29. Nyebe sa Ilalim ng Buwan

82 8 0
                                    


Nagliliwanag ang kweba ni Olyn dahil sa mga lamparang nakasindi habang pinag-uusapan ng dalawang partido ang susunod na gagawin. 

"Kung gayon, kinakailangan nating mahanap ang mga buto ni Jurie dahil sya lamang nakakaalam kung nasaan ang ika-anim at ikapitong selyo." wika ni Roman

"Paano ba gagawin yaon?" wika ni Venus

"Hanapin nyo ang kanyang mga labi, ayon sa aking kaalaman ang kanyang mga labi ay nasa itaas na bahagi ng Altera, kung saan nagliliwanag ang buwan sa asul na kulay." paliwanag ni Olyn

"Alam ko kung saan matatagpuan yun. Nakapunta na kami ng Hari doon." wika ni Char

"Magandang balita mahal na reyna." wika ni Venus. "Mas maganda ako."

"Makakamit rin natin ang kaligtasan ng lahat..." sabi ni Olyn.

***

Maniningning na nagiliwanag ang buwan sa mundo ng Altera. Sa hindi gaanong kalakihang bahay ay naroon ang hari ng Altera kasama ang dalawa na kasalukuyang nagpapahinga sa kani-kanilang kwarto. 

Pinagmasdan ni Jamjam ang kabuoan ng labas, nagsisimula na namang magbagsakan ang mga nyebeng mapuputi't malalambot. Natakpan ng bahagya ang maliwanag na buwan. Gayun pa man, hindi ito naging hadlang upang maging madilim ang paligid. Nakaramdam na ng ginaw si Jamjam kaya't bumalik sya sa mainit-init nyang kama at tuluyan nang natulog. Hinayaan nya ang isang munting lampara na nakasindi upang maging tanglaw nya sa kanyang kwarto.

"Sana maayos na ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa amin."

***

Hindi na nag-aksaya pa ng oras sina Char at pinuntahan nila si Etong upang muling maglakbay sa itaas na bahagi ng Altera, ang nagninyebeng lupain. Agad naman pinaunlakan ni Etong ang kanyang mga bisita.

"Nasaan si Jamjam?" Agad na napansin ni Lina.

"Mahabang kwento. kinakailangan na nating pumunta sa snow land." wika ni Tina

"Ha? Isnu lan? Anong isnu lan?"

"Snow Land? Yung may malamig na parang bulak"

"Ah, yung manyebeng lupain sa itaas?"

"Mga bata mamaya na tayo magkwentuhan." wika ni Roman. Nasa loob na ng barkong lumilipad sina Venus at papunta na ito sa kubyerta.

Lumipas ang limang oras na byahe ay narating na nila ang lupain. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kasalukuyang pasimula pa lang ang isang bagyo. 

"Kinakailangan nating bumababa, kung hindi ay....masisira ang aking obra at wala tayong sasakyang pabalik." wika ni Etong

"Hay, bakit ngayon pa. Kung minamalas nga naman oh." wika ni Char.

"Isuot nyo ang mga ito." wika ni Etong sabay abot ng mga makakapal na damit. Hindi na nagdalawang isip pa ang kanyang mga kasamahan kaya't kinuha at sinuot nila. Nakaramdam sila ng ginhawa at pawi ng sobrang lamig.

"Mananatili muna tayo dito sa loob hanggang matapos ang bagyo. Sa akingpalagay. Aabutin tayo ng umaga. Kakaumpisa pa lang ng bagyo." pagpapaliwanag nya habang pinagmamasdana ng paligid.

"Dahil ryan, maghahanda ako ng maiinit na tsokolate at tsaa para sa ating lahat. Pampainit muna ng ating sikmura. tamang-tama rin ang inihahanda kong sopas para sa ating lahat." wika ni Lina.

"Magaling bata. Magaling." wika ni Venus

"Mabuti naman at nagkita tayong muli manggagamot."

"Venus na lang ka Etong. Hindi maganda para sa maganda kong mukha."

***

 "Jamjam.... Jamjam" wika ng isang boses

"Sino ka..." 

"Nalalapit na ang pagkikita natin. Hanapin mo ang kambal mo." 

"Nasaan  sya?"

Imbes na sagutin ng boses ang kanyang tanong ay muli na naman itong sumambit. "Iligtas mo sya, mapapahamak ang lahat kapag namatay sya. Mapapahamak ka."

Bigla nalang nag-iba ang kanyang kinalalagyan. Mula sa kanyang kinahihigaang damo ay matatanaw sa kalayuan ang maiitim na usok na unti unting bumabalot sa buong lupain. Papalapit ito sa kanya.

Agad syang bumangon at tumakbo ngunit kahit ano pang gawin nya ay napakabagal ang kanyang pagtakbo. nilingon nya ang kanyang likuran at nakita nyang ilang metro na lang ang layo ng itim na usok. Limampung metro. Tatlumpong metro, palapit ng palapit sa kanya. Hindi sya nawawalan ng pag-asa. Tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo. 

Sampung metro. Lalo syang nagimbal ng makita nyang malapit sya sa isang bangin. Limang metro.. Apat. tatlo... Dalawa... Pinikit nya ang kanyang mga mata at tumalon sa bangin. Hinihintay nya ang pagbagsak nya sa lupa ngunit napakatagal ang kanyang pagbagsak.

Madilim ang paligid... Walang anuman ang maaninag ultimo katawan ni Jamjam ay hindi makita. Ilang segundo lang ay nagliwanag sya at mula sa kalayuan ay may nakita syang isang tore. Nilapitan nya ito at pumasok. 

Tumambad sa kanyang harapan ang isang nilalang na ngayon nya lang nakita. Makapal ang mga kilay na ito, Malalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Wala kang kawala Jamjam. Mamamatay ka rin lang sa bandang huli. Mamatay ka!!!" wika ng nakaupo sa isang trono.

"Sino ka?" Sabi ni Jamjam.

"Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Sya ay ako. Buwahahaha!" 

Tumayo ang nakaupo sa trono at agad na inihagis ang isang sibat na napakaraming talim. Nailagan naman ito ni Jamjam.

"Tss. Mabagal." wika ni Jamjam.

"Magaling. Alam kong maiilagan mo iyon. Ngunit hindi mo alam ang lahat. Buwahahaha!"

Sa kanyang likuran ay bumalik ang sibat at syang tumama sa kanyang likuran. "Minamaliit mo ako. Mamamatay ka na. Buwahahaha."

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon