Ang mga ulap ay unti-unting bumubuo ng mga imahe sa isipan ng mga malalawak ang imahinasyong mga taga-Altera. Animo'y mga kagigiliwang nilalang ang nabubuong anyo ng mga ito. Matayog na inilalahad sa kabuoang lupa ng Altera ang mainiit-init na sikat ng araw na syang nagbibigay ng sapat na liwanag upang makita ang kagandahan ng Templo ng Panggagamot.
"Matagal na tayong hindi nagkikita. Hindi ka rin tumatanda?" tanong ni Char.
"Ito ang kagustuhan ng babaylan." sagot ng kanyang kausap.
"Muntik ko na pa lang makalimutan. Naging taga-gamot nyo pala sya ng hari." sabat ni Venus
Matapos silang mag-usap ay agad na silang pumasok upang magawa na nilang gamutin ang bata. Dahil sa takot ng bata ay nagtatakbo ito papalayo sa templo. Agad naman syang sinundan ng kanyang ina.
"Kinakailangan nating mahabol ang bata. Kailangan nyang magamot." wika ni Venus.
"Tara, bilisan lang natin at gutom na ako." sagot ni Char.
Lumabas sila ng templo at sinundan ang mag-ina. Nakita nilang pumihit papataas ang bata na sya namang sunod ng kanyang ina. Hinabol naman sila ng reyna at nakarating sila sa isang pasilyo na walang kalaman-laman maliban lang sa isang nakaputing toga at may puting telang saplot sa ulo.
"Saglit lang batang kuneho. Matutulungan kita."wika nito
"Maawa po kayo. Tulungan nyo ako, masakit ang aking tyan. Masakit." wika ng batang kuneho
"Halika lapit ka. Tatanggalin ko ang sakit na nadarama mo." Lumapit naman ang batang kuneho sa kanya. Nang makalapit ang batang kuneho ay pinilit nyang tanggalin ang insekto sa tyan ng batang kuneho.
"Aray!!!" impit ng batang kuneho at tumakbo sya papaalis. Agad naman nyang nakita ang kanyang ina ngunit nagpatuloy ito ng pagtakbo pabalik sa templo.
Muli nilang sinundana ng maliksing batang kuneho sa kanyang pagtakbo. Pagkarating nila sa templo ay nakita nila ang isang madre na nakahandusay. Agad nilang nilapitan ito.
"Ang batang kuneho. Binunggo ako." wika ng madre na hirap ng tumayo. Ginamot agad ito ni Venus at agad na naman nilang sinundan ang bata palabas muli ng templo.
"nakakapagod ito a. Labas pasok ang iyong anak. Nakakagutom." wika ni Char
"Huhuhu. Ang aking anak. Kailangan nya ng tulong."wika ng kanyang ina.
"Hihiwalay po ako sa inyo." wika ni Tina sa kanyang mga kasama. "Kapag nahuli ko po sya ay magkikita-kita po tayo sa loob ng templo."
"Sigurado ka ba Tina?" tanong ni Char.
"Opo." Walang sinayang na panahon si Tina at agad na nagkubli sa tanging daraanan ng mga pumaparoo't pumaparito sa templo. "Ito na ang hinihintay ko ang makabalik sa aming mundo." wika nya sa kanyang isipan. Nabuo nya ang planong ito simula ng malaman nya ang bagay na iyon. Matagal na nyang nais makabalik sa kanilang mundo. Matagal na nyang ninanais na makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. Habangnag-iisip ay sya namang pagtakbo ng batang kuneho palabas muli ng templo.
"Aray!!!" sigaw nito habang tumatakbo. Agad namang sinundan ni Tina ang batang kuneho papunta sa isa pang bahagi ng groto.
Samantala, sa itaas ng isang talon ay nag-uusap ang dalawang misteryosong anino."Ang batang kuneho na iyon ay may insekto sa tyan. Kinakailangan nating makuha iyon para mailigtas mo ang iyong mahal."
"Maililigtas ko nga ang aking mahal ngunit ikakamatay naman iyon ng kuneho."
"Ngunit, ang inyong mahal ay matagal nang nagdurusa. Kinakailangan nya ang insektong iyon. Mahina ka. Isa kang duwag."
Bigla na lamang siyang sinaksak ng kanyang kausap at dinukot ang nagniningning na hiyas sa kanyang puso. Eksaktong pag-alis ng magnanakaw ay syang pagdating ni Tina kasama ang reyna at ang ina ng kuneho.
"Isang Humi! sigaw ni Venus na kararating lang.
"Ang anak mo... Nanganganib."
"Ang aking anak. Ang aking anak. Tulungan nyo." halos manghina ang mga tuhod nito.
"Isang Humi na naman ang namatay. Iilan na lang sila." wika ni Venus. Tumakbo ang inahing kuneho papunta sa masmataas pang bahagi. Mabilis na nagliwanag ang katawan ng humi at nawala ito ng parang bula. Pagkawala ng katawan ng humi ay agad silang sumunod sa kuneho.
"Halika na bata. Hindi na magiging masakit ang tyan mo. tatanggalin na natin ang insekto sa katawan mo."wika ng magnanakaw
Lumapit naman ang batang kuneho sa kanya. Naupo sya ng bahagya at unti-unting humiga. Lumapit ang magnanakaw at tuluyang tinanggal ang insekto sa tyan ng kuneho at sya namang pagdating ng kanyang ina.
"Inay, maayos na ang kalagayan ko. Maayos na. Wala na akong nararamdamang sakit." wika ng kuneho at bigla nalang syang nawalan ng ulirat.
"Ang aking anak. Huhuhu." wika ng kanyang ina.
"Huwag kang mag-aalala sa kanya. Wala na syang mararamdamang sakit." wika ng magbnanakaw.
"Wala kang puso!"wika ni Tina.Tiim ang bagang nyang wika sa magnanakaw. Ngayon nya lang napagtanto na ganoon ang kakahinatnan ng batang kuneho kung sya ang kumuha o nakakuha ng insekto.
"Ako pa ngayon ang walang puso? Nagdurusa ang batang iyon. Kung hindi ko tatanggalin ang insekto sa kanyang tyan ay habang buhay syang mamimilipit sa sakit." sagot ng magnanakaw. Nagpakawala sya ng isang bomba na naglalaman ng maitim na usok. Ilang saglit lang ay nawala na sya sa kanyang kinatatayuan.
Nanlulumong pinagmamasdan ni Tina ang kalagayan ng batang kuneho. Wala na itong buhay. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang kanyang ina.
"Ang aking anak. Wala na... ang aking anak!"
***
Makalipas nilang maiburol ang batang kuneho sa isang sagradong lugar ng groto ay nagbalik sila sa templo.
"nais kong ibigay ang ika-apat na selyo sa iyo mahal na Reyna." wika ng pupong babaylan habang ibinibigay ang dilaw na dyamante na kanyang kinuha sa kanyang kwintas. "Iyan ang simbolo ng groto. Ingatan nyo ito."
"Salamat punong babaylan. Hindi na po kami magtatagal at kinakailangan na naming maglakbay upang mailigtas sa kamay ng kasamaan ang Altera." wika ni Char
"Maiiwan na lang ako rito." wika naman ng babaeng kuneho. "Kung iyong nanaisin punong babaylan. nais ko sanang matutong manggamot. Bilang ala-ala ng aking yumaong anak."
"Matutupad ang iyong kahilingan." sagot naman ng punong babaylan. Inayos na nya ang kanyang sarili atpumasok sa isnag kwarto. naiwan sina Tina, Reyna Char at Venus.
"Kalooban nawa kayo ng ating Panginoon." pagpapaalam ng punong babaylan.
Pagkalabas nila ay agad silang nagtuno sa isang kainan dahil na rin sa gutom na nararamdaman ng Reyna. MAy mga ilan na nakakilala sa kanya at nagbigay ng libreng makakain sa kanila. "Iba na ang ganda ko, kahit gutom ako."
"Mas maganda ako." birit naman ni Venus. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa kanilang damdamin. Magkakaroon ulit sila ng panibagong paglalakbay at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakuha na rin nila ang ika-apat na selyo na syang kaloob ng langit para sa kanila.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasyNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera