Chapter 26 - Gulo

454 9 0
                                    

" Sometimes there is no next time, no second chance, no time out."

Papasok ako ngayon sa university. Walang lugar sa akin ang pagmukmok panghabang buhay. Nabigo man ako ngayon o sa susunod na mga araw ay kailangan kong maging matatag.

They're just a boys. Mere boys.

Pakiramdam ko lahat nakatingin sa akin. Dahil siguro sa ilang araw na pagkawala ko dito sa unibersidad. It's crazy right, its crazy to think that the princess who got everything will be left broken. Nobody noticed how torn I am. Nobody knew how broken am right now. And no one has the right to know it. Not even them, not even those idiots who makes me cry.

Habang malalim na nag iisip ay namalayan ko nalang si Sam na patakbong tumungo sa pwesto ko. At bago ako nakapagtanong ay agad nya akong kinaladkad.

" What the hell Sam. Don't drag me like this. " masakit ang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa akin.

" I'm sorry Jiel but you need to see this. Gosh. I can't believe there's something wrong between you, Hector and Lopez. " kusa nalang akong kinabahan dahil sa sinabing 'to ni Sam

" Sam are you crazy? There's nothing wrong between us. " matigas kong pagsisinungaling.

" Mamaya mo na ako lokohin mahal na prinsesa pag nasaksihan mo na ang nangyayari sa loob ng gym. "

Pagdating at pagdating namin sa bukana nito ay kusa akong napatingin sa lahat ng parte ng gym. Punong-puno ang loob.

Nang idako ko ang paningin sa court ay agad napasadahan ng tingin ko si Getrude at Hector. Nakita ko pa kung paano sila tumingin sa pwesto ko upang mapahinto sila sa paglalaro.

Getrudes glares is very intense. At kay Hector naman ay may namumuo nang lungkot sa mga mata nya.

" Tutunganga nalang ba kayo dyan? Tuloy ang laro. " malakas na sambit ni Lucas upang patalbugin na naman ni Getrude ang bola.

" Alam mo ba kung ano ang cross over Hernandez? "

" Minamaliit mo ba ako Lopez? " nanggigil na sagot ni Hector upang mas malakas at mas mabilis na patalbugin ni Getrude ang bola.

Cross over?

Nakita ko nalang ang pagngiti ng nakaasar ni Getrude sabay tingin sa akin. I heard again the irregular beat of my heart.

" Ipapakita ko sayo ang tunay na killer cross over Hernandez. " sa pagkakasabing 'yon ni Getrude ay nakita ko nalang kung paano nya pinatalbog ang bola.  Kasabay nito ang mabilis na pagdribble at pag apak ng paa nya sa kaliwa tapos pakanan upang mawalan ng balanse si Hector at bumagsak. Napasinghap nalang ang lahat ng  makita ang pagdunk ni Lopez ng bola sa ring.

" Yon ang tunay na killer crossover Hernandez. Kung mabagal ka ay mapag iwanan ka talaga. " kusang kumabog ng puso ko ng sabihin ito ni Lopez. Nagtagpo ang mga mata namin at pakiramdam ko may pakahulugan sya nito habang maigi lang na nakatingin sa akin.

Inis namang tumayo si Hector at ngayon ay hawak hawak na nya ang bola at mabilis syang nagdribble patungo sa kabilang court. Maigi lang na dumepensa sa kanya si Getrude hanggang sa mabilis na namang pinatalbog ni Hector ang bola. Pumihit pa kaliwa tapos pakanan at nagderederetso sa ring sabay lay up. Nang na shoot ang bola ay agad ngumiti ng matagumpay si Hector. Ginawa nya ang ginawa sa kanya ni Getrude.

Rinig ko na naman ang hiyawan sa loob.

" Napag iwanan ba kita Lopez. " nakatawang sabi ni Hector. Walang kibo lang si Getrude na nakahawak na ngayon sa bola. At mula sa kinatatayuan ni Hector ay mabilis na tumakbo si Getrude sa kabilang court. Nakita ko nalang ang paghinto nya sa three point area. Pinatalbog talbog muna nito ang bola sa harap ni Hector na parang pinaglalaruan nya ito.

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon