13. Ang Katothanan: Pagbabalik ng Nakaraang Memorya
XXX
Mabilis na nakarating sa sentro ng Lucemia ang malamlam na balita. Ito ang gabi na kung saan ay buwan ay may mapupulang sinag na nagbabadya ng isang unos para sa lahat ng nilalang sa mundo ng Altera. Bagama't naghuhudyat ito ng hidi maganda para sa lahat, pinapatibay ng mga iba't-ibang pinuno ang kanilang kalooban para sa kanilang nasasakupan.
Sa loob ng malaking puno kung saan naroon ang pangkat nila Roman ay abala pa rin sila sa pagmamatyag. Ilang minuto lang ay nagkaroon ng mga bula ang tubig. Isang palatandaan na nagsisimula na ang prosesong pagbabalik ng memorya.
"Magaling... Nagtagumpay ang iyong kaibigan bata. Pagkaahon nya mamaya ay malalaman na natin ang lahat." wika ni Etong. May kung anong kirot syang naramdaman pagkalipas nyang banggitin ang mga katagang iyon. "Ustin.... aking kaibigan, sana nasa mabuti kang kalagayan."
Mula sa pinangyarihan ng pagsabog na pinuntahan ni Roman ay nakita nya ang mga papasok na mga markopo. Dahil sa dami nito ang ilan ay nakarating kung saan naroroon sina Etong. Lumipas ang ilang minuto ay nakita nyang namumula ang sinag ng buwan. Nakita nya ang ilan sa mga Lumian na nagsibagsakan. Naguguluhan sya sa mga pangyayari. Itinuon na lamang nya ang kanyang atensyon sa mga papalabas ng markopo sa mga oras na iyon. Hindi nagtagal ay tuluyan nang nalisan ng mga markopo ang lugar kaya naman hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Roman at bumalik na sya sa kanyang mga kasama.
Ang kaninang bumubulang lawa ay napalitan ng kulay bughaw na ilaw na mistulang usok sa loob ng tubig. Nagmula ito sa iba't ibang panig ng lawa hanggang sa pumaikot ikot ito sa gitnang bahagi. Hindi rin pangkaraniwan ang ihip ng hangin dahil mula sa kanilang kinatatayuan ay magkaibang direksyon ang pag-ihip nito.
"Lina anak kinakailangan nating umatras ng bahagya para hindi tayo mailipad ng hangin." wika nito kay Lina at sa kanyang mga kasama. Ganoon na nga ang kanilang ginawa. Kataka-taka na halos isang metro lang sa pagitan ng dalawang hanging magkaiba ang direksyon ay hindi mo mararamdaman ang pag-ihip nito.
"Paano mo nalaman ito Etong?" tanong ni Roman
"Nakita ko sa mga damo. HIndi gumagalaw ang mga dahon nito." pagpapaliwanan ni Etong sabay turo sa mga dahon sa kanilang paanan. Tumango na alng si Roman sa kanyang nalaman. Inihanda na rin nya ang kanyang sarili kung sakaling may biglang darating na pipigil sa proseso.
XXX
Jamjam's POV
Grabe talaga yung dalawang pagsubok na binigay sa akin. Makatotohanan. Akala ko nga noong una eh, totoo na yon at parang isang panaginip lang ang pagpunta ko dito. Naririnig ko nga ang boses pero hindi ko naman nakikita ang nagsasalita. Nakakaewan nga e. Pero sa tuwing naririnig ko ang boses na iyon ay nagiging kampante ao sa pakiramdam ko.
"Jamjam.... Handa ka na bang makita at bbumalik ang iyong ala-ala?"
"Opo. Handa na ako. " sagot ko naman. Nagulat nga lang ako. Ikaw ba naman kasi na bigla syang magsasalita eh nagmumuni-muni ako.
"Ang lahat ng makikita mo ay ang katotohanan. Ito ang iyong memorya. Ito ang nakalipas. Ito ang iyong nakaraan." sabi nya ulit sa akin. Pero parang pare-parehas lang naman ang kanyang mga sinabi eh.
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantastikNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera