Getrudes POV
Sanay akong walang pakialam sa paligid.
Ni hindi ko iniisip na may pagkakaiba lahat ng tao sa isa't isa.
Kasi sinanay at pinalaki akong magkakatulad at magkaka estado lang ang lahat.
I fell inlove once but I never felt broken. But then, there's a girl named Jiela Cyra Yuzon.
Popular, rich and beautiful. That's how they describe her everytime they talk about Jiela
It was seven years ago when I see how Dino kept her picture. Truely, she was beautiful. Halos naglipana ang larawan nito sa kwarto ni Dino kaya hinding hindi ko sya pwedeng makalimutan. Kaya nung nagkaroon ng paliga sa isang baranggay at nalaman ni Dino na sasali ang kuponan ng kambal nya ay agad din kaming sumali.
Everytime I see her picture my heart always pumped faster inside my chest. Pero pinigilan ko ang sarili noon kasi gustong gusto sya ni Dino. At iniisip ko rin noon na baka nagagandahan lang din ako sa kanya.
Pero nang nakita ko sya sa court. Everything in my world turns like a wheel, like a roller coaster.
I had realise I do really like her. My heart went crazy that time.
She never knew how beautiful she was. She did not even bother herself to wear a pants or something long just to hide her long legs.
Sobrang naiinis ako sa kanya dahil dito. I know she's not mine but the jealousy I felt that time is incredible. I even want to ripped everyones neck or punched every eyes just to stop looking at her.
But I'm not in the right place.
She who got everything in life also get my heart.
Wala akong ibang naisip noon kundi awa sa sarili. Alam kong hindi sya mapapasakin.
Sino lang ba ako?
I'm just nothing compared to her. 'Yan ang realidad sa pagitan naming dalawa.
At hindi ko aakalain na pati ngayon 'yon pa rin ang katotohanan sa pagitan namin. Its like their wealth is a barrier that keeps her away from me or I must say it was the reason why I always wanted to stay away from her.
Masaklap ang katotohanang hindi ako bahagi sa mundong kinabibilangan nya.
Sana pala sinungitan at sinungitan ko nalang sya noong pinuntahan nya ako sa palengke. Sana hindi ako mahuhulog ng ganito sa kanya ngayon.
" Titingnan mo nalang ba ang kambal ko? " tanong sa akin ng pamilyar na boses upang mapatingin ako sa gilid.
Si Jielo. Nakasuot din sya ng tuxedo at may bulaklak na asul at dilaw sa kamay. Kaya mula sa pagtingin sa kanya ay muli kong ibinaling ang paningin kay Jiela na sinasayaw na ng 17 hindi pamilyar na mukha. Siguro ito ang tinatawag nilang 18 roses nya. At ang pang labing walo ay itong kambal nya.
" Oo sapat na sa akin na makita syang masaya. " saad ko at mula sa gilid ng mga mata ko ay napasin ko nalang ang pagtabi nya sa akin.
" Bakit? 'Di mo ba naisip na mas higit na sasaya sya kung isasayaw mo sya. " saad nya upang umiling ako.
" Player lang ako at hindi dancer Yuzon. " saad ko upang humahagikhik sya ng mahina.
" Pareha yata tayo ng problema. Matalino lang ako pero hindi ako mananayaw. " saad nya upang kumunot ang noo ko. Kaya masama ko syang binalingan.
Ngumiti ito ng mapang asar.
" Matalino ka nga. Pero hindi ibig sabihin n'un hahayaan mo nalang syang hintayin ka d'un sa gitna. Kambal ka nya. " saad ko ng maisip ang nais nyang iparating.
Nakita ko nalang ang paglagay nya ng dalawang bulaklak sa bulsa ko upang mapanganga ako.
" Matalino ka rin pala Lopez. Hindi ba boyfriend ka nya alangan namang pabayaan mo 'yong kambal ko sa gitna. " sa pagkakasabi nyang 'yon ay agad nyang tinapik ang balikat ko.
" I - I trusted you. " saad nya kasabay ng paglalakad papalayo kaya agad akong napatingin sa dalawang rosas.
Kulay asul at dilaw. Plano kaya ito ng kambal nya?
Nang maisip ito ay agad akong napatingin sa paligid. Lahat sila nabibilang sa marangyang pamilya. Pakiramdam ko isa lang akong daga na pinilit isiniksik ang sarili sa lungga ng mga pusa. Pambihira! Pahamak na Yuzon!
Habang tinitingnan si Jiela ay masaya lang syang nakikipag usap sa bawat nakakasayaw nya. Elegante at sanay na sanay syang makisalamuha kaya hindi katakataka kung bakit marami ang humahanga sa kanya.
Napangiti ako bigla. Naalala ko kung paano nya ako binato noon ng sapatos sa ulo ng nasa palengke ako. Kung paano sya sumigaw sa harap ng maraming tao.
At naalala ko noon si Dino.
Ano kaya ang maramdaman nya kung makita nya ng ganun ang babaeng hinahangaan nya. Katulad kaya nang pagkamangha ko sa kanya?
Nang malapit na syang matapos isayaw ng ika labing pito ay bigla nalang nawala ang ilaw sa paligid at ang tanging spotlight nalang ang nagbibigay liwanag sa pwesto ni Jiela. Wala akong ibang narinig kundi ang slow music.
Pero pagtingin ko sa bulaklak na dala ko ay nagkaroon ito ng ilaw. Ilaw upang mapansin ko ang pagbaling ni Jiela sa pwesto ko. Kaya wala sa sarili kong hinawakan ang petals ng bulaklak at nanlaki nalang ang mga mata ko dahil artipisyal pala ito.
Tuso talaga ang kambal nya.
Parang naninigas ako sa kinatatayuan kaya bago ako tuluyang pagtinginan ng lahat ay dahan dahan akong lumapit sa pwesto ni Jiela. Lahat nagbigay daan sa akin upang madali akong makapunta sa kanya.
Nakaramdam ako ng panlalamig sa kamay. Nakakabakla.
Nakita ko pa ang pagbulong ng kasayaw ni Jiela habang hindi pinuputol ang tingin sa dala dala kong bulaklak. Alam kong hindi nya ako maaninaw dahil sa dilim.
Nang makalapit na ako ay tuluyan na syang binitawan ng kasayaw kaya unti unti kong inihakbang ang paa patungo sa spotlight.
" Yuzon. " sambit ko at nakita ko nalang ang panlalaki ng mata nya.
Jiela's POV
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ng marinig ang boses na ito ni Getrude.
Kaba, tuwa at excitement ang narardaman ko. I never thought that he was here. Akala ko nakalimutan nya o di kaya ayaw lang talaga nyang pumunta.
My tears formed in my eyes.
Suddenly, I see how he handed me the roses.
" Happy birthday Yuzon. " baritino nyang saad upang bumagsak ang mga luha ko.
Kaya bago ako tuluyang maiyak sa maraming tao ay agad kong tinanggap ang ibinigay nya sa akin.
" Pwede ko bang isayaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko. " saad nya sabay lahad ng kamay sa akin kaya lumabas ang pinakamalaking ngiti sa labi ko ngayong gabi.
Agad agad ay inabot ko sa kanya ang kamay at naramdaman ko nalang ang mga kamay nya sa bewang ko. Dahan dahan ko ring ipinulupot ang mga braso sa leeg nya habang hindi pinuputol ang tingin sa kanya.
Nawalan ako ng boses habang hindi pinuputol ang tingin sa kanya. I can't believe this. I can't imagine my boyfriend will dance with me at my debut.
Nang tuluyan na kaming magkalapit sa isa't isa ay batid ko ang paglapit ng katawan nya sa akin.
" Yuzon pasensya na at baka maapakan ko ang paa mo. Hindi kasi ako marunong magsayaw. " saad nya upang tingnan ko sya lalo.
May nakapagsabi na kaya na ang gwapo nya ngayon? Na ang kisig nyang tingnan sa suot nya. Dammit baka pinagpipyestahan na sya ng tingin ng babae kong pinsan. At sa tangkad nya? Naku.
Narinig ko nalang ang pagtikhim nya upang mabalik ako mula sa malalim na pag iisip. Hindi ko napansin na nagsasayaw na pala kami ng mabagal. Ghad Jiela!
" Lopez. " sambit ko sa apelyido nya. Ang lapit namin sa isa't isa. I can smelled his breath. At naiilang ako sa titig nya na kulang nalang tutunanawin ako sa kinatatayuan..
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
Narrativa generaleYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...