Chapter 28 - Pag aalala

455 13 0
                                    

Getrudes POV

Ewan ko pero sa panahong nakita ko ang mukha nya ay hindi ko na ako makapag isip ng tama. Umiiyak sya at hindi ko alam ang gagawin.

Lalong hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang kakaibang pagtibok ng puso ko.

Habang nakasunod sa kotseng sinasakyan nya ay naikuyom ko nalang ang kamao.

Ang bilis nyang magpatakbo! Plano ba nyang bumyahe patungong langit? Naiinis ako! Wala na bang halaga ang buhay para sa kanya?!

Dinagdagan lang nya ang inis ko dahil sa pangingialam nya sa buhay ko.

Hindi ko alam kung anong halaga ko sa kanya? Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili?

Alam kong ibang iba ang mundo naming dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ko na may mahal syang iba. Pero gusto ko syang makasama. Hindi ko nais na tinutulak nya ako pabalik sa nakaraan ko. Wala akong planong buhayin ano man ang nakaraan ko kasama ang ibang tao.

Mahirap bang pakiramdaman na  gusto ko syang makasama. At ang isa pang bagay na ikinasama ng loob ko ay palagastos nya sa akin. Nakakababa ng sarili.

Ayaw na ayaw kong binibigyang ng mga materyal na bagay dahil sya lang naman ang kailangan ko. Sya lang sa. Sya lang sa tabi ko ay sapat na.

Agad akong bumaba sa may hospital ng pumasok ang kotse nya dito.

Habang palihim na nakasunod sa kanya ay tumigil ako at nagtago ng pumunta sya sa emergency section. Agad kong nakita ang pagyakap nya sa isang may edad na babae at lalaki. Kasunod ang pagyakap nya sa kambal nya--Jielo. Jielo yata ang pangalan. Batid ko pa ang paghikbi nya habang nakayakap ng mahigpit sa kakambal nya.

Nakonsensya ako bigla.

Pinahirapan ko pa sya dahil sa pagiging makasarili ko. Ayaw ko lang naman talagang tumanggap ng mga bagay mula sa kanya. Marami na syang binigay sa akin at hindi ko na maatim na tumanggap pa.

Habang nakamasid lang ako sa kanilang buong pamilya ay hindi ko mapigilang makapag isip ng negatibo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko sya kayang lapitan. Kahit minsan hindi ko naisip na may karapatan ako sa kanya.

Tulad ng iniisip ng lahta tulad sya sa isang babasaging bagay. Lahat iniingatan na masaktan sya. Lahat tinitingala sya. At halos lahat natatakot na lapitan sya.

Alam ko ang katotohanang 'yan. Alam ko kung gaano sya kahalaga dito sa lipunan.

Kaya mula sa pagsilip sa kanya ay bahagya akong umupo sa isang bakanteng upuan.

Hihintayin ko nalang sya na umuwi.

Hihintayin ko nalang na umuwi sila. Siguro isang importanteng tao ang nasa loob kaya buong pamilya nila ang nandito.

Lumalalim na ang gabi at kumakalam na ang sikmura ko kaya lumabas muna ako saglit para makahanap ng makakain.

Pero bago ako umalis ay sinilip  ko muna ang pwesto nila o kung maayos na ba sila. Agad tumambad sa akin na nakikipag usap na ngayon ang ama nya sa mga doctor.

Siguro sobrang lala ng sitwasyon ng nasa loob dahil nakita ko pa ang pag iyak nya at ng ina nya. Hindi pa din sila kumakain.

Agad akong tumungo sa isang malapit na fastfood chain. Hindi ko alam kung anong kinakain nang mayayaman pero bumili pa rin ako ng burgers, at iba't ibang klase ng pagkain kasama na ang softdrinks.

Medyo natagalan pa ako dahil sa dami ng tao doon. Habang papasok ako ay kusa nalang akong naninigas sa kinatatayuan ng makitang wala na si Jiela sa tapat ng emergency room.

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon