28. Ika-Limang Selyo

64 8 0
                                    


Malamig na lumalagaslas ang tubig sa isang talon. Nagliliwanag ang tubig nito dahil sa mga iba't ibang bato na nakapaloob sa pinag-aagusan nito. Matayog ang mga puno na nasa paligid nito na syang sinisilungan ng mga ibong nagbibigay buhay sa isang malamlam na gubat. Bukod tangi ang isang hugis bilog na bato, ito lamang ang tanging walang inilalabas na ilaw. Ganunpaman, napawi naman ang malungkot na kinahihinatnan ng batong ito sa lumalabas na ilaw mula sa ibang bato. Ito ang ika-limang selyo-ang batong punung-puno ng liwanag at sumisimbolo sa kasiyahan-ngayo'y nagdurusa.

***

"Haaaaa!" hiyaw ni Jamjam habang umaatake kay nimistro Praim. Mabilis ang kanyang mga kamay sa mga suntok na kanyang ginagawa ngunit naiilagan pa rin ito ng kanyang guro.

"Lagi mong tatandaan, mas mahirap ang pagdadaanan mo sa hari kumpara sa binibigay kong ensayo. Sya ang maguturo sa'iyo mamaya." wika ni Praim

Hingal na hingal na si Jamjam sa pag-atakeng iyon ng makaisip sya ng isang taktika upang matamaan ang ministro."Tss." Ngumisi si Jamjam.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" 

"Wala..." wika nya at bigla na lang ang kanyang paglaho. Mula sa tagiliran ni Prainm ay nakagawa ng maliwanag na hugis panang mahika ang pabulusok sa kanya. Agad nya itong sinalag ngunit sya namang pag-atake ni Jamjam sa kanyang itaas. Hindi ito namalayan ni Praim kaya't natamaan sya. Wala pang isnag segundo at muli syang umatake naging mabilis ang pangyayari at tumilapon na lang sa mga puno si Praim

"Magaling ang pinapakita mo sa pagsasanay mo Jamjam." wika ni Mark

"Kayo pala mahal na hari."

"Pagbutihan mo. Dahil maganda ang ginawa mo pupunta tayo sa Arentis."

"Ang Arentis. Hmm. Matagal na akong hindi nakakapunta doon. Simula nang manganib sila mula kay Minokawa." wika naman ni Praim

***

Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay ay narating rin nila Jamjam ang Arentis, di hamak na mas maganda ito sa kasalukuyang kapaligiran ng Altera. Agad namang naghanda ang hari ng makakain habang sila ay namamahinga sa isang talon.

"Teacher Mark, maliligo lang ako sa may talon." wika ni Jamjam. tumango naman ang hari at sinundan sya ni Praim na naghahanda na rin para maligo.

"Huwag ka masyadong lalayo sa akin. Hindi mo pa kabisado ang lugar na ito." babala ni Praim.

"Um. Ang lamig ng tubig. Nakakatanggal ng pagod!" pasigaw na pagkakasabi ni Jamjam.

Lumangoy si Jamjam papunta kung saan bumabagsak ang tubig. Nakakita naman sya ng kanyang mauupuang bato at hinayaan nyang mabagsakan ang kanyang katawan ng rumaragasang tubig ng talon. Pinikit nya ang kanyang mga mata upang madama ang magandang dulot ng tubig sa kanyang katawan.

Wala pang limang segundo ay nakaramdam sya ng kalungkutan. Sumagi sa kanyang isipan ang kalagayan ng kanilang mundo pati na rin ang kanyang nakilalang ina. Paniguradong nag-aalala na ito sa kanya ngayon, hindi nya matanggal sa kanyang isipan na maaring mawalan na ng ganang mabuhay ito dahil silang dalawa na lang ang nagkakasama sa kanilang bahay. Naalala rn nya ang pagpapakamatay ng kanyang ama dahil sa malaking problemang kinaharap nila noong paslit pa lamang sya. Namalayan na lang nyang umiiyak sya ngunit hindi naman ito halata dahil naagusan ang kanyang katawan ng tubig.

Ibinuka nya ang kanyang mga mata at nakita nya sa kanyang likuran na may maliit na weba. Tinungo nya ito at nakita nya ang mga abtong nagliliwanag maliban lamang sa isa na syang pinakamalapit sa kanyang kinuupuan kanina. Pinulot nya ito. Umilaw ito ngunit hindi gaanong maliwanag. Nang lumabas sya ay agad syang sinalubong ni Praim.

"Bata, saan ka ba galing at nawala ka ng halos apat na oras?"

"Ha? Wala pa ngang limang minuto ng pumasok ako sa kwebang iyon o." turo nya ngunit wala na roon ang kweba.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala namang kweba ryan a."

"Ito po, patunay na may kweba doon." wika ni Jamjam sabay abot sa kanya ng mahiwagang bato.

"Mahal na hari, madali. Ang ika-limang selyo. Narito na." wika ni PraimAgad na lumapit si Mark sa dalawa at nagulat sya.

"Ngunit iba na ang hitsura nito. nakapagtataka. Pinipili lamang ng batong ito ang kanyang lalapitan. Ibig sabihin nun ay ikaw Jamjam ang pinili ng bato upang bigyang kasiyahan." wika ni Mark

"Kasiyahan? Pero malungkot naman ako kanina a?"

"Hindi o rin alam. Ang mahalaga ngayon ay nasa atin na ang ika-limang selyo. Tara na at handa na ang makakain. mamaya ka na magpaliwanag Jamjam. Matagal kaming naghanap sa iyo."

"Pero..."

Mamaya na. Kumain na muna tayo. Pupuntahan natin ang isang lugar na kung saan makikialyado tayo upang tulungan sa naplalapit na gyera." wika ni Mark.




Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon