3. Ang Panaginip

284 20 4
                                    


3. Ang Panaginip


XXX


Jamjam's POV

Bigla na lang akong nagising sa isang lugar. Madilim ito. Agad akong tumayo upang ilibot ang aking paningin. Ang mga puno ay tuyong-tuyo at wala na itong ma dahon. Ang lupa naman ay tuyo na rin. Sa kabilang dako ay may nakita akong isang kaharian na balot ng maitim na usok. Yung parang ibinubuga ng mga truck. Masangsang rin ang amoy. Para bang nabubulok na karne.

Nagsimula akong maglakad sa madilim na daanan hanggang sa makakita ako ng liwanag. Tinakbo ko ito. Nagulat na lang ako dahil ang liwanag na iyon ay nagmumula sa isang magandang babae na nakatayo. Malungkot ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Para syang nagmamakaawa.

"Jamjam..... Jamjam..." pagtawag nya sa akin

Nagulat ako sa kanya dahil alam nya ang aking pangalan. "Sino ka? Bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Matagal na tayong magkakilala... Matagal na tayong nagkasama... Binabantayan kita."

"Ah, alam ko na ikaw siguro ang fairy godmother ko?"

"Kung ano man ang tawag nyo sa amin sa iyong mundong kinalakhan ay sige ako nga."

"Astig!!!!.... Nasaan ako?"

"Hindi mo ba natatandaan ang lugar na ito?" Tanong nya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay na ilingon ko ang aking paningin sa kabuoang lugar.

"Hindi... Ngayon lang naman ako nakapunta dito." Sabi ko ngunit naguguluhan pa rin ako sa pangyayari. Ganun pa man nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

"Hindi mo man matandaan... Balang araw ay maalala mo rin lang ang lahat... Kailangan naming kayo... Tungan mo ang namamatay na mundong kinabibilangan mo. Tulungan mo ang Altera. Kailangan mong mahanap ang..."

Naputol ang aking panaginip dahil sa malakas na pagkulog na nagmumula sa langit. Tinignan ko ang bintana. Nakalimutan ko pala itong isara. Agad ko itong nilapitan para isara. Napatingin ako sa labas at may nakita akong babae na nagliliwanag. Nakaramdam ako ng takot. Bigla na lang syang tumitig sa akin kaya naman agad akong nagkubli sa kurtina.

***

Ilang taon rin ang ginugol ni Roman sa mundo ng mga tao sa paghahanap ng mga aninong pinakita ng kawan sa kanila ni Olyn. Tintign nya ang balani na nasa loob ng bote na ginawa nyang kwintas. Wala pa ring pagbabago ito kahit gumalaw man lag sa kanyang pwesto ay hindi pa nangyayari.

Nakarating sya sa isang hardin na malapit sa eskwelahan. Dito naisipan ni Roman na gumawa ng portal upang bumisita sa Altera. Lingid sa kanyang kaalaman ay may isang batang babae ang sumunod sa kanya sa portal. Eksaktong sumara ang portal noong makapasok silang dalawa.

"Ilang taon na rin ang nakakalipas ang ngunit hindi ko pa rin nahahanap ang mga aninong pinakita sa atin ng kawan Olyn. Pati na ang batang inalagaan ng mahiwagang diwata" Wika ni Roman.

"Tibayan mo ang iyong pananalig Roman, makikita mo rin sila sa tamang panahon. Magtiwala ka sa kakayahan ng kawan. Magtiwala ka lang." walang ekspresyong sagot ni Olyn kay Roman.

"Kinakailangan nating madaliin ang paghahanap... Nalalapit na ang eklipse at kapag nangyari iyon... Tiyak na mahihirapan tayong iligtas ang Altera."

"Ngunit Roman, alam mo namang kapag naubos ang enerhiya ng punong nakatago sa isang dimensyon, ay saka lamang masisira ang buong Altera."

"Alam ko iyon Olyn. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng mga sinaunang dalaketnon na pinaslang ni Inon."

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon