31. Ang ika-Anim na Selyo

77 7 0
                                    


"Hindi ko kayo masisisi kung hindi nyo agad na pinagkatiwalaan ang aking kasamahan." wika ng pinuno."Nasakluban na ang inyong puso ng pagdududa dahil rin lang sa mga kagagawan ninyong mga tao sa inyong mundo. Puno ng kasakiman, pagiging ganid, at makasarili. Iyan ang mga pumapalibot sa inyong katauhan." dagdag pa nya.

Nasa loob sila ng napakalaking puno na ginawa na nilang bahay. May mga batong nakasabit sa itaas na nagsisilbing tanglaw sa kadiliman ng silid kung saan sila nag-uusap. Nakahabnda ang mga iba't ibang urin ng prutas sa hapag kainan. Kanina pa nakatitig si Tina sa mg ito. Taka na takam na sya ngunit inunahan sya ng kanyang hiya.

"Bata, kanina ka pa nakatitig sa mga prutas, malaya kang kainanin ang iyong naisin." wika ng pinuno.

"Pasensya na po gutom na po talaga ako. Salamat." wika ni Tina at agad na nilantakan ang isa sa mga prutas.

"Palagi ka namang gutom." wika naman ni Char.

"Maiba po tayo, hinahanap po namin ang mga buto ni Jorie, baka may alam po kayo kung nasaan ang mga ito?" tanong ni Venus. Napatigil naman sa pagkain si Tina upang tignan ang sumeryosong mukha ng pinuno at muli na namang kumain.

"Ang mga labi ni aming diwatang si Jorie... Ano ang pakay nyo sa kanyang mga labi?"

"Kinakilangan po namin itong kunin para mabuhay po ulit sya."

"Mabubuhay kamo? Hmmm. Nasa itaas pa ng bahagi ng bundok na ito ang kanyang mga labi. May mga nagbabantay na mga elementong diwata ang nasa itaas. Kahit kaming mga kaibigan nya ay hindi pinapapasok sa bahaging iyon. Handa silang mamatay wag lang makuha ang mga buto nito." pagpapaliwanag ng pinuno

"Kung ganon, hindi pa alam ng mga diwatang iyon na maari pang mabuhay si Jorie." wika ni Char. 

Matapos lantakan ni Tina ang isnag prutas ay muli na naman syang kumuha ng isa pa. Tahimik itong kumakain sa isang silid. Pinagmamasdan sya ng mga iba't ibang hayo. Ang ilan ay natutuwa sa kanya kaya't pinagtatawanan nila ito.

"Tina, dahan-dahan nga lang ang pagkain mo. Malapit ka nang maging baboy sa ingay ng pagkain mo a." birit ni Char. "ganda ko talaga" dagdad pa nya. Pinakain nya rin ang kanyang buho.

"Sa aking palagay ay alam na nila ang tungkol dito." wika ng pinuno.

"Ngunit bakit hindi pa nila ito binubuhay pinuno?" wika ni Venus

"Kung ano man ang dahilan nila ay sila lang ang nakaka-alam. Kumain na muna kayo at magpahinga. Bukas na bukas din ay ituturo ko sa inyo ang daan." wika ng pinuno

"Salamat po." wika ni Venus.

Naiwan ang magkakasama sa silid at kumain na sila. Wala pa ring imik na kumakain si Tina sa isnag sulok samantalang patigil-tigl naman sa pagnguya si Char na para bang may malalim itong iniisip. "Nakapagtataka. Ano kaya ang dahilan nila kung bakit?" wika nya sa kanyang isipan.

"Char, nakatitig ka na naman sa kagandahan ko." wika ni Venus

"Ha ano? Hindi a. May iniisip lang ako."

"Iniisip mo ang kagandahan ko?"

"Hindi nga. mamaya na lang. Huwag mo muna akong istorbohin." Sumang-ayon naman si Venus sa kanyang narinig.


***

Kinabukasan...

Agad na bumangon at naghanda na ang tatlo upang muling umakyat sa itaas pang bahagi ng bundok. Nilinogn nila ito, natatakpan na ito ng nagkakapalang mga ulap. "Mahirap akyatin ang bundok na iyan. O heto baon ninyo. May anim na oras kayong aakyatin ang bundok na iyan." wika ng pinuno.

"Ha? Lakaran na naman. Wala bang lumilipad na kawali?"  birit ni Tina

"Gutom ka na naman ba at kawali ang nasa isip mo?" wika ni Char.

"Si Teacher talaga di na mabiro. Tara na" 

Sinamahan sila ng dalawang bubwit kasama na ang pinuno na akyatin ang hagdang gawa sa bato. Sa dulo nito ay ang bundok na may limang daraanan.

"May tamang ayos ang daraanan nyan. Para makuha nyo ang tanag daan ay kinakilangan nyong piringan ang inyong mga mata pagtapos nyong madaanan ang unang dalawang gitnang daan. Kunin nyo ang mahiwagang dahon na ito. Ito ang magiging gabay nyo sa pag-akyat. Kalooban nawa kayo ng ating Panginoong Dyos sa langit." wika ng Pinuno.

Tinahak na nila ang unang daraanan. Sa kanilang daraanan ay may mga kakaibang usok.Minsan ay masarap samyuin at minsan naman ay nakakasulasok. "Tama nga ang sinabi ng pinuno kaninang madaling araw ah." wika ni Venus.

"Diretso lang tayo." wika naman ni Char. Hinawakan nyang maiigi ang kanyang buho at naghanda para sa isang biglaang atake kung sakaling mak kalabang daraan. Abala naman si Tina sa pangangalkal ng anyang dalang bag habang naglalakad. Hindi alinana sa kanya ang panganib na dala ng hindi nya pagtingin sa kanyang daraanan. Nang masigurong kumplet ang makakain ay agad nyang nilingon ang kanilang likuran. "Ano!? Ang taas na nati?" pasigaw na tanong ni Tina.

"May dalawampung minuto na tayong tumataas ng hagdanang ito." Sagot ni Venus

"Pero, wala pang isang minuto ah nung binigay nila ito sa akin." pag-uusisa ni Tina.

"Abala ka naman sa dala-dala mo e. Mga pagkain ba mga yan?" tanong naman ni Char.

"Opo." sagot naman ni Tina. "Gusto nyo--" naudlot ang kanyang sinasabi nang magsalita muli si Char

"Narito na tayo sa ikalawang daraanan." 


***


"mahal na hari, lumingon ka sa bandang iyon. May nakikita akong barko." wika ni Ministro Praim

"Teka, barko yan ni Etong ah. Dali puntahan natin." wika ni Jamjam na agad nang tumakbo papalapit sa barko.

"Ano bang meron sa batang iyon at nilapitan agad ang barko. Teka, Jamjam, baka kalaban ang mga iyan." wika ni Mark

"Hindi kalaban ang mga iyan. barko yan at iisa lang po." pambabara ni Jamjam

"Aba ang batang ito natuto na rin sa pambabara ha." wika ni Mark

"Idolo ka siguro ng batang iyan. Malimit na pinapakwento ka nya sa akin." wika ni Ministro Praim. 

Wala nang iba pang nagawa ang hari kundi ang tumakbo rin. Sumabay na rin ang ministro sa pagtakbo.

"Etong...Etong si Jamjam ito. nariyan ka ba sa barko. Lina! Lina nandyan ka ba? Hoy Lina!" sigaw ni Jamjam. Tumalon sya at agad na narating ang itaas na bahagi ng barko. "Ha nasaan sila? Bakit ganito?" 

"Teacher Mark, Ministro!" sigaw ni Jamjam

"Bakit anong nangyari?" wika ng dalawa

"Parang may mali po dito." wika naman ni Jamjam.

"kakilala mo ba ang may-ari nitong barkong ito?" tanng ni Ministro Praim. Tumango naman si Jamjam bilang tugon sa tanong ng ministro.

naglibot ang tatlo sa loob ng  barko at napansin nilang walang dwende o anumang nilalang ang naroon sa loob. Muli silang lumabas at pinagmasdana ng paligid.

"May mali nga rito." wika ni Ministro Praim

"ganun din ako. Masama ito." wika naman ni Mark.

"Teacher Mark, ano pong mali?"

"Napansin mo rin ba ministro?" tanong ni Mark. Agad silang napalingon sa bahaging iyon ng barko.

"Tama nga ang hinala natin." wika ni Mark





ITUTULOY

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon