Pakiramdam ni Jamjam ay iniipit ang kanyang mga lamang loob ng kung anong pwersa maliban sa hapding kanyang nararamdaman mula sa pagkakabaon ng sibat sa kanyang likuran.
"Hindi ako pwedeng mamatay. Paano na lang ang aking nanay. Sino na ang magiging kasama nya?" utas ni Jamjam sa kanyang isipan. Unti-unti syang nakaramdam ng lamig sa kanyang katawan. Nanghihina na ito at unti-unti na ring pumipikit ang talukap ng kanyang mga mata.
"Hindeeeeeeeeeeee!" sigaw nya at agad na napabalikwas sa kanyang higaan. "Panaginip pala ang lahat." sabi nya sa kanyang isipan.
Hindi sya agad na humiga at naging palaisipan sa kanya ang kanyang panaginip. Tumayo sya at nilapitang muli ang bintana. kitang-kita nya na makapal ang nyebeng bumabagsak. Lalo itong nagbigay ng lamig kahit na nasa loob pa sya ng bahay. Gayun pa man, bumababa sya at pumuntang kusina upang uminom ng maiinit na tsaa.
"Hindi ka rin ba makatulog?" napalingon si Jamjam sa kanyang likuran.
"Ah, ikaw pala ministro Praim. Hindi nga. Nagkaroon pa ako ng masamang panaginip."
"Maari mo bang ibahagi sa akin ang iyong panaginip?"
"Tulog ba si Teacher Mark?" tanong nya imbes na sagutin ang tanong ni Praim
"Nasa baba sya... sa kanyang pribadong kwarto na tanging sya lang ang nakakapasok. Kung ano ang kanyang ginagawa?... Wala akong alam. Ultimo maliit na tunog ay wala akong marinig." pagpapaliwanag ni Praim kay Jamjam. Tinignan nya ang tasa ni Jamjam at binaling ang kanyang paningin sa hagdanang pababa.
Bumuntong hininga si Jamjam. Buo na ang kanyang isipan na ibahagi sa ministro ang kanyang napanaginipan.
***
"Mag-ingat kayo sa paglalakad. Madulas ang daraanan." halos pasigaw ang pagkakasabi ni Etong kina Char.
"Salamat po sa pag-aalala Etong." sagot naman ni Char
"Teka, saan ba tayo pupunta, hindo ko gaanong kabisado ang lugar na ito. Kung narito lang sana ang hari, tiyak na alam nya kung saan tayo pupunta. Malakas pang-amoy nun." wika ni Char
"Ah, eh, sino po ba talaga ang hari teacher Chariz?" birit ni Tina.
"Batang 'to. Hindi ka ba talaga makapaghintay? Malalaman mo rin lang. Tiyak na magugulat. ka." Buntong hininga na lang ang isinagot ni Tina.
Puting'puti ang paligid, malamig na simoy ng hangin ang mabangong amoy ng mga punong kahoy ang bumungad sa kanila pagkalipas ng ilang oras na paglalakad. Hindi man lang nila nararamdaman ang sikat ng araw kahit na tanghaling tapat na.
"Ilang oras na ba ang paglalakad natin?" wika ni Venus.
"Tanghali na po teacher char." wika ni Tina sabay turo sa kalangitan. Nakarinig sila ng mga kaluskos sa hindi kalayuan.
"Humanda kayo." babala ni Char. Ilang kaluskos pa ang nagawa bago lumantad sa kanilang harapan ang maliit na bubwit.
"Hay, bubwit lang pala." wika ni Venus.
"Hindi ako basta-bastang bubwit. Kilala ko kayo. Inutusan ako ng pinuno na sunduin kayo." wika ng bubwit.
"Wow, ang cute naman. Nagsasalita ang bubwit." sabat ni Tina at lumapit ito upang matitigang maayos.
"Sino ka? Ngayon lang naman kita nakita dito." tanong ni Char.
"Malamang ngayon mo lang ako nakita dahil ngayon ka lang naman nagawi dito. Pero klala ka ng aking pinuno. Hindi ko maaring sabihin ang pangalan ko." wika ng bubwit.
"Sarkastiko to ah. E kung ipakain kaya kita dito sa buho ko." ganti ni Char.
"Wag mo akong takutin. Kahit na ikaw ang reyna ng Altera na ang bukam bibig ay 'maganda ako. syempre ang ganda ko.'" pilit na ginagaya ng bubwit ang boses ni Char.
"Hahahaha. Teacher gayang gaya ka nya. Hahaha!" sabi ni Tina.
"Hmpt. hayaan mo na reynang Char. Mas maganda naman ako sayo. Hahaha!" birit naman ni Venus.
"Hay isa ka pa. Tara na nga. Ituro mo na sa amin ang papunta sa inyo." wika ni Char.
"Teka lang po. Hindi po porke't cute na at mabait sa atin ay paniniwalaan na natin sya. Maaring isang patibong lamang ito." pag-aalala ni Tina.
"Sabagay may punto ka Tina. Pero maari rin namang makakatulong sa atin ang bubwit na ito."
"Bata, magaling. Nasa inyo kung paniniwalaan nyo ako o hindi. Alam kong duda pa rin kayo sa akin. Hindi ko naman sinabing paniwalaan nyo ako at lalo na't hindi ko naman kayong pinipilit na maniwala sa akin. Desisyon nyo pa rin." wika ng Bubwit. "Sumunod kayo kung gusto nyo."
"Hala may regla ang bubwit. Masungit ah." wika naman ni Char.
"Tsk."
Wala na silang ibang ginawa kundi ang sundin ang bubwit paakyat ng bundok. Habang paakyat sila ay palingon lingon sa paligid sina Char at Tina. nasilayan ng dalawa ang kagandahan ng paligid. Bagamat nababalot ang mga puno ng nyebe ay hindi it naging hadlang upang maipakita ang tinatagong malaparaisong bundok.
paminsan-minsang nadudulas ang mga magkakasama, tanaw na rin nila ang papalubog na araw. gutom, uhaw, pagod at sakit sa katawan na ang kanilang nararamdaman ngunit patuloy pa rin sila sa paglalakad tila ba'y walang katapusan.
Lumipas muli ang isa pang oras ng paglalakad nang biglang tumigil ang bubwit. "maligayang pagdating sa aming tribo."
"Ha? nasaan naman?" halos sabay na tanong nina Tina at Venus.
"Tumigil kayo, hintayin nyo ng ilang segundong bumaba ang ulop. makikita nyo." sagot ng bubwit.
Gayon na lamang ang pagkagulat nila nang tumambad ang isang kakahuyan na hindi nababalutan ng nyebe na anaki'y iniilagan ng mga nagbabagsakang mga nyebe. Makulay na kakahuyan at sagana sa bunga at kayang kayang buhayin ang libong tao sa loob ng sampung taon."Ito ang ang tribo namin. Ang tribong Norn."
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasiNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera