Chapter 14 - Trouble

460 10 0
                                    

Trouble

Ikalimang araw ngayon ng basketball league. May isang talo na ang team. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nung game na 'yon ay wala man lang puntos si Getrude. Habang papasok ako sa university ay nadaanan ko pa ang iba't ibang pakulo ng mga ka schoolmate ko. Since semis na ngayon ay marami ng taga labas ng school ang nagsipasukan dito sa university para manood.

Para tuloy nagka araw ng mga puso dahil sa dami ng couple dito sa loob.

Walang sinuman ang nagtatangkang banggain ako. Hanggang sa makarating ako sa may canteen.

Namalayan ko nalang ang pagkabangga ng isang babae sa akin upang mapahandusay ako.

" Naku..naku Miss sorry. " nag aalalang sabi ng babae sabay alalay sa akin. Nang tingnan ko ang kabuuan nya ay taga labas ito. Mahaba ang buhok nya at napakaamo ng mukha. Mas maliit ng kaunti sa akin pero may pagkaporselana ang balat.in short, may kagandahan ito.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang sumagot ng may tumawag sa kanya.

" Diane! Did you find any trouble there? " tawag sa kanya ng isang naka jersey na lalaki upang tingnan nya ako.

" P-asensya ka na talaga Miss. Hinahabol ko kasi sila. " napatingin nalang ako sa lalaki ng lumapit na ito sa amin.

" Lets go. Why are you talking to strangers? We're not here---- "

" Khalie! Diane! " another voice of a guy shouted. Nang makita nya ako ay agad itong tumakbo papalapit sa pwesto namin. Ok. What the hell I am doing here in the strangers front?

" Hey beautiful. Nice meeting you. " kinuha bigla ng lalaki ang kamay ko at nakangiti pa itong tumingin sa akin.

I forced a smile while trying to get my hands. Kainis! Paano kung madumi 'yang kamay nya. What the eff.

" Stop it Sed. Umiiral na naman 'yang pagkababaero mo. "

" Ano ka ba Khalie. Don't you know her. She's ---" nahiwalay nalang ang kamay ko sa pagkakahawak ng lalaki ng may pwersahan kumuha nito.

At marahan akong hinila sa likod.

Nabatid ko pa ang panlalaki ng mata ng babae at pagkabigla ng tinatawag na Khalie ng makita ito.

" Wag mong bastusin ang manager namin. " matigas ngunit maotoridad na sabi ni Get. Nakita ko pa ang pagkanganga ng tatlo. Nang ibaling ko uli ang paningin sa babae ay namumuo na ang luha nito habang nakatingin kay Getrude.

Walang ano-ano ay agad nya akong hinila. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak nya sa akin.

" W-ait Get. " humarang ang babae sa amin. May ilan ng luha ang bumagsak sa mga mata nya.

" G-et. H-ow are you? " Aba! Kung maka Get. Parang ang tagal na nilang magkakilala!

" Diane umalis na tayo." hinila pa sya ni Khalie ngunit hinawi ito ng babae. Hanggang sa nakita ko nalang ang pagyakap nya ng mahigpit kay Getrude. Pakshet. Parang akong nanood ng drama na movie!

Unti unting nawalan ng lakas ang kamay ni Getrude upang mabitawan ako!

" Diane stop it. Did you forget what happened to your brother and Gil because of him. " hinila na sya ni Khalie upang hilahin ko rin si Getrude. Para syang iniwan ng kaluluwa! Naiinis ako! Sino ba kasi ang mga taong 'to.

Pero matigas ang babae. Hinawakan na naman nya ang braso ni Getrude upang hilahin ko sa likod si Getrude.

Naiirita na talaga ako!

" Stay away. " biglang tumingin ng makahulugan sa akin ang babae. Ang init ng ulo!

" Naglalaro ka na pala para sa talunang team nang unibersidad na ito. Wow ha. 'Kala namin ay buong buhay ka ng magmukmok sa palengke. " singit ng nagngangalang Sed. He looked very pissed.

" Diane, Sed. Enough. He still useless for their team. "dagdag ng Khalie upang humarap ako sa kanila.

" Kaunting respeto naman. Nasa university pa rin namin kayo. At hindi ko mapapayagan ang anumang pagpapahiya nyo sa player namin. " napaatras nalang ako ng humarap sa akin si Khalie

" Sino ka naman? Wag mo kaming pagbantaan kasi wala kang alam sa amin. At lalong wala kang alam sa lalaking 'yan. "

Sino ako!! Aba! Hindi nya ba alam na kayang kaya kong ipabura ang mukha nya sa isang iglap lang!

Magsasalita na sana ako ng biglang may dumapo na kamay sa mukha ng lalaki upang mapahandusay ito sa sahig.

" Wag na wag mo syang sigawan sa harap ko Khalie. The next time you did this to her, ito ang tandaan mo. Hindi lang 'yan ang aabutin mo! " agad akong kinaladlad ni Getrude paalis. 'Yong sakit ng pagkakahawak nya sa akin ay mas masakit pa sa mga sinabi ng lalaki sa akin kanina. Nang makarating kami sa may likod ay inis nya akong binitawan.

" Ano bang ginagawa mo? Bakit ba ang hilig mong pumasok ng gulo? " naiinis sya. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kainis.

Dahil kaya ito sa babae. Nagkakaroon sya ng emosyon dahil dun sa babae kanina?

" Minamaliit ka nila sa harap ko Getrude. What do you expect me to do? Just watch and listen na ipapahiya ka nila! " saad ko upang masabunutan nya ang ulo.

" Hindi mo kailangang gawin 'yon. Matatanggap ko naman ano man ang sabihin nila sa akin. Pero Jiela iba ng usapan pag ikaw ang masaktan. Sana hindi ka nalang nakisali. " tiningnan ko sya ng hindi kapani paniwala.

" You know what Lopez. Hindi kita maintindihan. No hindi lang pala kita hindi maintidihan. I can't puzzled every piece of you. Hinding hindi kita mabasa! Nahihirapan ako Getrude! Nahihirapan akong intindihin yang ugali at personalidad mo. " sa inis ko sa kanya ay agad ko syang tinalikuran.

Sino ba kasi ang babaeng 'yon!



AN:

Maikling update lang. Hindi kasi ako dapat mag update ngayon kasi alam kong kukulangin ang oras. Pero sayang din kung tutunganga nalang ako dito. Pinalitan ko ang title to Unselfishly Inlove to a Player.

Kasi parang taga basa ko sa dating title nabablanko ang isip ko. As in wala akong maisip. Hehehe.

Please vote...

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon