Sometimes revenge lead us to two paths. A good destination or a destination of destruction.
Destinasyon para mapabuti ang buhay natin o destinasyon sa para sa mas ikakasama nito.
At sa sitwasyon ko alam kong tinatahak ng paghihiganti ko ang tamang daan.
Habang malalim na nag iisip ay nabalik nalang ako sa wisyo ng marinig ang malakas na boses sa court.
" Nanadya ka ba! " rinig ko pang sigaw ni Hector at nang balingan ko sila ay pakiramdam ko pumapaibaba ang lahat ng dugo ko sa sobrang kaba.
Fuckinshit! Tinulak tulak ni Hector si Getrude!
Kaya agad akong napatayo. Kumalma nalang ang sistema ko ng maramdaman ang isang kamay na pumigil sa akin.
" Nagsteal lang ako " rinig ko pang paliwanag ni Getrude habang pumagitna na sa kanila ang pinakamatangkad sa nagtryout.
I suddenly felt how I lost myself after witnessing their arguments!
" Kanina tinapakan mo ang paa ko tapos ngayon binangga mo ang balikat ko! Sasabihin mo lang na nagsteal ka lang? What do you think you're playing, kickboxing? " halatang iritado pang tanong ni Hector habang hindi nakaligtas sa akin ang pagkatahimik sa paligid.
Oh hell!
Kaya bago pa sila magkainitan ng husto ay kusa ko ng ipinasok ang sarili sa loob ng court.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba basta ayaw ko lang gumulo ang tryout na'to!
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Getrude kay Hector samantalang si Hector naman ay pinipigilan na ng kateamates.
This is going to be a riot!
" Tama na! Nasa tryout kayo paghindi kayo tumigil pareho kayong laglag sa tryout na ito. Pagpapakita yan ng unprofessionalism. " saad ko pa sa dalawa upang makita ang pagkalma ni Hector.
Si Getrude naman ay umalis na harap namin ng hindi man lang ako tinitingnan.
Agad kong pinandilatan ng mga mata ang referee.
Bakit yata tumunganga lang sya sa tabi?
Nakita ko naman ang pagkabigla nya upang mabalik sya sa wisyo.
Habang nagpapatuloy sila ay kinakabahan ako sa nakitang init ng laro sa pagitan nina Hector at Getrude. Para tuloy kaming nanonood ng isang totoong basketball league.
Kung pupuntos si Hector sa kabila ay agad naman syang binabawian ni Getrude. I never thought that temper can affect a single play of a player.
Agad dumako ang tingin ko kay Getrude. Gaya pa rin ng dati napapatibok nya pa rin ang puso ko ng mabilis. Bawat reflex ng muscles nya pakiramdam ko dinuduyan ang puso ko.
Dalawang taon na syang huminto pero hindi pa rin kumukupas ang laro nya!
Nang matapos ang laro ay agad na sana akong kukuha ng tuwalya para kay Getrude ng maalalang boyfriend ko pala si Hector kaya masimple ko nalang sinulyapan ang bawat player.
Hindi pa nakaligtas sa akin ang nakaw tingin ni Sam kay Getrude upang kumunot ang noo ko!
" Okey ipopost nalang namin ang nakapasa para sa final interview. " saad pa ni coach upang magsitanguan ang mga player.
Pagkatapos itong sabihin ni coach ay nabatid ko ang agarang paglabas ng mga tryouts upang hanapin ng mga mata ko si Getrude.
Nang balingan ko ang pinto ng gym ay nakita ko syang papalabas kaya maingat akong sumunod sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/66556014-288-k688123.jpg)
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...