25. Paligsahan

84 7 2
                                    


"Dahil nakagawian na natin at taun-taon na rin natin itong idinaraos, kinakailangan nating makahuli ng markopo, bata man, matanda o itlog pa lamang."

Ang markopo ay isang uri ng halimaw namay katawang ahas. Ang mga kamay nito ay may matutulis na mga kuko. ANg kanyang mukha ay maihahalintulad sa isang dragon. Ang sinumang makakalanghap ng kanyang hininga ay agad na mamamatay-tao,hayopman o mga puno't halaman pati na ang mga ibong nakadapo dito ay malalason. Mahigpit silang kaaway ng mga busaw. Tanging ang mga busaw lamang ang hindi tinatablan ng kanyang nakakalasong hininga.

Maliwanag na ipinapakita ng kabilugan ng buwan ang kanyang sarili sa buong nayon. Nagsisilbi itong tanglaw ng mga busaw at ng hari sa kanilang panghuhuli. Ayon kay Bryan ay malapit-lapit lang ang isang pamilya ng mga markopo. 

"Madali nyo lang makikita ang markopo. Karaniwan silang nakatira sa mga gubat na may mga patay na puno at medyo maputik." inalalang maigi ng hari ang sinabi sa kanya ni Bryan.

Umakyat ang hari sa isang puno sa isang talunan lang. Inamoy nya ang hangin. Napakabango nito at sariwang-sariwa pa hindi gaya ng hanging nasa kanilang mundo na nahaluan na ng nakakalasong kemikal. Makalipas nyang lumanghap ng sariwnag hangin ay nagpatalun-talon na ito sa mga puno.

Nakita nya ang ilang mga busaw na naghiwa-hiwalay na at nagsisihanap na ng mahuhuling markopo. 

"Ak..Br." sabi ng isa

"Sige lang ikaw ang bahala." sagot naman ng hari.

"Mukhang matalas ang paningin ng busaw na iyon ah." wika ng hari sa kanyang isipan.

Muli na naman syang nagpatuloy sa kanyang pagtalun-talon. Hindi nya namamalayang nasa malayo na syang bahagi ng gubat. Nagsisimula ng dumilim dahil natatakpan na ng mga ulap ang liwanag ng buwan.

Mula sa baba ng kinatatayuang punong kanyang kinatatayuan ay masayang naglalaro ang isang batang markopo. Napalingon sya ng marinig nya ang pag-awit nito. Napakalambing ng boses ng batang markopo. Agad syang lumingon sa kanyang paligid ngunit wala syang nakitang busaw kaya nagmadali itong bumaba.

Agad na nakita ng batang markopo ang papalapit na tao kaya naman mabilis syang gumapang papalayo dito na sya namang sinundan sya.

'Huwag kang lalapit sa akin tao. Kung hindi hihingaan kita Shhh." wika ng batang markopo.

"Ak. Kwarr tahh!" sigaw ng isang busaw at agad namang nagsidatingan ang mga busaw. Pinalibutan snila ito at nagsimulang umatake. Hindi nila namamalayan ang pagdating ng ina ng markopo kasama ang kanyang tatlong kapatid.

Nanlaban ang bata sa mga busaw. Maliksi naman ang kanyang ina sa pag-atake sa mga busaw. Naglabas ng hininga ang kapatid ng markopo at tyinaman ang dalawang busaw na abala sa pagbato sa kanilang ina.

Matapos ang pagbuga ng kanialng hininga ay bigla silang nagkakalmot. May mgta busaw namang natamaan ng kanilang kalmot. Matinding sakit ang naramdaman ng isa sa mga busaw. Samantalang nagsimulang makipalglaban ang hari sa ina ng mga markopo. Gaya nga ng dati ay lamang na lamang ang hari. Lubhang maliksi ang hari para sa isang markopo.

Dahil sa tuso ang ina ng markopo ay natamaan ang paa ng hari gamit ang kanyang buntot na kasing tibay ng isang bakal. Napahiga ang hari. Hindi nagsayang ng panahon ang markopo at agad na inatake ang hari gamit ang kanyang mga kuko.

"Namumuhay kaming tahimik dito. Dapat sa inyong mamatay." wika ng ina ng markopo.

"Nakakasira kayo ng kalikasan." sagot namn ng hari.

"Hindi kami ang sumisira ng kalikasan. Kayong mga tao ang sumisira ng kalikasan. Masyado kayong gahaman. Pati ang aming tirahan ay inaari nyo." wika naman ng markopo. "Tignan nyo, kapag naubos ang mga puno mamatay rin lang kayo. Lahat tayo ay mamamatay ng dahil sa inyong makasariling hangarin."

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon