9. Lumian
XXX
Humito ang sasakyang panghimpapawid na lulan ang dalawang bata, dalawang dwende at ang diwtao (kalahating diwata-kalahating tao) sa pinaka isla ng Lucemia. Ilang minuto ang ang ginugol ng lahat upang paghandaan ang kanilang pagbaba. May mga taga-Altera naring naghihintay sa kanilang pagbaba dito. Sabik silang makita ang kanilang panauhin na ilang araw na nilang hinihintay.
Habang pababa sila may isang mamamayan n Lucemia ang sumigaw. "maligayang pagbabalik Etong" sabi nito.
Agad na nilapitan ito ni Etong at nagyakapan sila-tanda na matagal silang nagkahiwalay dahil sa higpit ng mga yapos nila sa isa't-isa.
"Matagal na rin tayong hindi nagkita Ustin." wika ni Etong sa kausap
"Tama ka kaibigan. Matagal nang panahon. Mabuti naman at napasyal ka...kayo dito. Mabuting mabuti..." wika ni Ustin at isang mahigpit na yakap ulit ang iginawad nya sa kanyang kaibigan.
"Sya nga pala, alam kong alam mo na ang tungkol sa mga batang itinakda ng propesiya ni Olyn." wika ni Etong
"Sila na ba ang mga nasabing bata?" pagtatanong ni Ustin. Tumango naman si Etong bilang pagsang-ayon. Nilapitan nya ang dalawang bata at niyakap ang mga ito. "Maligayang pagpasok dito sa Altera. Masaya akong makasama kayo dito sa aming isla."
"Ah....eh... s...salamat po." sagot ni Tina. Samantalang hindi makasagot si Jamjam dahil kanina pa ito kinakabahan.
"Ah.... Ikaw siguro si Lina?" tanong ni Ustin.
"Opo ako nga. Ikinagagalak ko po kayog makilala." sagot ni Lina. Biglang yumakap ulit si Ustin sa tatlo.
"Sya nga pala si Roman." sambit ni Etong.
"Oo. Ikaw nga si Roman. Ang pinakatapat na tagapagbantay ng Hari... Maligayang pagbisita."
"Salamat." matipid man ang sagot ni Roman ay makikita mo sa kanyang mukha na palagay na ang loob nya sa nasabing isla.
Sa isang napuntahan nila ay makikita ang isang kahariang pinamumunuan ni Ustin. Tama parang normal na mamamayan lamang si Ustin. Ayaw nyang maraming taga-Altera ang umaalalay sa kanya. Matapat sya sa paglilingkod sa kanyang nasasakupan. Ni minsan ay hindi nagkaroon ng pagdududa ang mga mamamayan sa pinapakita nyang kabaitan sa kanila.
"O bweno. Tara na muna sa bahay." sabi nito sa kanyang mga bisita. Sa kanilang pagklalakad ay sumama ang mga taga-Lucemia o mas kilalang Lumian. Maihahalintulad sila sa mga tao ngunit ang pagkaiba nila sa mga ito ay may mga maliliit silang berdeng pakpak at mas matangkad sila ng kaunti sa mga dwende.
Pagkarating nila sa palasyo, agad silang nagpunta sa malaking bulwagan upang magkaroon ng malaking salu-salo. Naging masaya sila sa maikling salu-salo na inihanda ng mga Lumian. May mga iba't ibang prutas silang ipinakain sa kanilang mga bisita. Maraming nakain si Jamjam sa mga prutas. Isa sa mga ito ang naging paborito nya. Si Tina naman ay masaya sya sa mga nakilala nyang mga Lumian.
Pagkatapos nilang kumain ay nagsiligpit ang mga Lumian. Kasama na si Ustin dito. "Ustin di ba ikaw ang hari dito sa Lucemia?" tanong ni Lina habang magkakasamang nakaupo sa isang tabi kasama sina Jamjama t Tina.
"Oo, ako nga." sagot naman nya sa mga bata habang hawak-hawak ang ilang mga pinagkainan.
"Bakit po kasama ka sa mga nagliligpit?" muling tanong ni Lina.
"Hahaha. Ayaw kong pinagsisilbihan ako ng aking mga nasasakupan. Tama na ang pinapakita nilang kasiyahan para sa akin." sagot nya.
Nakaramdam ng kakaibang paghanga ang tatlong magkakaibigan sa isinagot ni Ustin kay Lina. Tunay ngang kakaiba ang pamumuno nito sa kanyang nasasakupan. Walang duda na minamahal nila ang kanilang hari. Dahil sa pinakita ng hari ay agad na tumayo si Jamjam at pumunta sa hapagkainan upang tumulong sa pagliligpit.
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasíaNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera