Chapter 11

497 11 1
                                    

Nagising nalang ako sa dahil sa init ng araw na dumampi sa balat ko. Nakaramdam din ako ng kaunting pagkahilo.

Nang pasadahan ko ang paligid ay napatayo lahat ng balahibo sa katawan ko. Dinaig ko pa ng mga balahibo ng pusa sa pagtayo ng lahat ng balahibo sa likod ko. Putsa!

Anong ginagawa ko dito?

Kaya agad akong lumabas at laking gulat ko nalang ng makita si Getrude na pawisan habang nakasuot ng jogging pants at t-shirt.

Nang magtagpo ang paningin namin ay agad akong napalunok.

Nabatid ko naman ang bagot nyang tingin sa akin.

Nang humigpit ang pagkakahawak ko sa damit ay para akong dinaluyan ng sangkaterbang langgam sa katawan.

"Nasaan ang damit ko? Shit. Sinong nagpalit sa akin ng damit? " inis ko pang tanong sa kaharap upang wala sa sarili syang umiwas ng tingin sa akin.

What the!

" Pinalitan kita. Alangan namang hayaan kitang matulog na mabaho ang damit mo. Nagsuka ka, kaya napilitan ako. " paliwanag pa nya upang agad ko syang lapitan at paghahampasin.

Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko dahil sa hiya.

Napilitan sya? Bakit pinilit ko ba sya?

" Fuckinhell! Ibig sabihin nakita mo ang buong katawan ko. Langya ka panagutan mo ang pagkababae ko! Wala pang nakakita sa katawan ko maliban sayo! Panagutan mo ako. " hysterical kong sigaw habang pinaghahampas sya.

Samantalang panay naman ang iwas nya sa akin hanggang sa naramdaman ko nalang ang mga kamay nya na humahawak sa braso ko.

Para na akong baliw dahil sa sabog kong buhok kaya bigla nalang akong nailang ng inilapit nya ang mukha sa akin.

" P-aano mo ba gustong panagutan kita Jiela Yuzon? Hindi pa ako nakapagtapos sa pag aaral at wala akong pera para pakasalan ka. Tsaka may boyfriend ka, gusto mo ba talagang panagutan ko ang pagpapalit sayo ng damit? " seryosong nyang tanong upang mapalunok uli ako.

Oo nga naman!! Sobrang fail mo talaga Jiela Cyra Yuzon. Hell Jiela pinalitan ka lang! Hindi ka ginahasa!

Kaya ako naman ang umiwas ng tingin sa kanya at idinako ito sa sahig.

" H-anggang saan ba ang nakita mo? " nauutal ko pang tanong habang tinatago ang pamumula ng mukha

Sana lang hindi nya mahalata.

Nabatid ko nalang pagbitaw nya sa akin at sabay talikod. Atsaka nagtimpla ng kape habang nanatili lang akong nakatayo.

Paano ba i aabsorb ng utak ko ang mga nangyayari?

" Nakita kitang umiiyak sa kotse kaya agad kong binuksan iyun at pinalabas ka. Lasinggera ka ba talaga? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado yan? Paano kung madisgrasya ka sa pagmamaneho? Paano kung iba ang nakakakita sayo? Paano kung may masamang tao na may balak na hindi maganda sayo? Tsskk hindi ka talaga nag iisip. " pagmamaktol nya upang  mabigat ko na ibinagsak ang sarili sa sofa.

Sobrang linis ng apartment nya.

" Oh! Inumin mo yan! "

Nang tingnan ko ang dala nya ay walang pagdadalawang isip ko itong kinuha.

" Salamat. "

" Tsskk. "

" Bakit ba ang sungit mo! Kay aga aga pa!" inis kong tanong sa kanya.

" Gawain ba yan ng matinong babae? Ang maglakwatsa at maglasing? " tanong nya uli upang uminom ako ng kape.

Grabe isyu talaga sa kanya yan?

" Bakit ka ba naglasing Jiela?" tanong nya upang mapatingin ako sa kanya na parang si Kuya kung banggitin ang pangalan ko.

Naisip ko bigla ang sinabi nya. Naninikip ang puso ko sa tuwing naiisip ito. 'Yung problema sa pamilya ko at 'yong mga sinabi nya.

What we have is purely boss-servant relationship only. Hindi ba Ms. Yuzon?

I felt a hundred knives stabbing me at my heart. Its a pang of pain and an aches of truth. Did I treat him that way?

" Baka mabasag mo na yang baso ko. " sabi nya upang mapatingin ako dito.

Ramdam na ramdam ko ang paghigpit na paghawak ko dito. So, I looked his eyes intently trying to dig his deep thoughts.

Pero..

Pero wala. Wala syang emosyon. Tulad pa rin ito ng dati.

" G-alit ka pa ba sa akin? "

Nakita ko nalang ang pag iling nya.

" Hindi ako marunong magalit. Hindi ako nakaramdam ng ganun. Alam ko lang ang kaibahan ng mali at tama. "

Naramdaman  ko nalang ang pagtibok ng malakas ng puso ko upang mapakagat ako sa labi.

" Hindi mo na dapat sya pinayayakap sayo. Yun ang mali na nais kong iparating sayo." dagdag pa nya.

Para itong isang sampal sa akin. Tama, pinayayakap ko ang taong nanakit sa akin at binibigyan ko uli sila ng dahilan upang saktan ako. But I need to stick with my plan hanggang sa makakaya ko.

" I'm sorry...Pero wag mo rin sanang isipin na alipin lang ang turing ko sayo. Importante ka sa akin Getrude. " sabi ko pa upang umupo sya sa tabi ko.

Pakiramdam ko ang sikip ng paligid namin. We are meters apart from each other pero ramdam na ramdam ko sya sa tabi ko.

" Wala akong pakialam kung importante ako sayo. Ang mahalaga wag mong hayaan ang iba na abusuhin ka. You deserve more. You deserve better. " Pag eenglish pa nya.

Kaya agad akong napatingin sa kabuuan ng mukha nya.

Minsan lang sya mag Ingles. Pero bawat bitaw nya sa linggwaheng ito lagi itong tagos sa puso ko.

_____

Habang papalapit ako gym ng unibersidad ay batid na batid ko ang ingay na nagmumula sa loob kaya kumunot ang noo ko.

Nasa likurang bahagi ang daraanan patungo sa locker room kaya hindi ko nakikita ang nangyayari sa loob.

Nang silipin ko ang court ay agad nanlaki ang mata ko sa nakita.

Go NUMBER 23!!

GO GETRUDE!

GETRUDE MY LOVE!

Mas lalong sumingkit ang singkit kong mga mata at agad tumaas ang isa kong kilay.

Ilang linggo pa lang sya pero kung dumugin na ng mga babae ay para nang celebrity!

Kaya agad kong ipinarada ang paningin sa mga kasamaan nya. Kitang kita ko pa ang masamang tingin ni Hector kay Getrude upang mapingiti ako. Kahit moreno si Getrude at malaki ang kaibahan nila ng kulay sobrang gwapo at karisma naman ni Getrude. Mas magaling din sya at mas hot!

Nananatili lang ako sa pwesto kong yun hanggang sa nakita ko ang tatlong babae na lumapit kay Getrude ng nag half time na sa pagpapraktis.

Kitang kita ko pa ang pagpunas ng babae kay Getrude ng tuwalya habang pinagnanasahan ang katawan nito. Ang isa naman ay nagbigay ng tubig. Samantalang ang isa panay pa cute na kulang na lang hubaran si Getrude sa harap.

Sarap ibaon ng mga kuko ko sa magagaspang nilang balat!!

Kaya wala akong pagdadalawang isip na magtungo sa pwesto ng mga player.

I really hate this...

Hindi ko sya dinala dito para lang landiin. Nandito sya para maglaro!

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon