Five years after..
Jiela' s POV
Handa kong tanggapin lahat ng hampas para sa'yo.
Its a lie.
Sabihin mo lang na nagsisinungaling ka at gagawin ko lahat upang intindihin ka. Mag aaral akong mabuti at maging mayaman at para maging karapat dapat sayo kung sakali man.
Wag ko lang akong iwan.
Wag mo lang akong bitawan.
Sa bawat paghakbang ng mga paa ko papalabas ng airport ay sya ring pagbalik ng mga alaala sa huling pagkikita namin ni Getrude.
Its a lie.
Its a lie.
You're lying.
Nangako ka na hindi mo ako bibitawan.
Ang ala-alang yon ay humihiwa sa puso ko sa pinakamaliit na piraso. Every day that left, I felt like I was dying with so much pain and hatred for myself. There's no greater agony than the memories that I have because of him.
If only I could fight for him. Kung hindi lang sana ako inunahan ng takot ay malamang kami pa rin magpahanggang ngayon.
Pagkatapos ng araw na iyon ay agad akong ipinatapon ni Mommy sa France. I lived there alone and completely living like a dead one. At ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas ay yon lang ang mga balitang natatanggap ko mula kay Red, Lucas at Jielo patungkol kay Getrude.
According to them, he's doing well. Nakatapos na daw ito ng kursong business management at kasalukuyang kumukuha ng Political Science.
I smiled a little bit while minding our yesterday. Sabi ko na at marami talaga syang reserve brain cells para makipagbakbakan ng mga salita.
Napahinto nalang ako sa tapat ng exit ng makita ang pamilyar na mukha ni Jielo habang kumakaway sa akin.
Limang taon na rin..limang taon ng hindi sya nakikita. Ngayon ay naka eyeglasses na sya and he looked so freaking sexy in his attire. Sa tingin ko tumangkad rin ito kaysa huli naming pagkikita.
At hindi paman lumipas ang ilang minuto ay patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
" So how's my ugly twin sister. " usisa nya upang yakapin ko rin sya ng pagkahigpit higpit. Yong tipong hindi na sya makakahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap ko. Namimiss ko sya ng sobra sobra.
" Ah!! Princess balak mo bang patayin 'tong napakatalino mong kambal. " reklamo nya upang ngumiti ako at humiwalay sa kanya. Ngumiti pa ito ng malapad habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
" No wonder why you got a lot of followers in instagram. " asar nyang saad. Kaya tinaasan ko sya ng kilay.
" Siyempre maganda ako eh. " aniya ko upang magcross arms sya! Tss.
" Maganda? " may halong pang aasar nyang sabi upang ngusuan ko sya.
Naramdaman ko nalang ang pag akbay nya sa akin at kinuha ang bagahing dala-dala ko.
" O sige na maganda na. " he stated childishly, ngumiti ako ng matagumpay
" Maganda ang mga design mong damit. " dagdag nya upang humiwalay ako sa pagkakaakbay nya.
" Seriously Jielo, I wasn't pleased to see you again. " nakasimangot kong sabi. Nakakainis ang lakas nya talagang mang asar. Kunsabagay he's not my twin kung hindi nya ako aasarin.
" My twin was still bratty. Hay naku gusto talaga nyang sya lang ang maganda sa mga mata ko. " giit nya upang irapan ko sya.
" Dapat lang kasi wala ka ng makikilalang babae na magmamahal sayo gaya ng pagmamahal ko. Kaya wag mo akong inaaway. You should be a leechlike to your twin. " saad ko upang akbayan nya uli ako upang magpatuloy kami sa paglalakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/66556014-288-k688123.jpg)
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...