IANA POV
– Hangang sa pag uwi ko sa bahay dala ko padin ang inis dahil sa nangyari kanina, bakit kasi nagkita ulit kami! ang nakakabwisit pa same University and same department pa kami! Kung Hindi lang talaga siya mayabang hay.... Hanggang ngayon di padin maalis ang mukha nya sa isip ko infairness kasi ang gwapo niya talaga. Nakahiga na ako sa kama ng maisip ko si AARON, simpleng lalaki lang kasi siya kahit hindi ganon ka gwapo kay NIKKO.
Namimiss ko si AARON umiiyak na sabi ni IANA. Bakit nagawa niya pa kasi akong ipagpalit sa malanding ARA na iyon. Naalala ko noong araw na hinahanap ko siya sa room at yayayain ko sana siyang mag meryenda ng makita kong naghahalikan sila ni ARA. Ang sakit sakit sa akin ng nangyaring iyon. First love at first boyfriend ko siya tapos ganun ang ginawa niya sa akin. Simula noon hindi na ako nagpakita sakanya.
Ang totoo wala kaming formal na breakup nagulat nalang siya ng tinext ko siya na nakikipag break na ako sakanya. Hindi ko na kasi sinabi sakanya ang dahilan na nakita ko silang naghahalikan sila ni ARA. Nag palit ako ng number kaya hindi ko na siya nakausap pa.
Iniisip niya pa kaya ako hanggang ngayon? Kung sakali kayang hindi ako lumipat ng school at nag bulag bulagan na lang sana ako sa nang yari siguro kami pa until now.
Pero tama na rin siguro ang ginawa ko, hindi talaga siguro siya ang nakatadhana para sakin. Pero para sa akin siya na ang huli kong mamahalin. Ayaw ko ng masaktan pa ulit. Mahal na mahal ko parin si AARON.
Nakatulong ako ng may luha sa mga mata di ko na din kasi namalayan na 12am napala.
Kinabukasan sabado nman kaya hindi ako gumising ng maaga. Si mama naman kinatok na ako sa kwarto at magtatanghalian na daw.
Ayaw ko pa sanang lumabas ng kwarto dahil medyo mugto pa ang mata ko. Baka itanong ni mama kung anu iniyakan ko. Hindi naman kasi alam ni mama at papa na nagka first boyfriend na ako at niloko ako nito.
Pagkatapos naming magtanghalian nag paalam ako kay mama na manunuod ako ng sine total naman walang pasok . Pumayag naman siya pero si papa sabi hangang 5pm lang daw dapat ako.
Napaka strikto talaga ni papa. Payakap na sabi ko sakanya.
IANA hindi nman ako strikto mahal na mahal ka lang naming ng mama mo dahil ikaw lang nagpapaligaya sa amin.
Naku pa nag drama ka nanaman. Papa naman sine lang nman ang pupuntahan ko at promise 5pm nandito na ako.
Humalik ako kay mama at papa at nagpunta na sa taas para maligo at magayos na.
1:30pm na ng nakarating ako sa mall, maraming tao dahil sabado walang pasok. Pumipila na ako para bumili ng ticket sa sine ng bigla kong nakita si NIKKO may kasamang tisay na babae halatang sosyal na maarte.
Kung mas mayaman lang ako sakanya di hamak na mas maganda at sosyal ako sakanya pa snob na sabi ni IANA.
Buti nalang at hindi ako napansin ni NIKKO papasok din sila sa sinehan at same movie pa talaga kainis.
Naka pasok na ako sa loob ng sinehan at nakita ko si Nikko nakaakbay na sa kasamang babae. Siguro gf nya yon. Swerte naman niya. Parang biglang may kirot sa puso ko pagsabi noon.. napaisip tuloy ako, ano kaba IANA bakit parang naiinis kang nakikitang may kasama siyang iba. Di mo siya bf para magselos ka dun. Hinayaan ko na si NiKKO at hindi na ako tumingin pa sa direksyon nila. Naiinis lang kasi ako. Hay ewan ko ba kung bakit. Siguro selos pero bakit ako magseselos! Hello! Hindi ko siya Crush no!
Sa kalagitnaan na ng palabas naramdaman ko na naiihi na ako kaya nag mamadali akong pumunta sa CR. Pag labas ko ng rest room hindi ko napansin na may nakabangga sa akin at napa upo ako sa sahig, madilim kasi kaya hindi ko agad nakita ang mukha ng lalaking nakabanga sa akin inabot niya sakin ang kamay niya para tulungan akong tumayo.
Napasigaw ako ng nakita kong si NIKKO pala. Sinadya niya kayang banggain ako at para makaganti sa nangyari noon sa mall.
Sorry miss di ko sinasadya, nagulat din siya ng mapansin na ako pala ang nabangga niya. Im so sorry. Wag mo isipin na sinadya ko iyon para makaganti sayo miss. So kilala niya pa pala ako nakangiting sabi ng isip ko.
If I know sinadya mo naman talaga iyon , pagalit na sabi ko.
Hindi talaga miss im so sorry talaga hindi ko sinasadya.
Ok lang atleast ngayon patas na tayo natatawang sabi ko sakanya.
By the way hindi Miss ang pangalan ko im IANA.
Nice meeting you IANA im NIKKO.
Yeah! I Remember your name sinabi mo iyon noong nagkita tayo sa canteen. Sorry pala ulit kung sinabi kong hindi ako iyong naka tapon sayo ng juice ha. Nahiya lang kasi ako.
Ako nga dapat mag sorry IANA napahiya kita. Nakangiting sagot nya sakin.
Wala na saakin iyon. Nakangiting sagot ko.
Pumasok kana Ulit sa loob baka hinahanap kana ng Girlfriend mo. Walang ganang sabi ko sakanya.
Ah nakita muna pala ako kanina pa? siguro talagang sinusundan mo ako no? pabirong tanong ni NIKKO.
Yabang mo talaga nagkataon lang na nakita kita kaninang papasok ka sa sinehan.
Sige mauna na ako baka magalit din ang boyfriend mo baka may date kayo pang aasar na sabi ni NIKKO.
Boyfriend? Paulit ko sa tanong niya.
Oo boyfriend mo. Sa ganda mong iyan for sure may boyfriend kana.
Wala akong ka date ok. At lalong wala akong boyfriend at mas lalong wala na akong balak na magka boyfriend kasi man loloko lang naman kayong mga lalaki eh. Pagalit na sabi ni IANA.
Ang Bitter mo nman IANA hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko sige mauna na nga ko..
Sorry nabigla lang kasi ako wag mo na seryosohin yon nahihiyang sabi ni IANA.
Anu bang mga pinagsasabi mo IANA anu naman ang pakialam niya kung wala kang boyfriend at wala ng balak pang mag boyfriend nakakahiya ka talaga. Sabi ng isip ni IANA.
Natapos na ang movie at hindi ko na napansin pa ulit si NIKKO. Siguro nag date na sila ng girlfriend nya. At wala akong pakialam doon tse! Nagmamaktol na bulong ni IANA. Nag libot libot nlang ako sa mall total may 1 hour pa ako para mag pasyal pasyal. Susulitin ko na ito. Dahil bukas for sure daming assignment na gagawin 4:45pm na nang magpasya na akong umuwi sa bahay. At sakto naming 5pm nasa bahay nako. Malapit lang naman kasi ang mall sa bahay namin.
Oh anak nandiyan kana pala tanong ni mama sa akin.
Pa pilosopo ko naman siyang sinagot.
Si mama talaga nakita na ngang nandito na ako itatanong pa. ako lang naman ang nag iisa niyong magandang anak. Malamang ako poi to. Tumatawang sagot ni IANA.
Inaasar mo nanaman yata ang mama mo anak? Papasok na tanong ni papa.
Natatawang humalik ako kay papa at kay mama.
Ito nga po pala pasalubong ko sainyo burger at fries! Sabay patong sa lamesa ang dala niyang pagkain.
Mag bibihis lang po ako sandali mama . Kainin niyo nalang po muna ni papa ang dala kong pasalubong habang mainit pa.
Thank you anak pasigaw na sabi ng mama habang paakyat ako.
Narinig ko pa ang sinabi ni papa na napaka bait at sweet talaga ng baby IANA natin.
Sumigaw ulit ako. Papa hindi napo ako baby mag dadalaga na po ako!
Basta para sa amin ikaw lang ang nag iisa naming baby. Sige na bihis na at mag pahinga kana jan anak pasigaw na sabi ni papa. Para marinig ko ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...