Habang nakasunod ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mainis.
Of all the lords and goddess!!! Pahabain nyo po sana ang pasensya ko!
Naway gabayan nyo po yong konsensya ng taong sinusundan ko ngayon.
" Will you listen to me first? " irita kong pakiusap habang parang aso parin akong nakasunod sa kanya.
Im already losing my temper. E ku-kungfu ko kaya itong lalaking to. O arnis nalang mas magaling ako sa arnis!
Pa-importante!!
Habang iritang irita akong nakasunod ay naramdaman ko nalang ang pagkasubsob ng mukha ko sa pawisan nyang dibdib. Huminto sya at humarap.
Walang'yang lalaking to!
" Yuck!! " inis kong saad sabay alis sa harap nya nang maramdaman ang pawis sa mukha ko.
Kadiri!
Hindi naman talaga sya mabaho actually nakakahumaling ang kabanguhan nya sa kabila ng pagiging pawisan. Akalain mong mabango rin pala sya!
But damn that's still a sweat! Pawis! Pawis! Maalat! Hindi nga ako nagpapawis, ang malagyan pa kaya ng pawis ng iba?
O sige na ako na ang maarte! Walang pakialamanan. Basta ayaw ko ng pawis ng iba!
Napitlag nalang ako sa pag iisip ng makita ang pagbaba nya sa pasan pasan na bigas saka matalim na tumingin sa akin habang ang dalawang kamay ay inilagay nya sa bewang.
What the! Ano 'to galit-galitan mode sya!
" Hoi ikaw babae wag mo nga akong in-Ingles Ingles dyan. Para sa kaalaman mo wala ka sa territoryo mo para pagtaasan ako ng boses. At isa pa umalis ka na nga, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wala akong panahon sa mga ganyang bagay! " nanggagalaiti nyang sambit upang kunutan ko sya ng noo.
Paano nya nagagawang sabihin sa akin yan?
When I met him five years ago alam kong mahal nya ang basketball pero bakit bigla nya itong iniiwasan?
Damn.
Kung hindi lang dahil sa walang'yang basketball team na yan hindi na sana ako maghahabol sa walang kwentang lalaking to.
Pag ako talaga magagawa kong champion ang kulelat na basketball team ng unibersidad namin promise papatalsikin ko lahat ng staff sa unibersity!
Mga walang kwenta! Akalain bang ang anak ng may ari kailangan magpakababa ng ganito para lang sa team na yan.
They're useless, totally freakin useless!
Ng mahimasmasan ako sa galit na nararamdaman ay hinarap ko uli ang lalaki ng nakataas noo.
He will be the key for my success!
Si number 23 or whoever he was.
" Full scholarship plus thirty thousand pesos kapalit ng pagpayag mo. I can also give you the apartment to live in. " pagpapaliwanag ko ngunit gaya ng nakasanayan ay agad nya akong talikuran.
Didn't I forgot to mention na walk out KING sya?
Kung hindi ko lang sya kailangan malamang hinayaan ko nalang sya sa buhay nya!
Nakita ko pa ang pagkabigla nya na nagpahinto sa kanya upang ngumiti ako.
Sa dami ng privilege na ibinigay ko sa kanya papakawalan pa ba nya ito? Bobo lang ang tatanggi sa alok kong ito.
Plus, sa uri ng trabaho nyang yan? Wag sya!
He glared at me.
" Sa tingin mo ba talaga mabibili mo ako ng pera? Maaari ngang mayaman ka. Maaaring ngang pati kaluluwa ko mabibili mo. Pero ito ang tandaan mo Miss may dignidad ako. At ang dignidad ko hindi ko ipinagbibili ng ganun ganun lang. Kaya pwede ba umalis ka na harap ko. Daig mo pa ang sakong pasan pasan ko sa pagpagod mo sa tenga ko at pakikinig dyan sa walang kwentang pinagsasabi mo" deretsahan nyang sabi upang mapako ako sa kinatatayuan while my jaw dropped in amusement of what he said.
Did he really think that I was buying him?
Sa tingin ba talaga nya na pinagyayabang ko lang yung pera ko sa kanya?
This is so embarassing!
Ilang ulit na ba nya akong ipinapahiya ng ganito?
God of all the goddess!!! Si Jiela Cyra Yuzon pinaalis, pinahiya at initsapwera? This is sh*t!
Kaya bago pa sya makalayo ng tuluyan sa akin ay sinigawan ko sya ng napakalakas. Kahit mapahiya man ako sa harap ng maraming tao ay wala akong pakialam.
Kailangang makuha ko sya ASAP!
" Ito ang tandaan mo lalaking may pasan pasan ng sako ng bigas! You will play in my TEAM whether you like it or not. Kahit pa pawis mo didilaan ko malasap mo lang ang sensiridad ng isang Yuzon!! " sigaw ko upang lumingon sya sa akin. Pati na ang lahat!
I sounded like a desperate but I badly need him.
Habang lumilingon sya ay nakita ko nalang ang pag irap nya upang mag alburuto ang butse, balunbalunan at lahat ng lamang loob ko.
Hindi ako susuko makukuha at makukuha rin kita sa ayaw at sa ayaw mo Number 23!!
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
Художественная прозаYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...