Getrude's POV
Habang papasok ako sa court at nagja-jumble si Captain ay agad akong tinabihan ni Khalie.
" Nagkamali yata ang coach nyo sa pagpapasok uli sayo. Hindi nya ba alam na mas ikakatalo lang ng team nyo ang pagiging first five mo. " dati ang lapit namin sa isa't. Kami ni Sed, Khalie, Gil at ang kuya ni Diane.
Nakikinig lang ako sa sinasabi nya. Ayaw kong pumatol. Bukod sa ayaw ko nang maalala lahat ay iniisip ko si Jiela. 'Yong paghihirap nya mahanap lang ako at mabigyan ng isa pang pagkakataon. Kaya kailangan kong maipanalo ito.
" Nakalimutan mo na ba na ikaw pa rin ang dahilan ng pagkamatay nila! " halatang naiinis nyang sabi.
Pagkamatay nila..
Wala na akong maramdaman. Sa tuwing maaalala ko ang kamatayan nila ay halos hindi ko na maramdaman kung may tumitibok pa ba sa puso ko.
Kaya malamig kong binalingan si Khalie.
" Tatalunin ko kayo. " walang emosyon kong sabi upang makita kung paano nya ako tingnan ng masama.
Nang nakuha ni Captain ang rebound ay agad ko itong inagaw at idrinible ang bola patungo sa ring namin. Mabilis namang nakarating sa harap ko si Khalie kaya pinaglalaruan ko muna ang bola. Agad nahagip ng paningin ko si Jiela na kumukuha na larawan.
" Ang bilis mo naman yata ngayon Lopez. Desperado ka na bang talunin kami. Atat na atat ka na bang tuluyang wakasan ang nasimulan nating lima? "may halong pang aasar nyang sabi.
Kaya nagdribble ako papalapit sa ring.
" Tumahimik ka. Hindi ka pa rin nagbabago Khalie gumagamit ka pa rin ng dirty tactics. At 'yan ang ikakatalo nyo" sa pagkakasabi kong 'yon ay agad akong nagfade away.
Narinig ko pa ang hiyawan ng lahat kasabay ng pagtapik sa akin ni Lucas. Ang team captain namin.
Nakita ko naman ang paglapit ni Sed kay Khalie. Kung gagamitan man nila ako ng man to man defense o two man defense ay sisiguraduhin kong sa labas ng paint ako iiskor. Kailangan naming manalo. Kaya ano man ang mangyayari ay mas dodoblehin ko ang pag iingat. Lalo pa't batid ko na may masama silang binabalak.
Magkasama kami ng halos pitong taon kaya alam na alam ko ang takbo ng bituka nang mga 'yan.
Jiela's POV
Nasanay na akong makakita ng physical na laro sa court. Gaya nga sinasabi ko tagapanood ako noon ni Jielo tuwing magbabasketball sila. Pero ang laro ngayon ay syang pinakaphysical sa lahat ng nasaksihan ko.
" Foul number 26! " tawag na naman ng referree ng sadyang sikuhin ni Sed si Getrude. Nag aalala na ako sa kanya. Hindi lag sya pinag iinitan ng kabilang team. Sinasaktan na rin.
" Dapat dyan flagrant eh. Pang ilang ulit na 'yang paniniko ng kabilang team. " pabulong na sabi ni Sam upang mapatingin ako sa orasan.
Five minutes left. Kaunting tiis nalang!
" One shot Yuzon University. " sabi ng referree habang nasa freethrow area na si Getrude.
Basang basa na sya ng pawis at halatang pagod na pagod. Gustuhin man naming lahat na magpahinga sya ay hindi pwede. Kasama nya si Lucas at Hector sa mga hindi nagpapahinga.
Si Lucas ay ang team captain ng team. Hindi lang ito matalik na kaibigan ni Jielo kundi second degree cousin rin namin. Naging usap usapan sa angkan ang pagiging anak nya sa labas.
Pero hindi naman mahalaga sa amin 'yon. Nasisiguro ko ring natatandaan pa nya si Getrude noong paghaharap nila six years ago.
Agad naghiyawan ang mga nasa bleachers. Sinisigaw ang number sa jersey ni Getrude o di kaya magpapansin dito.
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...