Pagkatapos ng finals ay nanatili lang ako dito sa apartment ni Lopez. At ang resulta ng finals?
Siyempre panalo kami.
Kahit hindi pa gumigising si Getrude ay nagawa namang ipanalo ni Lucas at ..Hector ang laban. Atleast nakatulong 'yong two-timer na 'yon.
Habang pinagmamasdan si Getrude ay di mapigilan ng mga luha ko na bumagsak. Sabi ng doctor okey lang naman sya pero bakit hindi pa rin sya gumigising. Sobrang nag aalala na ako. Ikalawang araw na ito simula ng nawalan sya ng malay sa balikat ko! Nang dahil sa akin ay nagkakaganito sya at pakiramdam ko unti unti akong kinakain ng konsensya.
Maigi ko lang hinahawakan ang kanang kamay niya at hinahaplos ang mukha. Nang dumako ang mga mata ko sa napakatangos nyang ilong, ang makapal na kilay na nagdedepina sa malalim nyang mga mata at ang mapupulang labi ay kusa akong napalunok.
Palagi kong naalala ang unang pagkakataon na nagkita kami. Naalala ko pa kung gaano kaganda ang ngiti nya na parang dinuduyan ang puso ko. Ang mga matang parang tinutunaw ako sa kinatatayuan. 'Yon ang pinakaunang pagkakataon sa buong buhay ko na nakaramdam ako ng inggit at hesitasyon sa sarili.
Sana kaya kong bumalik sa panahong 'yon. Sana nagawa ko syang kilalanin noon. At sana sa panahong 'yon ay nakasama ko sya.
Biglang sumikip ang puso ko ng maisip ko na naman ang pagyakap sa kanya nung Diane.
Siya kaya ang dahilan ng ngiti nya noon? Kung babalik ba sya kay Getrude ay maibabalik ba ang dating Getrude na nakilala ko.
Aakma na sana ako tatayo ng may biglang humigit sa kamay. Nang tingnan ko ang may gawa nito ay agad kong nakita si Getrude na maigi lang na nakatingin sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Parang gusto kong magtatalon sa saya pero at the same time 'yong luha ko bumabagsak na naman.
" Bakit ka umiiyak? " agad kong pinahid ang luha ng marinig ito at pilit na ngumiti. Bigla akong nataranta at nanghagilap ng mga prutas o tubig na maiinom nya.
Aakma ko na sanang hahablutin ang kamay mula sa pagkakahawak nya ng hilahin nya ako upang bumagsak ako sa may dibdib nya. Naramdaman ko nalang ang pagyakap nya sa akin ng mahigpit. Naririnig ko pa ang lakas tibok ng puso nya habang nakahiga sya at nakapulupot ang braso sa katawan ko.
" Crying princess. " napakagat nalang ako sa labi ng marinig ito.
" Baliw. Sinabi ko bang talikuran mo ako at umiyak. Naaalog na ba yang utak mo sa dami ng problema mo Yuzon. " pagalit na namang sabi nya upang iangat ko ang paningin sa mukha nya.
Tumambad sa akin ang nakapikit na Manhid King habang may maliit na ngiti sa labi.
" Bakit ba kasi ang tagal mong nagising! Bakit ba ang hilig mong pahirapan ako Emotionless King!? " sigaw ko sa kanya at sinusubukang kumuwala sa pagkakayap nya pero mas hinigpitan nya lang lalo ang pagkakayakap sa akin.
" Nagugutom ako. Pakiramdam ko isang linggo akong hindi nakakakain. " nakapikit pa rin sya. Kaya sumimangot ako. Ano kaya ang tingin nya sa akin... pagkain?
" Eh nagugutom ka na pala pero bakit mo ako niyayakap. " saad ko pa sabay layo sa kanya ng maramdaman ang pagluwag ng pagkakayakap sa akin.
" Akala ko kasi pagkain ka. " sumimangot ako. Sabi ko na eh. Wala 'yang ibang nasa isip kundi pagkain.
Nang bumukas ang singkit nyang ay agad itong dumako sa akin. I can't explain what happened to my heart while he darted his emotionless eyes to my face.
" B-akit may problema ba? " usisa ko ng unti unti syang umupo mula sa pagkakahiga.
" Ilang araw ba akong natulog? " tanong nya upang kumuuha ako ng mansanas at balatan ito..

BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
Ficción GeneralYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...