18. Si Venus: Ang orakulo ng Pangagamot.
Nagsimula nang maging masangsangang amoy ng hangin sa loob ng kwebang kinalalagyan ng magkaibigan at ang reynang sinaunang Altera sa kadahilanang marami-rami na rin ang napaslang na mgaundin ang dalawang batang nagsasanay.
"Ano ba yang espada mo Tina, kinakalawang naman. Nakakahiwa ba talagayan?" pag-uusisa ni Jamjam na kasalukuyan parin ang hampas att palo sa mgaundin.
"Tignan mong maigi. Nakakahiwa naman ito kahit papaano." Bulalas niTina. Ipinakita ni Tina na hindi na sya natatakot sa mga nilalang na nasa harapnya. Pawisan na rin ang kanyang mukha ngunit magaan ang kanyang kalooban sapagpuksa ng mga masasamang uri ng Altera.
"Aba, hindi ka na pala takot." Muling hirit ni Jamjam. Bahagyasyang tumigil at magpapahinga sana ng biglang may sumulpot na undin sa kanyanglikuran.
"Aba prinsipe Jamjam. Masyado ka kasing madaldal." Birit ni Tina atngumiti ito. Iilan na lang ang mga undin. Ang iba ay nagsisitakbuhan na ngMakita na marami na sa kanilang mga kasamahan ang nangamatay.
"Nakakainis kang undin ka. Heto ang sa'yo" sabay hampas ni Jamjamsa mukha ng undin na muntik nang kumagat sa kanyang likod. Napahagikgik namansi Char habang nanonood.
Nagkaroon ng saglitang pagyanigat mula sa isang sulok ay biglang sumulpot ang isang sarangay na may malakingitak at hikaw sa kaliwang tenga.
"Uwaaahhhhhhh!" sigaw nito at nagsitalsikan ang ibang laway nito sakanyang harapan.
"Mukhang magandang laban ito ah." Wika ni Char sa mga bata.
"Ah mam hindi ka ba tutulong?" tanong ni Jamjam
"Kayo nang bahala. Patayin nyo agad yan. Sya yata ang nanakot at sumirang isang maliit na pamayanan ng mga tao. Nakakita ako ng usok kanina bago tayopumasok dito sa kweba."
"Grabe ka maam. Ang laki nito."
"Kaya nyo yan."
Wala nang nagawa pa ang dalawangbata kundi ang makipaglaban sa sarangay. Nagsimulang umatake ang dalawang bata.Kakikitaan na nagging mahusay na sa maikling panahon ang mga ito. Masayangpinapanood ni Char ang dalawang bata, alam na alam na nya na pursigudo angdalawang ito na mailigtas ang Altera at nais na rin nilang makabalik sakanilang mundo- yun ay kung ano ang magiging desisyon ni Jamjam.
Mahigpit na hinawakan ni Jamjamang kanyang pat-pat. Ilang beses ulit itong umilaw at sa bawat hampas natumatama sa sarangay. Samantalang si Tina ay nasa likod at doon gumagawa ng mgaatake.
Dahil hindi malaman ng sarangaykung sino at saan sya aatake, iwinasiwas nya ang kanyang itak ng paikot. Muntiknang matamaan si Tina na nasa likuran ng sarangay. Mabuti na lang at dumausdossya. Napatalon naman ng paatras si Jamjam.
"Hoy prinsipe. Hanapin mo nga ang kahinaan nito. Sigurado akong maykahinaan yan!" sigaw ni Tina
"Ang yabang mo, ikaw ang naka-isip ba't hindi na lang ikaw angmaghanap. Tutal mas malaki katawan mo kaysa sa akin."
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasyNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera