7. Palalayag sa Kalangitan
XXX
Malamlam ang gabi sa Altera. Ang tubig sa sangbay ay nagbibigay ng nakakaayang tunog para sa mga manlalakbay. Ang bawat lagaslas nito ay nagbibigay ng buhay para sa mga halaman at mga nakatira sa ibabang bahagi nito. Sa nasabing sangbay ay mayroon itong malaking kweba na kung saan ay naroroon ang dalawang dwende, ang kalahating tao at kalahating diwata; at ang dalawang pinaniniwalaang magbabalik ng kaayusan sa nanganganib na mundo ng Altera.
Manghang-mangha ang dalawang bata sa kanilang nakitang isang sasakyang pandagat. Maliit lamang ito na kung papansinin mo ay magkakasya ang sampung nilalang. Kulay pula ito na may gintong metal sa bawat sulok. Ang pinagkaiba nito sa ordinaryong bangka ay may natatangi itong gulong na pwedeng gamitin sa lupang matigas. May iba't ibang palamuti ito sa gilid ng barko. Sa harapan naman nito ay may patusok na espada ng isang sinaunang diwata ng Altera.
"Ang astig naman nito!" sabi ni Jamjam
"Oo nga. Pero... di ba Roman kaya mo namang gumawa ng portal kahit saan at kahit kailan mo gusto?" tanong ni Tina habang kinakalabit ang likod nito.
"Oo kaya ko nga." sagot naman ni Roman
"Bakit hindi na lang yun ang gamitin natin para mas mapadali ang ating pagpunta sa pupuntahan natin." muling sambit ni Tina.
Nanahimik si Roman sa kanyang narinig sa bata. "Matalinong pagtatanong bata." sabat ni Etong "Limitado lamang ang nagagawang portal ni Roman. Base sa kanyang aura ay hindi na muna nya makakayanang gumawa ng portal sa loob ng tatlong buwan."
"Ha? Pero ayos na rin at makakasakay na rin ako ng barko." sabi ni Jamjam na magpasahanggang ngayon ay namamangha pa rin sa kagandahan nito.
"Nemo ang tawag namin sa kanya." nakangiting wika ni Lina sa kanila.
"Mga bata halina kayo. Malayu-layo pa ang lalakbayin natin." wika ni Etong sa amin.
Halos hindi magkamayaw ang dalawa sa kanilang unang pagsakay sa ganitong uri ng sasakyan. Magkakahalo ang kanilang nararamdaman sa oras na iyon. Ang kaninang antok na narararmdaman nila ay nawala na.
"Magiging maganda ang paglalakbay natin ngayon." wika ni Etong. Sinimulan ana nyang paandarin ang kainilang sasakyan. Agad namang gumulong ang gulong nito palapit sa dulo ng kweba kung saan ay pababa ang daloy ng tubig.
"Tara sa loob." aya ni Lina sa tatlo.
"Pero gusto kong makita ang labas." sabi naman ni Tina
"Makikita mo pa rin sa loob. Kung gusto mong maisama sa daloy ng tubig e sa labas ka na lang. Hehe." sagot ni Lina
"Ha e, ang papa mo. Si Etong ... Paano sya?" tanong naman ni Jamjam kay Lina.
"Walang problema basta tignan nyo na lang sya. Alam nya ang kanyang ginagawa." sagot ni Lina. Si Roman ay nakaupo na sa gilid at may hawak itong isang bote. Patuloy na nanginginig ito.
kaunti lang ang gamit sa loob ng kwartong pinuntahan nila, may apat na upuan at isang mesa na may isang libro na nakapatong dito. Sa isang sulok ay may pintuang yari rin lang sa kahoy nunit may pintura itong kulay dilaw. Sa itaas naman ay may lamparang nakasindi upang magbigay ng tamang liwanag para makita nila ang isa't-isa. Nakaramdam sila ng bahagyang pagyanig at ang biglaang pagtigil rin lang nito.
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantastikNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera