Chapter 32 - Kaarawan

424 10 0
                                    

Jiela's POV

" Sino ang lalaking 'to YUzon? " mas lalong matigas ang pagkakatanong nito sa akin ni Getrude upang tingnan ko sya.

And the best way to shut him up is to tell the direct answer.

" H-indi ko sya kilala. Nagkataon lang na nasa tabi ko sya ng malasing ako. " saad ko upang pahablot nyang kunin ang larawan at itinapon ito sa basurahan.

" Galit ka ba? " usisa ko sa kanya.

" Hindi. Nagtataka ako akala ko kung sino 'yan at isa pa may naglagay nyan sa locker." sabi nya upang medyo kumunot ang noo ko.

Oo nga noh.

" Akala siguro ng nagpadala nyan ako ang nasa larawan. " dagdag nya upang lapitan ko sya at hinawakan ang braso.

Sa tuwing hinahawakan ko ang braso nya o sa tuwing dadampi 'tong balat ko sa kanya. Pakiramdam ko napakaraming boltahe ang dumadaloy sa katawan ko.

" Wag mo nang isipin 'yan Getrude. Kahit naman kumalat 'yan at sasabihin ng iba ng ikaw itong nasa larawan ay hindi nalang ako tatanggi. Beside later on, magiging official rin naman tayo. " saad ko upang bigla nya akong yakapin.

Naramdaman ko nalang ang lalong ang pagwawala ng aking puso sa ginawa nya.

" Hindi ko na naiintindihan ang sarili dahil sa'yo Yuzon. " kusa akong napangiti ng marinig ito. Kaya mabilis kong ipinulupot ang mga braso sa kanya.

¤¤¤¤¤¤¤

Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng pag uusap naming 'l dalawa. Kusa na akong dumistansya pansamantala kay Getrude dahil sa mga usap-usapan patungkol sa espesyal na pagtitinginan naming dalawa. Ayaw ko kasing pag initan sya ni Hector at ni Mommy kung sakali man.

Nang dumako sa isip ko si Mommy ay kusa nalang akong napatingin sa sarili sa salamin.

Here I go, celebrating my debut without Kuya Kiel and Dad.

When I scanned myself in the mirror, sadness has written all over my face.

Ito ang isa sa pinaka espesyal na araw sa akin. Pero parang may napakalaking puwag sa aking puso.

Napahagod nalang ako sa kamay ng mapansin ang malakas na boses ng emcee sa ibaba. Mabuti nalang at dito sa mansyon idinaos ang kaarawan ko. Sa tingin ko nandito lahat ng miyembro ng pamilya.

Habang kinakabahan kong inaayos ang gown ay napatingin nalang ako sa pinto ng kumatok. At hindi rin lumipas ang ilang minuto at bumukas ito kasabay ng pagsalubong sa akin ng nakangiting mukha ni Ian. Si Ian Maurillo ang bestfriend namin ni Jielo. Kailan pa ba sya bumalik?

" Hey my spoiled queen Happy Birthday. " nakatuxedo sya at may rosas na asul sa may dibdib na bahagi nito.

" Hey! Kailan ka pa bumalik? " masaya kong bungad sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Narinig ko pa ang mahina nyang tawa habang nakayakap sa akin.

" Just this noon, I'm with Red. Para lang makarating sa kaarawan mo. And surprise..." agad syang humiwalay sa akin sabay bigay sa akin ng isang box. Kaya agad ko itong binuksan. At kusa nalang lumabas ang ngiti sa labi ko ng makita ang isang set ng pabango na kakalabas lang sa market.

Sa sobrang tuwa ko sa regalo ni Ian ay agad ko syang hinampas sa dibdib ng mahina.

" So effort naman ang bestfriend ko. Hindi mo ba alam na ag presence mo pa lang Ian Maurillo ay masaya na ako. "  malapit na akong maiyak sa harap nya kaya sinimangutan ko sya.

Naramdaman ko nalang ang pagpisil nya sa dalawang pisngi ko habang inilebel ang mukha sa akin.

" Smile my spoiled queen. Kaya nga ako umuwi diba para makicelebrate sa pagdadalaga mo. Siguro naman pwede na kitang ligawan. " pagbibiro nya upang hawiin ko ang kamay nya.

" Tse! Puro ka talaga kalokohan Ian Maurillo! " sambit ko upang mapahalakhak sya.

" So, we have to go. Naghihintay na sila sa ibaba My spoiled queen. Nagkakagulo na sila dahil sa pagdating namin ni Red. " dagdag uli nya sabay lahad ng kanang braso upang ipulupot ko ang kamay dito.

" Talaga lang ha. As if naman makakagalaw ka pa mamaya kung makikita mo na si Blu. " kantyaw ko sa kanya upang tumahimik sya.

" If Lucas wasn't here, eexpect mo na rin na walang Blu na magpapakita. " saad nya upang mapatigil ako sa paglalakad patungong pinto.

" Wait. Lucas is not here? " pag uusisa ko upang tumango sya.

" If there's Red in the scene expect that Lucas with Blu will never be around. " paliwanag ni Ian.

Gaya ng sinasabi ko Lucas is always left behind dahil broken family nga sila. Pero hindi ko naman alam kung gaano sila kaclose sa pinsan naming si Blu. And what the hell is their matter with Red?

Nabalik nalang ako sa wisyo ng pinitik ang noo ko ni Ian.

" Stop minding your cousins matter Jiela Cyra. Its your day, your biggest day. So cheer up princess, all you have to do is smile. Okay? " napangiti nalang ako ng marinig ito kay Ian.

Habang pababa kami ng hagdam ay agad kong inilinga ang mga mata sa paligid. Maraming miyembro ng pamilya ng Yuzon ang dumalo at gaya ng sinabi ni Ian ay wala nga si Lucas at Blu. Sa di kalayuan naman ay napansin ko sina Sam pati na ang ilang miyembro ng basketball team maliban na lamang kay Hector at ni Getrude.

Si Getrude? Nasaan na ba sya?

( Change of POV ) Getrude

Nandito lang ako sa medyo madilim na bahagi ng pinagdadausan ng party. Sobrang laki ng bahay ng mga Yuzon kahit 'yong party sobrang engrande.

Bigla akong nanliit.

Buong buhay ko hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong panliliit sa sarili.

Walang wala ako kumpara sa kanya. Hindi pa nga ako makakapunta dito kung hindi ako pinahiram ni Lucas ng tuxedo at sapatos. At ni hindi nga ako makakaapak dito kung di dahil kay Sam.

Naikuyom ko nalang ang kamao dahil sa kahihiyang nararamdaman.

Kung sasabihin nya sa lahat ngayon na ako ang boyfriend nya anong gagawin ko?

Ano bang mukha ang maihaharap ko sa mayayaman nyang kapamilya?

At higit sa lahat ano bang maipagmamalaki ko sa ina nya?

Ano bang sasabihin ko? Na isa lang akong varsity player sa university nila.

Ni wala akong matinong sapatos at mga damit na maisusuot araw araw.

Kung tatanungin akong anong klaseng buhay ang maibibigay ko sa kanilang prinsesa. Ano bang isasagot mo Lopez? 

Nanghihina ang tuhod ko dahil sa mga katanungang ito sa isip ko. Pambihira! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba buong buhay ko.

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon