32. Ang ika-Anim na Selyo 2

72 9 2
                                    


"Hay, mabuti naman at natapos rin ang daanang iyon, masyadong madulas. Hmmm. Sabi ng pinuno na tignan natin ang dahon. Teka nasaan na ba ang dahon?" nilingon ni Venus ang dalawa nyang kasamahan. Agad namang tumingin si Char kay Tina.

"Ha? Anong dahon?" tanong ni Tina

"Teka nakita kitang kumakain ng dahon kanina ah. Hoy... Wag mong sabihin na yung dahon na binigay sayo ng pinuno ng mga hayop ay..."

"naku wag naman sana." wika ni Tina.

"Iihawin kita Tina. Ano ba naman yan. Ang takaw mo." wika naman ni Char.

"Hala, saglit lang po... Ayun..... Ito ba?"  Sabi ni Tina habang hawak hawak ang dahong binigay sa kanila kanina.

Malapad at berdeng-berde ang kulay nito, maayos itong nakarolyo na para bang isang tabako ng mga matatanda. Binuklat nila ito ng dahan-dahan. lumabas ang hindi gaanong nakakasilaw na liwanag. Ang berdeng dahon ay unti-unting nagkakaroon ng sulat hanggang sa naging klaro na ito.

"Sa susunod na daraanan. Kinakailangan nyong takpan ang inyong mga mata, talasan ang inyong pakiramdam. Gawing gabay ang mga paa. Hanapin at pakiramdaman ang malambot na damo at ito ang tamang daraanan. Nakasalalay ang inyong kaligtasan sa talas ng inyong pakiramdam."

"Madali lang pala eh." wika ni Tina. "Tara piringan na natin ang mata natin at maglakad. Eksperto yata ako sa larong ito."

"Sabi mo. Sige, Tara na." aya naman ni Venus

"Sandali lang.... Tama, gagamitin ko ang kaibigan kong buho para maging mata ko." wika ni Char sa kanyang isipa.

"Maghawakan kaya tayo habang naglalakad." pagbagsak na opinyon ni Tina.

"Hmm, maganda nga ang iyong mungkahi, hindi ba't pandaraya iyon? Ang mga daraanan na ito ay apgsubok sa atin." wika ni Venus

"Tama po, pagsubok sa atin. Hindi naman po sinabing pagsubok ng bawat isa sa atin. Ang ibig sabihin nun ay ang pagsubok na ito ay para sa ating lahat. Tama po ba?" pagpapaliwanag ni Tina

"magaling Tina... Magaling." wika naman ni Char. "Tara na at maubos pa ang kagandahan ko dito."

Sinimulan na nilang maglakad habang nakapiring. Tinanggal rin nila ang saplot sa kanilang paa upang madama ang lambot na binibida ng mga damong tumakip sa lupa ng daraanan.  Pilit nilang pinakikiramdaman ang mga damo sa kanilang paa. Hinahanap ang maalambot na bahagi. Hindi naging madali sa tatlo ang paghahanap sa tamang daraanan. Mangilan ngilan silang natitisod, nakakabundok ng mga bato at iba pa. Sa bandang huli at napagtagumpayan nila ang pagsubok na iyon. Muli na naman nilang inilabas ang dahon. Muli na naman itong nag bigay ng liwanag.

"Ang ika-apat na daraanan. Pagtitiwala sa kapwa ang kailangan. Huwag sana ang isa sa inyo ay manlilo."

"Ha? Ganun lang yun?" sabi ni Tina

"Tina, ganyan na naman ang sinabi mo kanina. Tignan mo nga't napakarami na nating sugat dahil sa mga pinagpipilitan mong daraanan." wika ni Char.

Nanatiling walang imik si Tina, gayun pa man ay ipinagpatuloy pa rin nila ang paglalakad. sa daraanan ay napakaraming mga ligaw na kaluluwa na nagpipilit na linlangin ang isipan ng mga manlalakbay. Ginagamit nila ang mga memorya at mga nakatagong kagustuhan ng mga manlalakbay.

Lumipas ang mahigit isang oras ng kanilang paglalakbay ay narating rin nila ang pinakahuling daraanan. Hindi biro ang kanilang pinagdaanan dahil muntik na silang mapahamak sa kanina dahil sa hindi kaaya-ayang desisyon. Muli na namang nasukat ng daraanan nila ang tiwala sa isa't isa.

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon