19. Kwento ng Isang Anak

182 9 3
                                    


19. Kwento ng Isang Anak.





Naging nasaya ang pananghalian ngmga manlalakbay sa munting kubo ni Venus. Nagkaroon ng maliit ngunitmakahulugang kasiyahan na matagal nang hindi nadama ni Venus sa tagal nyangnaninirahang mag-isa sa kinatitirikan ng kanyang kubo.

Nagkaroon ng mga ulap atbahagyang natakpan ang init na syang nagpabawas ng temperature sa kapaligiranng kubo. May mga paru-paro ding nagsisilipiran- na kahit tanghaling tapat na'ymababa pa rin ang lipad, nangangahulugan lamang na ang mga paru-paro dito'ymaamo sa mga tao man o ibang hayop. Ang ilog sa likuran ng kubo ay may mgaisdang lumalangoy na sama sama wari'y namamasyal na magkakapamilya omagkakaibigan.

Iniligpit na ni Tina at Venus angkanilang pinagkainan. Naiwan ang reyna at ang prinsipe sa silid. Ang kaninangtawanan ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. "Mahusay ang pinakita mo kanina. Hindi ko akalaing nagawa mo ang ganungklaseng atake." Pambabasag ni Char sa katahimikan.

"Nagkamali po ako. Masyado akong nadala sa mga bagay-bagay."

"Ako rin naman. Madalas ay ganyan ako. Mabuti na lang kamo at maynatitira pa akong bato. Iilan na nga lang ito eh."

"Maam...este.. Reyna Char."

"Naku Jamjam... pwede ate nalang ang itawag nyo sa akin ni Tina. Tutalmagkakasama naman tayo dito at naglalakbay na may iisang misyon."

"Ok. Sige. Sabi mo yan ate. Ewan ko lang po kung iisa lang ang misyonko."

"Batang ito. Tsk. Tsk. Tsk." Sinabayan pa ng pagngiwi ng ulo. "Kinakailangan mong iligtas ang mundo nyo.Ikaw ang prinsipe."

"Sya nga pop ala ma....ay ate nga pala... pwede po bang ilihim na munanatin na ako ang anak ng hari? Yun po kasi ang sinabi sa akin ng Santelmomatapos kong malaman ang aking nakaraan?"

"Hmmmmm. Ok. Mukhang mas maganda ngang ilihim na muna natin ito sa mgaibang nilalang para sa kaligtasan nyo."

"Salamat po ate."

"Mukhang may pinag-uusapan kayo ah." Pagbati sa amin ni Venuskasama rin nya si Tina na may dalang kawayang baso. Agad syang umupo at humarapsa amin. May dala-dala itong likido na may kulay sa isang Kristal na lalagyan. "Inom na muna kayo nito. Katas ng diceberry ito."

"Mmmmm. Ang sarap naman nito." Wika ni Tina

"Nagtaka ka pa e lahat nga masarap sa panlasa mo eh. Hahaha!"pambabara ni Jamjam kay Tina

"Bweno, balikan natin ang tanong mo mahal na Reynang Char."

"Char na lang. Magkaibigan naman tayo. Nakangiting sagot ni Charpagkababa nya ng kanyang baso.

"Ganito iyon, bago pa tayo nagkakilala Char ay may hindi na maganda nanaging karanasan ko..."

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon