4. Ang Imbitasyon sa Altera
XXX
Tina's POV
Mula sa kalayuan ay abot tanaw ko ang isang lalake na nahihilo sa daanan. Liningon ko ang paligid. Wala nan mga tao dahil nagsitakbuhan.
"Sabi nila may halimaw, nasaan naman kaya iyon. Wala naman. Tapos hindi pa nila tinulungan yung lalake nahihilo sa daan." dismayadong sambit ko.
Takot pa rin ako dahil sa mga sinabi nilang may halimaw dito. Gusto ko nang umuwi.Tinibayan ko ang loob ko. Dumaan ako sa isang kotseng nakabukas. May nakita akong mga dugo dito na mas lalo kong ikinagimbal.
"Bata..." tawag sa akin ng lalake. Hindi na ako lumingon bagkus ay humarurot ako ng takbo... Takbong mabagal dahil sa katabaan ko. Nakakainis naman kasi eh. Gusto kong magdyeta kaso masarap ang luto ni mama. Sinasadya ba. Mabilis akong nakarating sa aming bahay at agad na pumasok.
"Aba Tina..." wika ng aking inay
"Nay naman. Alam kong mataba ako. Huwag mo na akong tawaging Taba Tina." wika ko
"A-B-A T-I-N-A ang sinabi ko hindi TABA TINA." talagang spell out pa ang ginawa.
"Ay.... sorry po."
"Nagjogging ka?"
"Opo inay. Nagjogging ako sa daan dahil sa takot."
"Palagi ka na lang takot anak. Minsan kailangan mo ring maging matibay hindi yang tinatakbuhan mo ang kinakatakutan mo."
Hmm... May punto nga si inay kaso nakakatakot talaga. Buti nga hindi ako nahimatay sa takot. Niyakap ko na lang sya at tinanong kung ano ang ulam. O diba pambawi sa pagtakbo ko. Nakakagutom rin yun, mantakin mong gumamit ako ng powers ko na 1Km dash.
Dumiretso ako sa aking kwarto at umupo kaharap ang aking mesa. Nakita ko yung kakaibang bulaklak na nakuha ko sa kakaibang lugar na iyon. Inamoy ko ito. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Hindi ko mawari sa aking isipan kung bakit ganun ang aking naramdaman. Para bang tinatawag ako, parang kailangan ako ng sino man.
Napaluha na lang ako ng hindi ko namamalayan. Pagkapunas ko ng aking mga luha gamit ang aking kamay bigla na lang akong nasa ibang lugar. Napakalungkot ng hanging pumapasok sa aking baga. Nakita ako ang ilang tao na nagsisitakbuhan, may mga batang umiiyak... Lahat sila ay tumatakbo papalayo sa iisang direksyon.
"Ale, ale.... Nasaan ako? Bakit po kayo tumatakbo?" tanong ko sa nilapitan kong tao ngunit wala syang naririnig. Bigla syang tumayo at tumagos sya sa aking katawan. Nanlamig ako sa aking nasaksihan.
"Oh no, p-patay na ba ako." tanong ko sa aking sarili. Nilingon ko ang paligid. Naawa ako sa mga batang nag-iiyakan. Mga taong natutumba at natutulakan para lang makalayo sa lugar na iyon. May mga magulang na yakap-yakap ang kanilang mga anak...
Nangilid ang aking mga luha. Kahit sino pa man ang makakita ng ganito ay maantig rin ang kanyang damdamin. Tanggap ko nang patay ako sa oras na ito. Hidi ko pa rin maikakaila ang takot na nararamdaman ko. Para sa aking sarili at para sa mga tao.
Bumulusok ang itim na usok sa iba't ibang parte ng kinalalagyan ko. Nakita ko na may nagsisilabasang mga lamang-lupa. Lahat sila ay inaatake ang mga tao. Tuwang-tuwa sila sa pagpapaslang ng mga tao. Papalapit ng papalapit ang itim na usok sa kinalalagyan ko.
Ang ilan sa mga tao ay nanlalaban at nakakapatay ng mga ibang lamang lupa ngunit noong sila'y mabalot ng itim na usok ay nangamatay sila na para bang nanuyo ang kanilang katawan. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Yumuko ako at umiyak sa isang sulok. Nakakaawa... Wala kong magawa para sa kanila..
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasíaNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera