Win or Lose
Habang nakasunod kay Getrude ay napatigil nalang ako ng huminto sya. Lumalabas na ang mga player ng team at alam kong tutungo na sila sa court.
" Paunahin natin sila. " bigla syang tumayo sa gilid ng isang bakanteng silid aralan. Kaya sumunod ako sa kanya.
Nabigla nalang ako ng inilahad ni Getrude ang kanang kamay upang mapatingin ako dito.
" B-akit? " biglang kumabog ng malakas ang aking puso. Parang may nagdadrum dito. Alam kong umu overacting si Ms. Heart pero sumusobra ang pagkabog sa pagkakataong ito.
" Pahawak. " naguguluhan ako sa inaasta nya pero inabot ko pa rin sa kanya ang kamay ko. Naramdaman ko nalang ang pagsaklob ng mga daliri namin upang mapatingin ako dito.
Hindi ko alam pero parang nawindang ang sistema ko ng magdikit ang mga palad namin. Parang may kuryenteng dumapo sa kamay ko.
Nang tingnan ko sya ay pumikit sya ng marahan. Nalilito ako. Ano bang ginagawa nya?
Pero sa dami ng pinagdaanan ko ay ayaw kong pag isipan ng malisya bawat inaasta nya. Emotionless sya! Manhid at kulang nalang katukin ko 'yong puso nya maramdaman nya lang ako. Kaya lang imposible naman 'yon.
" Bakit Lopez? Don't tell me gusto mo na ako. " pabiro kong sabi upang makaramdam ako batok.
Pambihira may gana pa syang batukan ako!
" Assuming " Ayan na naman sya sa assuming word of the day nya! Kaya simangutan ko sya.
" Eh bakit may pahawak hawak kang nalalaman. Oi. Gusto nyang hawakan ko ang kamay ko. " pambubuyo ko uli sa kanya. Alam ko kasi na madaling mairita ang isang Lopez pagginaganito ko sya. Whahaha.
Evil Jiela!
" Tsskk. Gusto ko lang maramdaman kung anong naramdaman ko kanina. " sabi nya upang manigas ang dila ko.
Di nga!!
Ano bang naramdaman nya kanina? Kanino? Dun sa ex nya o sa paghawak nya sa kamay ko!?!
Pa'no pag dun sa paghawak sa kamay ko! Oh my God! Ayaw kong magkaroon ng pag asa ang pinakakatago kong lihim.
"B-akit a-no bang naramdaman mo kanina? " bigla akong naexcite sa sagot nya.
" Naramdaman ko kasi na magaspang 'yang palad mo kaya sinisiguro ko lang. At totoo nga. Kay yaman yaman mo pero 'yang palad mo sing gaspang ng kamay ng Nanay ko at ang laki laki pa! Babae ka ba talaga? " nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaya agad kong tiningnan ang palad at hinawakan.
Jusko! Babae po ako!!
Narinig ko nalang ang pagpipigil nya ng tawa. Nakakasama ng loob ang lalaking 'to!
Kanina pa sya! Alam kong kanina pa nya ako pinagkakatuwaan. Kainis!
" Nananadya ka ba. Kanina mo pa ako pinagtatawanan Lopez ah! " sabi ko. Ngunit narinig ko nalang ang paghalakhak nya upang masama ko syang tingnan. This is fucking unbelievable.
" Jiela. "
" Oh. Ano naman! "
Bigla syang humarap sa akin sabay hawak sa pisngi ko.
" Wag kang mag aalala ipapanalo ko ang laban. " maaliwalas ang mukha nya habang sinasabi ito. Pinipisil pisil pa nya ang pisngi ko.
Shakeeet! Bwesit oh! Kailan pa sya naging ganito ka komportable sa harap ko!!
Napalunok nalang ako ng inilapit nya ang mukha sa akin. 'Sheete 'yong puso naghuhurumintado naman! Kaya marahan kong ipinikit ang mga mata.
" Ngayon ko lang napansin...kamukha mo pala si Picachu Manager " waah pakiramdam ko sinunog ang pisngi ko sa sobrang hiya.
Hindi na sya si Emotionless King! Sya na si Insultador Monster! Waah. Nakakahiya 'to. Kailan pa naging kamukha ni Picachu ang pagmumukha ni Jiela Prinsesa ng mga Yuzon!
" Kainis ka Lopez. " saad ko sabay hawi ng kamay nya. Nakita ko pa ang pagpipigil nya ng tawa.
" Pangako. Mananalo tayo. " pambawi nya sabay talikod sa akin. Kaya agad kong hinapit ang braso nya at tiningnan sya sa mga mata.
" Win or lose as long as you're enjoying the game Lopez. Thats all that matters. Besides there still next year for us. " kahit gustong gusto kong manalo ay hindi ko pwedeng ipilit ang hindi pwede.
" Atsaka diba? Kababalik mo lang? Ayaw kitang e-pressure " naramdaman ko nalang ang kamay nya sa labi ko upang mapahinto ako sa pagsasalita.
" Tahimik troublemaker! " bigla syang tumalikod kaya sinundan ko.
Kanina Picachu ngayon troublemaker na naman! Ano naman kayang palayaw ang maiisip nya mamaya!?
"Pagsinabi ko mananalo tayo mananalo tayo. Ang kailangan ko lang ay nakikita kita sa harap ko at sinusuportahan ako. Kinaladkad mo ako sa labang ito kaya dapat manindigan ka at suportahan ako. " he stated seriously. Biglang may ngiti na lumabas sa aking labi.
Manindigan? Ang lalim yata nun?
" Hindi 'yong iiwan mo ako sa gitna ng pinakamahirap na sitwasyon ko. " doble ang pakahulugan ng mga salitang 'yon sa akin.
Kaya bahagya akong tumigil. Huminto rin naman sya ng hindi na nya narinig ang mga yapak ko.
" Pasensya ka na...at hindi ko ipinaalam na may school committee meeting ngayon. " Alam kong kailangan nya ako lalo na't mga dating kakilala nya ang mga kalaban namin. Nakita ko pa kung paano nya ikinuyom ang kamao habang nakatalikod.
" Jiela. H-indi ko kasi alam kung paano harapin ang taong dating minahal ko a-t ang mga dating kaibigan ko. " tumingin ako sa paligid. Nang masigurong wala ng tao ay agad ko syang niyakap mula sa likod.
Pakiramdam ko naninikip ang puso ko habang binabanggit nya ito.
Dating babaeng minahal nya? So ibig sabihin may relasyon talaga sila ng babaeng 'yon?
Nanatili lang syang nakatayo habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit.
" Muntikan ko ng makalimutan na hindi na pala ako naglalaro para sa kanila. Naglalaro na pala ako para sayo at para sa sarili ko. " teary eyes agad ako dahil sa sinabi nya. Bigla nalang syang naging open tungkol sa sarili nya ngayon.
" P-asensya na Lopez at niyayakap kita naiiyak kasi ako. At sabi mo sa akin noon na ayaw mong nakakakita ng babaeng umiiyak. Kaya inunahan na kita sa pagyakap " paliwanag ko habang nanatili lang sya sa posisyon.
" Baliw ka talaga. " sagot nya habang hinahayaan lang akong yakapin sya.
Hashtag assistant manager na may pagnanasa sa player nya!!
Abusadang Jiela!
_____
Habang papasok kami ni Getrude sa court ay hindi nakaligtas sa akin ang tinginan ng lahat.
Agad akong sinalubong ni Sam upang tapikin ko ang balikat nya.
" Nagsisimula na? "
" Hindi pa. Halika Jiel. " pinakita nya agad sa akin ang tally at nanlaki nalang ang mata ng makita ang statistics ni Getrude. Kahit field goals nito ay zero..
" Batid kong kanina pa sya pinag iinitan ng kabilang team. Dinouble team nga sya Jiel. " paliwanag ni Sam upang mapatingin ako sa kabilang team. Nakangiti ito habang tumitingin tingin kay Getrude.
Biglang nagflashback sa akin ang sinabi ni Getrude.
Hindi ko kasi alam kung paano harapin ang babaeng dating minahal ko ...at ang dating mga kasamahan ko.
Ibig sabihin Getrude hesitate to showcase his ability dahil mga kasamahan nya ito.
Khalie at Sed. Sila 'yong nagbulung bulungan habang nakatingin kay Getrude.
Nang dumako ang paningin ko kay Diane ay kulang nalang tunawin nito ng tingin si Getrude na parang ice cream sa kinatatayuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/66556014-288-k688123.jpg)
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...