24. Pista ng mga Busaw

98 6 0
                                    


Ang kanilang sinasakyan ay nasa itaas na bahagi ng mga ulap. Kahit tanghaling tapat ay hindi nila ramdam sa kanilang katawan ang katirikan ng araw. Napapawi ang init na ibinibigay nito sa malamig at malakas na bugso ng hangin. Gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isipan ng hari ang sinabi ng kanyang estudyante.

"Kung pwede lang sana ay tsaka na lang natin yan pag-usapan. Alam kong marami ka pang katanungan. Ang importante ngayon ay ang gumawa ng plano." wika ni Mark.

Banaag sa mukha ng bata na galit ito kaya nanatili na lang syang tahimik sa kabuoan ng kanilang byahe. 

"Mahal na hari, nais ko rin sanang masilayin kung tama nga ang nakasaad sa libro." wika ni Praim

"Hmmm. Sige pagbibigyan kita. Mukhang magiging kapanapanabik ang magiging pista nila." wika ni Mark

"Nasasabik akong makita ang mga iyon mahal na hari."


***

"Magandang balita pinunong Kaligua. Alam ko na kung saan matatagpuan ang ikalawang selyo. Makukuha natin ito." masayang panimula ni Grazilda.

"Sinabi ko naman sa iyo na pagtuunan mo na ng pansin ang ikatlong selyo. Ang pangalawa ay madali lamang na makuha." sabat ni Kaligua habang tinitignan ang hari.

Sa isipan ni Kaligua ay bumubuo sya ng plano para sa pagkabihag ng orakulo upang umanib na rin sa kanila lalo pa't nasa kanya ang kwintas na nagpapahaba ng buhay at sa hindi inaasang pagkakataon ay ang ikalawang selyo na rin. Ang kaninang magandang ngiti ay agad na napalitan ng puot at paghihiganti nang makita nya ang hari.

Muli na namang nanumbalik ang mga nangyari sa kanyang buhay, sa buhay ng kanyang pamilya't mga mahal sa buhay. Lalo lang syang nangingitngit sa galit nang maaalala nya ang masasayang anak nya't kanyang lubos na minamahal na asawa. Isinisisi nya ang lahat sa kasalukuyang hari.

"Kailangang mabuhay ang ating panginoong Onin. Sya lang ang nararapat na maging hari, sya lang ang nakakaintindi sa kalagayan natin." wika ni Kaligua kay Grazilda.


***

Tatlong araw na rin ang lumipas simula ng sanayin ni Mark ang kanyang estudyante sa pakikipaglaban lalo na't wala sa kanya ang kanyang sandata. Sa una ay nahihirapan syang gamitin at ilabas ang kanyang kapangyarihan.

"Kailangan mo ng konsentrasyon. Isipin mo ang mga memoryang nakakapagpaligaya sayo." wika ni Praim. Sya ngayon ang nakatalaga upang bigyan ng pagsasanay si Jamjam.

Muling ipinikit ni Jamjamang kanyang mga mata nag simulang isipin ang mga magagandang ala-ala nya. Habang inaaalala nya ito aysinisubukan nyang ilipat ang kanyang kapangyarihan sa isang patpat na ginawa ni Praim bilang pamalit sa kanyang naiwang sandata.

Ramdam ni Jamjam ang init na papalabas sa kanyang katawan hinayaan lang nya itong dumaloy papunta sa patpat. Sa kasamaang palad ay hindi nya nagawang maayos dahil nawasak ang patpat dahil hindi pa kontrolado ni Jamjam ang paglabas nito.

"Mukhang kailangan mo pa rin ang mahaba-habang pagsasanay. Subukan namannatin ngayon ang bilis at lakas mo." pagkasabi nito ay agad na nawala si Praim.

Agad na gumawa ng suntok papasa tagiliran si Praim at agad namang tinanggap ni Jamjam. Natumba si Jamjam sa lakas ng suntok. "Jamjam. Maging mapanuri ka."

Muli na namang nawala si Praim, sa pagkakataong ito ay inihanda ni Jamjam ang kanyang pakiramdam. Pinakinggan nyang maiigi ang bawat galaw ng hangin. Hanggang sa may makita syang kakaibang ihip ng hangin sa kanyang itaas. Mabilis syang umatras. Hindi sya natamaan sa lakas na suntok na iyon ngunit gumawa pa ng iba pang pag-atake si Praim. Agad naman syang umilag pero mabagal pa rin tio. May ilan pa rin na kanyang nasasalubong.

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon