Chapter 31 - Tagong Relasyon

475 15 0
                                        

Habang papasok sa university ay agad kong binitawan ang kamay ni Getrude na mahigpit lang na nakahawak sa kamay.

Sa tuwing naalala ko ang sinabi nya sa akin kahapon ay parang nawawala ako sa sarili. Parang nasa isa akong magandang panaginip. Panaginip kung saan hinihiling ko na sana hindi na ako magigising uli. Ikanga nila dreams is way happier than reality. At lalo itong masaya lalo pa kung sya ang kasama ko.

" Bakit humiwalay ka sa pagkakahawak ko Yuzon? " taka nyang tanong sa akin upang umiling ako.

" Nandito na tayo sa exit ng university. " sagot upang tumigil sya at agad humarap sa akin.

Nagdududa pa syang tumingin sa akin.

" B-akit? " usisa ko ngunit naramdaman ko nalang ang pagkuha nya sa dalawang kamay ko.

" Maiintindihan ko naman kung ayaw mong makita tayo ng mga nakakilala sa'yo Jiela. " sambit nya upang may mumunting kirot sa puso ko.

Totoo. Totoong ayaw kong makita kami ng mga nakakilala sa amin. Ayaw ko munang makarating ito kay Mommy since may malaki pa syang problema kay Kuya. Nung nagkarelasyon kami ni Hector patagong relasyon din ang meron kami.

Pero ibang iba naman ang sitwasyon namin ni Getrude.

Hindi man nya sinabing mahal nya ako at hindi ko rin sinabi sa kanya na mahal ko sya. Pero sa kaloob looban ko gustong gusto kong isigaw kung gaano ko sya kamahal.

" Sa kaarawan ko Lopez. Sa araw na 'yon ipakilala na kita sa kanila. " saad ko upang ngumiti sya ng malapad. ' Yong ngiting once in a lifetime ko lang nakita sa kanya.

My heart pounding hardly inside my chest.

Ang saya na dulot nya sa akin ay walang katulad. Feeling ko tuloy nasa fairytale ako dahil sa kanya.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap nya sa akin ng mahigpit kasabay ng paghalik sa noo ko.

Agad kong naipasad ang paningin sa paligid. Lahat ng dumadaan sa pwesto namin ay nakaw tingin na tumingin sa amin. Kaya pakiramdam ko namumula ang aking pisngi sa hiya.

This is the first time that there is someone who kissed and hugged me in public. At dito pa talaga sa sariling university namin.

And Im too proud about this. Akala ko bawal ito at hindi ko ito magagawa. Pero heto ako ngayon parang nakalutang sa alapaap dahil sa saya. Lalo pa at si Getrude ang gumawa nito sa akin.

A wide smile plastered all over my face this time. The happiness that he brings in my life is priceless.

¤¤¤¤¤¤

Pagkatapos nang eksena naming 'yon ni Getrude ay agad na kaming pumasok sa sarili naming silid aralan. Pansin ko pa ang pagsunod nya sa akin hanggang sa building ko bago nya ako tuluyang iwan. Kahit ganung galawan lang ni Getrude ay kinikilig na ako. Ni hindi 'yon ginawa sa akin ni Hector

Tama nga si Getrude noon, I deserve better than Hector and that better is him.

Nang papasok na ako sa room ay napako nalang ako sa kinatatayuan ng makita si Hector sa tapat nito.

His eyes looked at me intensely.

" Jiel. " paunang salita nya upang lumunok ako.

" Anong sadya mo? " malamig kong tanong. I don't care his matter now. Tinapos ko na ang lahat sa amin.

" Please Jiel. Just five minutes. " sabi nya upang taasan ko sya ng kilay sabay baling sa relos.

" Okay. Five minutes. " sagot ko sabay talikod at pinasunod sya.

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon