Chapter 6

643 13 0
                                    

" Ano ba kasing ginagawa mo dito? And look at yourself, heck Jiela kulang nalang magkaroon ka ng buntot para magmukha ka nang isda. Nangangamoy isda ka! " pang iinsulto pa ni Ian upang batuhin ko sya ng towel na dala dala.

" Masyado kang nakakatulong! Yung likod ko punasan mo! " utos ko pa sa kanya while pointing my back.

" Tsss. Wala ka talagang awa sa bestfriend mo. Hindi ka man lang nagpasalamat " pagmamaktol pa nya sabay punas sa likod.

Habang nagsasagutan kami ni Ian dito sa may kotse ko ay nahagip nalang bigla ng paningin ko si Kargador boy / Number 23/ Abnormal / Emotionless King.

Kitang kita ko pa ang pagtingin nya sa akin saka sumakay sa backride ng tricycle.

Kaya ang ginawa ko ay agad kong hinawi si Ian at pumasok sa loob ng kotse.

" Ui ano yan?Iiwan mo nalang ako basta basta? " naghahabol pang tanong nya upang buksan ko bintana ng kotse.

" Doon nalang tayo magkita sa bahay saka yung kotse mo nasa likod. Alangan naman na sasakay ka dito? " sarkastiko ko pang tanong sa kanya saka pinaharurot ang kotse.

Nang mahagip ng mga mata ko si Abnormal / Kargador at Emotionless King ay agad akong pumunta palikod ng tricycle na sinasakyan nya.

Pero ilang sandali lang ay napahinto nalang ako ng huminto ang sinasakyan nya.

Napalabas agad ako sa kotse ng makita syang bumaba at tumayo sa gilid ng kalsada.

"Sinusundan mo ba ako?" yan agad ang bungad na tanong nya sa akin upang mapakagat ako sa labi.

" Bakit masama ba na sundan kita? " walang paliguy ligoy kong tanong sa kanya upang masama nya akong tingnan.

" Gusto mo bang ipakulong kita? " malamig pa nyang tanong upang tumungo ako sa harap nya.

" Okey lang may panlaban naman ako. Dinala pa kita sa doctor hindi ba? "

" Ngunit iniwan mo ako doon? " angal pa nya ngunit mas lumapit pa ako sa kanya.

Hindi ako pwedeng magpadala sa kanya.

" Tapos pinabayad ka ba ng doctor ko ? " taas kilay ko pang tanong sa kanya.

" Umuwi  ka na gumagabi na" utos pa nya habang deretsang nakatingin sa mga mata ko

Nailang ako bigla sa uri ng paninitig nya sa akin.

His black deep eyes that could drown me to the deepest part of the sea. Na para bang nagbibigay ng napakamisteryosong palaisipan.

Ang sadya mo Jiela ' , I reminded myself . Kahit na ganun hindi ko mapigilan ang sarili na tignan ang mga mata nyang nakatingin sa akin na para bang nagpapawala sa akin sa sarili. Na parang binubura lahat ng alaala ko at walang ibang ipinasok kundi ang mga titig nyang yan.

Those eyes, despite of coldness from it I can see the sadness, anger at higit sa lahat titig na mas malamig pa sa yelo ng Antarctic Ocean kung ipukol nya sa akin.

Pakiramdam ko nahihipnotismo ako nito.

Bakit ako nagkakaganito? Bakit naiiba sya sa lahat. Sa kabila ng pagiging mahirap nya, sa kabila ng pagiging magaspang ng ugali nya. Pero sa mga mata nya makikita kung gaano sya kaganda sa malapitan.

Nabalik nalang ako sa wisyo ng tuluyan na syang nakatalikod sa akin.

" Ano ba kasing gusto mo para mupayag ka? " pag uusisa ko pa sa kanya habang naghahabol sa kanya.

Sa bilis nyang maglakad ? Damn, kulang nalang magpagawa ako ng gulong sa paa ko para makasabay sa kanya.

" Wala akong gusto "

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon