Samu't saring nilalang ag naglipana at nakapaligid sa tinitirhan nila Jamjam. Gulat na gulat pa rin si Tin asa dami ng kanilang kalaban. Nanatili itong nakatayo at nanginginig. Alam nya sa kanyang sarili na kaya nila ito ngunit may kung anong bumabagabag sa kanyang puso, wari'y may nagbabadyang sigwang papalapit para sa kanila.
"Tina ano pa bang hinihintay mo?" tanong ni Roman na kasalukuyang pinapaslang ang mga naglalakihang sigbin na papaatake sa kanila.
"Nakakainis na ito ha. Nariyan na ang mga Alan. Makakabuti ito sa panig natin." wika naman ni Mark.
"Fiero!" sigaw ni Ministro Praim. Lumabas sa kanyang palad ang maitim na apoy na syang sumunod sa kanyang mga nasasagupa.
Panay naman ang talon ni Jamjam at pinupuntirya ang pagpalo sa ulo ng kanyang mga kalaban. Mabilis ito. Minsa'y natatamaan sya ng mga matutulis na kuko ng kanyang mga kalaban. Hindi na alintana sa kanya ang pagkakaroon ng maliliit na sugat. Samantalang si Char naman ay abala rin sa paggamit ng kanyang pana. Pinapatamaan nya ang puso ng kanyang kalaban gamit ang iba't ibang uri ng elemento.
Nanonood lamang si Kaligua at Grazilda sa itaas. Pinagmamasdan ang galaw ng mga pinaniniwalaang tagapagligtas ng Altera. Paminsan minsang nangingiti si Kaligua sa kanyang napapanood lalo na kung natatamaan ng kanyang hukbo ang mga ito. "Kailangan na nating ipakita ang ating kakayahan sa mga hampaslupang iyan." wika nya kay Grazilda
Sumambit ng mga orasyon si Kaligua at walang anu-ano ay nahilo si Jamjam at hindi makagalaw. Napahiga ito sa lupa at namimilipit ng sakit sa tiyan. Sinunod naman nya si Roman, naging mabigat ang kanyang katawan at halos hindi nya ito maigalaw. Agad namang gumawa ng atake si Grazilda kay Char.
"Aba ang isang ito, lalabanan ang kagandahan ko." wika ni Char
"Hindi mo alam kung ano ang kakayahan ko. Pero alam ko na ang kakayahan mo. Hahaha!" wika ni Grazilda. Walang anu-ano'y nawala sya sa kanyang paningin. Umatake si Grazilda sa itaas na bahagi. Mabuti na la ng at nakailag si Char kung hindi'y malaking pinsala ang kanyang natamo. Nadaplisan ang kanang hita nito sa isang kalawit na dala ni Grazilda.
"Hiyaaaa!" sigaw ni Tina na biglang umatake kay Grazilda.
"Hahaha! Atake mo na ba yun bata?" patawang sabi ni Grazilda.
"Tina, huwag kang padalos-dalos sa atake mo... Maari kang mamatay." wika ni Char. Seryoso na ang mukha nito. Dahil sa sinabing ito ni Char ay inatake na lang ni Tina ang isang sarangay na patakbong aatakihin si Jorie. Naging maagap naman si Jorie at naka-alis agad sa kanyang kinatatayuan. Tumama ang ulo ng sarangay sa isang puno at natumba ito. Kinamot lamang ng sarangay ang kanyang ulo.
Patuloy sa pamimilipit sa sakit sina Roman at Jamjam. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang hari at pinatamaan ng pulang liwanag ang kinalalagyan ni Kaligua. Sumabog ito at bahagyang nahulog si Kaligua sa kanyang sinasakyan. Lumapag ito sa lupa pero nakangiti pa rin. "Magaling pala makipaglaban ng marumi ang hari. Nais ko iyang ginagawa mo."
"Salamat sa suporta mo sa akin." wika naman ng hari. Nakatayo na sina Jamjam at Roman.
"Huwag mo akong maliitin. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin." pagkabigkas nya ay naging maraming Kaligua ang naging kaharap ng hari. "Matatalo mo ba kami" sabay-sabay na bigkas ng mga Kaligua. Muli na namang bumigkas ng orasyon at agad na namilipit sa sakit si Mark, Jamjam, Roman, Tina, Char at Jorie
"Hmmm. Ang isang iyon bakit hindi sya tinatablan ng aking orasyon?" wika ni Kaligua sa kanyang isipan. Inatake na ng mga kampon ni Kaligua ang mga namimilipit. Ang ilan sa kanila ay pinagkakalmot at pinagsisipa ang mga tagapagligtas. Nanantiling nakatayo ang ministro.
"Hindi uubra sa akin yang orasyon mo Kaligua." wika ni Ministro Praim.
"Pinahanga mo ako. Wala pang makakapigil ng orasyon liban lamang sa iyo."
"Oo alam ko iyon, narito ako upang ipaalam sa inyo na kakampi nyo ako." wika ni Ministro Praim
"Tama nga ang hinala ko. Magaling-magaling. Maari mo bang ibigay sa akin ngayo ang mga selyong nakuha ninyo." wika ni Grazilda.
"Madali lang yan. Narito sa akin ang mga selyo.... Ang kalahating hiyas ng Altera, ang kwintas ni Venus, ang masayahing bato.... ang ika-anim na selyo ay ang korona ng hari ngayon." wika ni Ministro Praim
Ang dating maraming Kaligua ay nagbalik sa iisang anyo nito. "Magaling ministro Praim, mabuti naman at napaniwala mo ng husto ang mga higad na mga ito. Hahaha. Nasaan ang ika-pitong selyo?"
"Narito ang ika-pitong selyo. At ang sikapitong selyo ay walang iba kundi ang puso ni haring Mark." wika ni ministro Praim. Agad na nagulat sina Tina, Jamjam, Roman, Jorie at Char. Nagsitinginan sila sa hari kahit na silay namimilipt sa sakit.
"Walang hiya ka Ministro Praim... Pinagkatiwalaan kita ng husto." wika ni Mark
"Kasalanan nyo yan. Naniwala agad kayo sa akin." wika ni Ministro Praim
"Hahaha! Iyan ang nababagay sa inyo. Bweno patayin na natin ang hari upang makuha na natin ang kanyang puso." kumuka ng sibat si Kaligua.
"Huwag!" sigaw ni ministro Praim. "Kailangang buhay ang hari upang makuha ang kanyang puso. Gawin natin syang bihag dahil sa susunod na araw na ang eklipsis. Mabubuhay na rin sa wakas ang ating panginoong Onin." wika ni Ministro Praim.
Galit at pagkamuhi ang nararamdaman ni Jamjam sa kanyang nasaksihan. Wala silang laban sa ngayon. Mahina pa ang kanilang hukbo. Lalo na't wala sa kamay ng hari't reyna ang kanilang tunay na sandata.
"Buhatin ang hari. Bumalik na tayo sa kaharian. Hayaan nyo na ang mga iyan. Wala naman silang laban sa kakayahan natin." wika ni Grazilda. Agad namang binitbit ng isang sarangay ang hari. Nabalutan sila ng usok at biglang naglaho.
"Bwisit yan ministro Praim na iyan. Dapat sa kanya ay patayin." wika ni Jamjam.
"Jorie, magtapat ka sa akin. Tama ba ang narinig namin na ang ika-pitong selyo ay ang puso ng hari?" tanong ni Char.
"Sigurado ako doon." wika ni Jorie
"Ano na ang gagawin natin. Wala na ang hari. Lapastangang ministro iyon." wika ni Roman
"Susunduin natin si Venus, pupuntahan natin ang kaharian ng Altera. Gagawa tayo ng hukbo natin." wika ni Char.
"Pero, sa lakas nila, maraming mamamatay na taga Altera." wika ni Tina
"Wala nang ibang paraan kundi ang pagkakaroon ng gyera. Maililigtas pa natin ang Altera. Magtiwala sana kayo." wika ni Char. Kahit papaano ay lumakas ng bahagya ang loob ng kanyang mga kasama.
"Mga Alan, dalhin nyo kani sa Lucemia." utos ni Char
"Hindi ikaw ang hari. Sya lang ang susundin namin." wika ng mga Alan
Nagpakawala ng malakas na aura si Char at agad namang natakot ang mga Alan. "Masusunod mahal na reyna." wika nila
"Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. kailangan nating mapigilan ang pagkabuhay ni Onin." wika ni Char. "Alam kong may mali sa pinakita nyo sa akin kanina. Malakas ang kutob ko. " wika nya sa kanyang isipan habang sumasakay sa isang Alan.
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasyNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera