila lang.
"Heto na!" wika ni Venus na may sabik sa kanyang puso.
"Ang templo."wika naman ni Char.
Nakakagulat at lubhang nakakamanghaang hitsura ng templo, nagmistula itong lumilipad dahil wala man lang umaalalay sa istraktura ng templo maliban lang sa mabatong daanan na kanilang tatahakin.
Nilapitan nila ang nakapalaking tarangkahan na mukhang mabigat at kinakailangan ng sampung katao upang mabuksan nito.
"Maligayang pagbabalik Orakulo. Matagal ka nang hinihintay ng punong babaylan." wika ng isang lalakeng may espada at maputing buhok.
"O, ikaw pala..." hindi na nakapagsalita pa ng biglang yumakap si Char sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasyNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera