21. Ang Hari ng Altera

79 8 0
                                    


"Mukhang malakas ang batang iyon a. Saan nya kaya nakuha ang ganung kapangyarihan.?" wika ng nakatagong katauhan sa kanyang isipan habang pinapanood ang paglabas ng kapangyarihan ni Jamjam.

"Mukhang hindi pa nya ito kaya. mahina pa ang kanyang katawan para dito." 

Hinintay nyang madakip ito ng mga Alan bago umalis sa kanyang pinagtataguan. Sinundan nya ang mga Alan patungo sa kanilang mansyon.


***

"Maayos ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Char kay Tina.

"Opo." 

"Venus. Kailangan mo syang gamutin. malakas ang pagkakahampas ni Tina sa puno."utos ni Char habang tinititigan ang kanyang buho.

"Hindi na yata kailangan pang gamutin sya. Tignan mo Reynang Char. Nawala ang kanyang galos."

"Ha? nakapagtataka. Paano kaya nangyari yun? Hindi kaya dahil sa kapangyarihan ni jamjam? Malakas yun." wika ni Char.

"Nasaan po si Jamjam?"

"Tinangay sya ng mga Alan. Kung wala nang masakit sa katawan mo, kailangan na nating magpatuloy, mabilis lang tayong matutunton nila Grazilda sa nangyari kanina." wika ni Char kay Tina. Agad namang tumalima ang abta at sumunod na agad sa paglalakad na para bang walang nangyaring masama sa kanila kanina.

***

Mabilis na natunton ng isang anino ang mansyon ng mga Alan at walang takot na pumasok dito. "nasaan ang bata?" tanong nya sa mga Alan.

 Pumaikot ang mga Alan sa kanya bago gumawa ng kakaibang ingay. "Gwrr."

"Maayos kung ganon. Salamat sa inyo. Kukunin ko na sya." wika ng anino. Pagkakuha kay Jamjam ay agad na lumipad ito papunta sa isang islang nababalutan ng nyebe.

"Ngayong nasa akin ka na makakamit na at maayos na ang dapat na mangyari." wika nya habang tinititigan ang walang malay na bata.

Pagkarating nya sa kanyang bahay ay agad nyang pinalitan ang bata ng mas maayos na damit bago ito bumaba upang magluto ng makakain. Nilapitan naman sya ng apat na pusa na kanyang inaalagaan simula nang makarating sya sa bahay na ito. Naging kasa-kasama nya ang mga ito kaya't hindi sya nababagot kahit walang ibang kahalubilo.

Napalingon sya sa labas mula sa durungawan sa kanyang maliit na kusina. Nagsisimula na namang magsibagsakan ang mga mapuputing nyebe sa labas. "Mukhang magiging malamig ngayong gabi ha. Shhh. Oo na bibbigyan ko kayo ng makakapal na kumot mamaya." wika nya sa kanyang mga alaga.

"Susme, ilang oras na rin pala ang nakakalipas. Sigurado akong gutom na kayo."

"Meow."

Nakarinig ng pagkatok sa pintuan ang anino. Binuksan nya ito. "Ah. Kayo po pala Ministro." wika nito.

"Mahal na hari..." wika ng ministro

"Shhh. Kumain na po muna tayo."

Dahil na rin sa lamig ng panahon at sa layo ng nilakbay ng ministro ay hindi na ito nagdalawang isip pa na samahan ang hari na ngayo'y kakalapag lang ang mga mangkok at papaupo na ito. Makikita mong umuusok pa ang sopas na niluto ng hari, ang amoy nito'y wari ay isang napakaespesyal na luto bagamat iilan lang ang iniligay na sahog ng hari. 

"Walang dudang ikaw nga ang sinaunang hari ng Altera, gaya ng isinasaad sa libro ay napakahusay ng hari sa larangan ng pagluluto."

"Ikinagagalak ko na nagustuhan mo ang luto ko. May nais lang sana akong itanong sa inyo ministro."

"Isang karangalan na sagutin ang inyong tanong mahal na hari. Ano po ang inyong katanungan?"

"Hmm. Ilang taon na ba ang lumipas simula noong mawala kami dito sa Altera?"

"sa aking palagay ay may isang libong taon na po ang nakakalipas."

"Matagal na rin pala. Matindi ang kinakaharap ng Altera ngayon. Kailangan na rin nating kumilos. Nakita ko na rin pala ang reyna pero hindi pa ako nagpapakita sa kanya."

"Kung yan po ang kagustuhan nyo. bali-balita po na may tatlo daw po na magiging tagapagligtas ng Altera ngayon."

"Ah... Nakuha ko na ang isa. Yung isa naman ay iniwan ko sa reyna."

"Ta-talaga po mahal na hari? Nasaan po sya. Nais ko po syang masilayan."

"Kaso...tulog pa sya. Hindi ako sigurado kung papaniwalaan mong isa sya sa mga magliligtas."

Habang nag-uusap ang dalawa ay sya namang pagkaroon ng malay ni Jamjam. Unti-unti syang bumangon s akanyang kinahihigaang kama na nababalutan ng mga mapupulang tela. Inaninag na muna nya ang kabuoan ng kwarto bago sya lumabas. Habang pababa sya ng hagdan ay naririnig nya ang isang pamilyar na boses.

"Kilala ko ang boses na yun. Ano kaya ang ginagawa nya dito?" wika ni Jamjam sa kanyang isipan. Hindi nya maiwasang pakinggan ang pinag-uusapan ng dalawang anino.

"Bakit po mahal na hari?" tanong ng ministro.

"Hari? Isa syang hari?" muling tanong ni Jamjam sa kanyang isipan.

"Sa ngayon... Hayaan na muna natin syang magpahinga. Maraming enerhiya ang nailabas nya kanina noong nakipaglaban sya sa mga Alan."

"Mahabaging langit, mga Alan? Alan po ang umatake sa kanila?"

"Oo mga Alan nga, huwag kang matakot sa kanila."

Kating-kati na ang isipan ni Jamjam na makompirma kung tama nga ang kanyang hinala kung kanino ang boses na kanyang naririnig sa bandang kusina. Lalabas na sana sya ngunit maymga pusang lumapit sa kanya at kiniskis ang kanyang katawan sa binti nya.

"Meow!"

Napalingon naman ang hari sa kinalalagyan ng pusa. "Ministro, mukhang gising na ang nais mong makilala. Bata, labas na riyan. Alam kong nariyan ka.

Hindi kaagad malaman ni Jamjam kung magpapakita na ba sya o babalik sa kanyang kinahihigaan.

"Halika na bata."

Binuo na muna ni Jamjam sa kanyang isipan ang kanyang sasabihin pagkatapos ay bumuntong hininga sya at saka nagpakita.

"Pasensya na po kung narinig ko ang usapan nyo. Yung boses nyo po kasi ay pamilyar..." wika ni Jamjam at biglang gulat nya sa nakita sa kanyang harapan.

"Sya ba ang isa sa mga tagapagloigtas ng Altera mahal na hari?"tumango lang ang hari sa kanyang kausap.

"Teka... hari?Isa kang hari?" gulat na tanong ni Jamjam.

"Oo sya nga ang hari ng Altera noong unang panahon." wika ng ministro.

"Ano po? Sinaunang hari po sya. Pero sya po si..." 




ITUTULOY

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon