Jielas POV
Kanina pa ako dito pero hindi pa rin sya dumating.
Hindi kaya nakarating sa kanya ang sulat? O baka may masama ng nangyari sa kanya.
Habang pinagmamasdan ang langit ay nagbabadya ang malakas na ulan. Kinabahan ako bigla.
Nasaan na ba kasi sya?
Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Mommy.
He's not inlove with you Jiela.
He's inlove with your money and fame.
Pero kung hindi ka talaga papipipigil ay hindi kita pagbabawalan. Ngunit ito ang tandaan mo ..the day he'll give up on you. Make sure to save yourself.
Sa mga sinabing ito ni Mommy ay parang siguradong sigurado sya na gigive-up sa amin si Getrude.
Kaya bahagya kong kinagat kagat ang mga daliri.
Ilang oras pa ang lumipas pero hindi pa rin sya dumating dito sa likod ng unibersidad. Nang balingan ko ang paligid ay medyo dumidilim na at nagsisimula ng bumagsak ang ulan.
Ganun kaya kababaw ang pagtingin nya sa akin upang hindi nya ako siputin? Ako lang ba ang tunay na nagmamahal sa kanya.
Kaya kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pagbagsak ng mga luha ko.
Disappointment. All I felt now is disappointment. Umasa ako...umasa ako kasi akala ko mahal na mahal nya ako.
Pero akala lang pala 'yon. Bakit ba kasi ako umasa? Ni hindi nga nya sinabi sa akin na mahal nya ako.
Kaya mula sa waiting shed na sinisilungan ko ay pinilit kong inihakbang ang mga paa papalabas. The drops of the rain that poured my skin makes me feel the bitterness of life.. pait dahil sa pagiging sawi ko sa buhay.
Hahakbang pa sana ako ng mas mabilis ng may biglang humarang sa akin. My heart pounding hardly.
" Hey Ms. Yuzon. " napakuyom nalang ako sa kamao ng makita sina Khalie kasama ang nangidnap sa akin noon.
" Ms. Ganda may hinihintay ka ba? " sa pagtanong nyang 'yon ay agad nyang itinaas sa ere ang sulat ko para kay Getrude.
Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko.
" Where is Lopez? Nasaan si Lopez at anong ginawa nyo sa kanya. " sigaw ko ngunit nakita ko nalang ang seryosong tingin nila sa akin. I know Khalie is a good friend of Getrude pero bakit nya kasama ang pangit na kateamate nya na kulang nalang noon ay gahasain ako.
Nang iparada ko ang paningin sa kasamahan nila sa likod ay mas lalo akong kinabahan.
" Ken dalhin nyo na sya sa sasakyan. O gusto mo nalang sumama Ms. Yuzon. Wag kang mag alala hindi ka namin sasaktan." seryosong sabi ni Khalie upang matigas ko silang tingnan.
Habang nakasakay sa sasakyan nila ay kalmado lang na nagdadrive si Khalie at nagtetex pa ang isa. Ang isa naman ay nasa tabi ko at nakadistansya ng malaki.
Hindi pwersahan ang pagdala nila sa akin dahil bukal sa loob ang pagsama ko sa kanila. I don't have a choice. Kailangan kong makita si Getrude.
Napakaraming tanong ang gumugulo ngayon sa isipan ko.
" Sinabi nya ba sa inyo na nandun ako? Kikidnapin nyo ba ako Khalie? Bakit ba sya nasa inyo? " sunud-sunod na tanong ko. Ngunit nabigla nalang ako ng tapunan nya ako ng leather jacket.
" Hindi ko akalain na ganyan lang kababaw ang pagmamahal mo kay Lopez Ms. Yuzon. " sambit nya upang mapatigil sa pagtitipa ang isa.
" Kawawang Lopez. Muntikan ng mamatay dahil sa'yo tapos ikaw pinagduduhan mo pa sya. " dagdag pa ng isa upang mapalunok ako.
Mamatay?
Sa pagkakarinig ko nito ay kulang nalang mapunit ang leather jacket sa higpit ng pagkakahawak ko dito.
" Ano ba talagang-- "
" Binugbog sya kanina. " pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa sobrang pagkabigla sa narinig.
¤¤¤¤¤¤
Pagkapasok at pagkapasok namin sa isang bahay ay tumambad sa akin ang sugatang mukha ni Getrude. Dinudurog ang puso ko sa mga sugat na nakikita sa kanya kaya agad kong tinakbo ang pwesto nya.
Nakita ko nalang ang pilit na pagngiti nya kasabay ng pagbukas nya sa mga braso. Kaya agad akong humakbang papalapit sa kanya. Kasabay nito ang pagpulupot ng mga braso nya sa akin.
" I'm sorry. " humihikbi kong paghingi ng tawad upang maramdaman ang paghaplos nya sa likod ko.
" Wala kang kasal anan. " saad nya upang mas itago ko ang mukha sa mga palad.
"S-si Mommy ba. Si Mommy ba ang may gawa nito? " basag pa rin ang boses ko upang humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at pagkuha nya sa mga palad ko.
Agad nyang inelebel ang mukha sa akin upang makita ko ng mas malapitan ang mga malalim nyang mga mata.
His eyes seems drowning me deeper and deeper.
Ngunit napapikit nalang ako ng pitikin nya ang noo ko!
" Aray! Ba't ka ba namimitik?" nakasimangot kong tanong upang ilagay nya ang kamay sa bulsa nya.
" Iyakin ka talaga. Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang umiyak. Tsss. Yuzon naman, magmature ka na. 18 ka na diba? Bakit astang bata ka pa rin? " pagalit nyang sabi upang masama ko syang tingnan.
Aba! Sugatan na nga sya ay may ganang pang mangsermon! Dammit. Bakit ko ba nakalimutan na manhid king sya! Na kahit gilitan pa sya sa leeg ay hindi sya nakakaramdam ng sakit!
" Iyak pa ako ng iyak kanina kasi akala ko ano nang nangyari sa'yo tapos ngayon pagagalitan mo lang pala ako. " nagtatampo ko kunwaring sabi upang tumaas ang kilay.
" Talaga nag aalala ka sa akin? " nang aasar nyang tanong upang sumimaangot ako.
" Oo. Sobra pa sa pag aalala. " sincere kong saad. Ngunit naramdaman ko nalang ang paghablot nya sa akin kasabay ng pagsiil nya ng halik sa labi ko. Para pang tumigil ang mundo ko pansamantala ng lumapat ang mainit at malalambot nyang labi sa akin.
Ito ang ikalawang pagkakataon na hinalikan nya ako!
Pero agad rin syang humiwalay sa akin at matagumpay akong tiningnan.
" Kung nag aalala ka talaga dapat 'yon ang isalubong mo sa akin at hindi luha. Nagkakaintindihan ba tayo Yuzon? " aniya. Nababablanko pa rin ako kaya agad ko nalang syang niyakap ng mahigpit.
Mahal na mahal ko sya at 'yon lang ang alam ko ngayon.
Pinaglalaruan din naman nya ang buhok ko.
" Getrude magtanan na tayo. " deretsahan kong sabi upang mapatigil ang daliri nya sa paggalaw.
Seryoso ako. Alam ko kasi pag uuwi na naman ako ay malamang ikukulong na naman ako ni Mommy sa bahay.
" 18 ka palang at 19 na taon naman ako. Ano bang magiging buhay natin sa tingin mo Jiela. Lumaki ka na abot kamay ang lahat, nasisiguro ka ba talagang sasama ka sa akin Jiela. " tanong nya upang tumango ako.
" Bakit nagdadalawang isip ka ba sa akin Lopez. Hindi ka pa ba sigurado sa akin? " may halong pagdududa ang boses ko upang maramdaman ko uli ang paghaplos uli nya sa buhok ko.
" Hindi. Sigurado ako sa nararamdaman ko sa'yo Yuzon. Higit kanino man ang pagmamahal ko sa'yo ay walang katumbas. " sa pagkakasabi nyang 'yon ay agad nya akong hinalikan sa noo.
Pagmamahal nya sa akin ay walang katumbas...ang sarap pakinggan. Kaya bahagya akong napangiti.
Ibig sabihin mahal nya ako. Dapat hindi ko pinagduduhan ang pagmamahal nya kasi mas makikita ito sa mga kilos nya at hindi lang sa salita.

BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...