Chapter 12 - Manhid King

545 9 0
                                    


" Where are you going babe? " tanong agad ni Hector sa akin upang mapahinto ako sa kinatatayuan.

Batid ko pa ang mahigpit na paghawak nya sa braso ko upang makaramdam ako ng sakit.

" Sasali ka rin ba sa kanila? Sa fans ng Lopez na yan? "

Oo sasali ako sa kanila! At hindi lang basta sasali sosyotain ko rin si Lopez! sarap isagot sa pagmumukha nyang manloloko! Mas manloloko pa sa fade away!

" Nasasaktan ako, ano ba? " inis kong sabi sa kanya upang mas hilahin nya ako papalapit sa kanya.

Problema ba ng lalaking 'to. Kinarma na siguro!

Pero bago pa ako binitawan ni Hector ay naramdaman ko nalang ang kamay na humila sa akin mula sa pagkakahawak nyang yun.

Ano to tug of war! At ako ang lubid!! Kawawa naman ang mga galamay ko.

Nakita ko pa ang pagkabigla ni Hector at galit sa mga mata nito.

" Mind your own business Lopez."

" Nasasaktan sya. " gusto kong isipin na may malasakit sa akin si Lopez! Pero hindi pa rin mababago ang katotohanan nito na wala syang pakialam sa akin.

" Wag kang makialam Lopez wala kang alam sa amin. " sabi pa ni Hector upang agad kong hilahin ang braso mula kay Getrude.

Kulang nalang magkahiwalay ang noo at kilay ni Getrude sa sobrang pagtaas nito. Godness!

" Tama sya Lopez wag kang makialam sa problema namin. "

At unti unti akong binitawan ni Getrude habang hindi ko pinuputol ang tingin kay Hector na nakangiting aso na ngayon.

'Kala nya ha nanalo na sya! Im just boosting his ego.


♥******♥

Habang marahas kong kinaladkad si Getrude dito sa loob ng mall ay wala pa rin syang kibo. Pero halatang naiinis na sya dahil sa kilay nyang magkasalubong.

Naiisip ko lang introvert kaya siya? Hindi kasi sya palasalita o sadyang wala lang talaga syang maisasalita dahil sa kamanhiran nya?

"Ano bang 'kala mo sa'kin? Pilay? " tanong nya upang humarap ako sa kanya at ngumiti ng malapad.

Yung tipong makikita na ang gilagid ko. Nakita ko pa ang pag iwas nya ng tingin habang namumula ng kaunti ang morena nyang pisngi!

Kaya inabot ko ang mukha nya upang magtagpo ang mga mata namin. Aha! Halatang kinikilig sya..Ngunit nakita ko nalang ang pagtiim bagang nya.

" A-no bang pakulo yan? Nagdadrugs ka ba Jiela? " halatang hindi mapalagay nyang tanong upang ilapit ko ang pagtingin sa mukha nya.

'Yong malapit na malapit. 'Yong isang galaw nya lang ay mahahalikan na ako. Wahaha. Mean Jiela!

" Wala naman, sinisugurado ko lang kung namumula ka ba talaga dahil sa ngiti ko. " pagbibiro ko pa upang hawiin nya ang kamay kong nakahawak sa mukha nya.

" Illusyunada." sambit nya upang sumimangot ako.

"Pambihira! Diba pwedeng mamula ka dahil kinikilig ka sa akin " nagtatampo ko pa kunwaring boses sabay talikod. Tumabi naman sya sa akin sa paglalakad.

"Bakit naman ako kikiligin sayo? Dahil lang ba sa hinawakan mo ang mukha ko? " pambabasag nya sa pagdadrama ko kaya matalim ko syang tingnan. Yung tinging kaya syang patumbahin sa isang iglap!

One..two...three seconds

Langya! Wala pa ring epek!

" Manhid. " mahina kong bulong na sakto lang na marinig nya. Pero wala pa rin akong nakuhang salita! Tsskk!

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon