23. Ang ikatlong Selyo

76 8 0
                                    


"Salamat Olyn. Maari na ba nating simulan ang malaman na rin natin kung nasaan na ngayon ang ikatlong selyo?" wika ng Hari.

"Roman! Kuya Roman narito ka rin pala." Wika ni Jamjam

"O Jamjam, nasaan si Tina bakit iba ang kasama mo ngayon?" tanong ni Roman

"Mamaya na yang mga tanong Roman, kinakailangan na nating gumawa ng praaan upang unahan sina Grazilda at Kaligua. Mabilis na silang kumikilos upang hanapin ang pitong selyo." wika ni Olyn.

Bahagyang ankarinig ng kung ano si Jamjam at walang anu-ano'y nagsalita sya. "Selyo? Nakita na po namin ng Reyna ang ikalawang selyo. Nasa mabuting kamay po ang ikalawang selyo."

"Oo alam ko yan Jamjam. Na kay Venus ang ikalawang selyo. Nakita at narinig ko naman kayo." wika ng hari.

"Bweno, halina kayo sa silid na ito at tignan natin sa aking kawa." wika ni Olyn. Pagkabigkas nya ito ay may kung anong likido mula sa isang malaking garapon ang kanyang ibinuhos. Nagkaroon ng usok ang kawa at bigla na lang itong umilaw.

"Kawa, ipakita mo sa amin kung saan naroroon ang ikatlong selyo."wika ni Olyn. Muli na namang umilaw ang kawa at sa hindi malamang dahilan ay nagpakita ito ng isnag lugar. Isang hagdanang gawa sa lupa at napapaligiran ng mga kawayan. Sa dulo nito ay makikita mo ang isang malawak na bukirin na punong-puno ng malulusog at naglalakihang palay.

Kahit sa pagkakakita mo ay mararamdaman mo ang masariwang ihip ng hangin sa iyong katawan na kung mararapatin ay masarap ding singhutin na syang nakakagaan ng loob. Sa gitna ng bukid ay may mga kubong matitibay. Tumigil na ang pagpapakita ng kawa ng lugar ar huminto na rin ito sa pag-uusok.

"Bweno, ang ikatlong selyo ay nasa mga busaw. Maaringang kanilang pinuno ay may alam kung saan matatagpuan ang selyo." wika ni Olyn

"Hmmm. Ang maipapayo ko lang ay kinakailangan nating pumunta doon sa susunod na linggo kung saan idadaos nila ang isang pista nila." wika ni Praim

"Hmmm. Magaling alam ko na kung bakit nais mong pumunta doon sa panahong iyon." 

"Iyon lamang ang paraan para makuha ang loob ng mga busaw mahal na hari." sagot ni Praim.

Maraming katanungan ang muling nabubuo sa isipan ni Jamjam sa kanyang mga naririnig. Ito ang unang pagkakataon nyang narinig ang salitang busaw, nahihiwagaan sya kung ano ang hitsura ng mga busaw at kung bakit kinakailangan pang makuha ang loob ang mga ito. Ibig sabihin lang nito ay hindi basta basta nagtitiwala ang mga busaw.

Abala si Roman sa paghahanda ng kanyang mga kagamitan upang muling bumalik sa pamayanan ng mga dwende at makausap si Etong para sa hinaharap nilang paglalakbay at sa nalalapit na pagkakaroon ng gyera laban sa kanila.

Samantala, sa lugar kung saan naroroon sina Char... Maaga pa lamang ay nagising na si Tina. Kakikitaan na nag-aalala ito para sakanyang kaibigan. 

"Napaaga ka yata ng gising mo Tina?" tanong ni Char.

"Opo, Nag-aalala po ako kay Jamjam." 

"Naku huwag kang mag-aalala doon."

"Bakit po na hindi ako mag-aalala. Ilang beses na po nyang pinagtanggol ang aking sarili, isa po syang kaibigan, sa totoo nga lang po noon ay naasar ako sa kanya, pero sa mikling panahon na pinagsama namin dito sa mundong ito nakilala ko sya bilang maalalahanin at handang iligtas ang kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Kayo po? Anong klase po kayong kaibigan kung hindi man lang kayo nakakaramdam ng pag-aalala sa mga kaibigan nyo."

"Kung ang buong akala mo ay wala akong paki-alam sa nangyayari ngayon at sa pagdakip ng mga Alan kay Jamjam, pwes... Nagkakamali ka. Ang katotohanan nito ay nasa mabuting kamay si Jamjam. Alam ko kung sino angmay pakana ng pag-atake ng mga Alan. Kasama na nya ngayon ang Hari. Huwag mo sanang husgahan angisang tao sa kung ano ang nakikita mo. Oo parang bale wala nga sa akin. Tandaan mo ginagawa ko lang ito para sa ikakabuti mo. Ngayon kung hindi pa sapat ang pagpapahinga mo. Bumaba ka na muna at mag-almusal bago ka muling matulog. Kailangan mo ng sapat na lakas mamayang hapon dahil mag-eensayo ka muli." pagkapaliwanag ni Char ay agad syanglumabas ng kwarto at iniwan si Tina sa loob ng walang ka imik imik.


***

"Grazilda, anong ibig sabihin nito?"

"Ipagpaumanhin mo Pinunong Kaligua kung hindi namin nakuha ang ikalawang selyo."

Pigil na pigil ang galit ni Kaligua nang malaman nyang hindi nakuha ni Grazilda ang ikalawang selyo na nasa isang orakulo.Palihim namang nangiti ang kasalukuyang hari ng Altera sa kanyang narinig. Pinili na lang nyang manamihik upang hindi mapahamak ang kanyang sarili. batid nyang maililigtas na ang kanyang buhay pati na ang Altera.

"Kung gayon, kinakailangan na nating malaman kung nasaan ang ikatlong selyo- ang sungay. Hindi natin matukoy kung anong sungay ang ikatlong selyo. Para saan at malalaman rin lang natin." wika ni Kaligua

"Alam ko na ang aking gagawin."

"Kinakailangan mong makuha ang ikatlong selyo Grazilda. Kailangan." pagdidiin ni Kaligua.


***

Habang pabalik ang hari at ng kanyang dalwang kasama ay malumanay nyang ikinuwento sa bata kung paano nya sila natunton.

"Noong nasa Lucemia ako,ay nakita ko kayo. Sa totoo nga e tinulungan ko pa nga kayo na masugpo ang mga kinalaban nyo. Noong panahon na iyon ay may iba akong pakay kaya hindi na ako nakapagpakita sa inyo."

Tumango lang si Jamjam habang nakaupo ng maayos at nakatingin sa kawalan.

"Ako ang nagpadakip sayo sa mga Alan upang makapunta ka sa akin. Kinakailangan mong matutunan ang paggamit ng iyong kapangyarihan." 

"Alam nyo po ba kung ano ang nangyari kahapon?" tanong ni Jamjam sa hari.

"Alam na alam ko ang lahat. Kitang-kita ko." 

"Bakit nyo hinyaan ng mga kaibigan nyong Alan na mapahamak si Tina. Ipaliwanag nyo po? Ipaliwanag nyo po Teacher Mark."

Ang Mundo ng AlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon