IANA
-Kinabukasan maaga akong gumising dahil may long quiz kami sa mga subjects namin.
Bumaba ako at nagsangkap ng gatas.
Oh anak 4am palang, ang aga mo yatang gumising? Nagaalalang tanung ni papa.
Opo papa mag rereview po kasi ako. Marami po kasi kaming iquiz ngayong araw. Nakangiting sabi ni IANA sa papa nya.
ah ganun ba anak. Sige sabihan ko na din ang mama LOLITA mo na magluto na ng almusal para makapag almusal ka at makapag review ng maayos. Super proud talaga ako sayo baby ko, napaka sipag mong mag-aral. Ipag patuloy mo lang yan anak at lahat ng pangarap mo sigurado ako makakamit mo. Masayang sabi ni papa.
Si papa talaga, di na po ako baby. Magdadalaga na nga po ako eh. Thank you po at proud po kayo sakin ni mama. Para po talaga sainyo lahat ng ginagawa ko. Kahit sa pag-aaral ko lang po masuklian ko ang mga paghihirap nyo ni mama sa akin. Payakap na sabi ni IANA sa papa nya.
Salamat talaga sayo anak. Niyakap din ako ni papa.
Oh gising kana pala anak. Nakangiting sabi ni mama. Anu nanaman ang drama nyong magpapa at nagyayakapan kayo.tumatawa pang sabi ni mama.
Sinasabi ko lang sa anak natin na napaka swerte natin sakanya dahil lumaki siyang mabait at matalinong bata.
Syempre, matalino yata ang mama nya. Pangaasar ni mama.
Nagtawanan kaming dalawa ni papa.
Ang mama mo talaga binuhat nanaman ang sariling bangko. Tumatawang sabi ni papa.
Mama, papa akyat po muna ako at magrereview.
Sige anak at mag luluto nadin ako ng almusal natin. Masayang sabi ni mama.
5am ng katukin ako ni mama sa kwarto ko.
Anak luto na ang almusal natin. Sabay sabay na muna tayong kumain para may laman ang tyan mo at makapag review ka ng maayos, at maaga din ang trabaho ng papa mo ngayon.
Sige po mama susunod na po ako. Salamat po. Sagot ni IANA.
6am ang pasok ng papa kaya sinabi ko sakanya na sasabay na lang din ako sakanya para makatipid na din ako ng pamasahe at maaga akong makapasok.
1 week later...
Iana wag ka magtatakip ng test papers mo ha, para makakopya naman kami ni cindy at makakuha din kami ng mataas na score. Tumatawang sabi ni JACKY.
Hindi naman talaga ako nagtatakip ng test paper ah. Kahit nga quiz ko pinapakopya ko hahaha. Tumatawang sabi ni IANA.
Sure yan bff ha pakokopyahin mo kami ha. Pwede bang favor na din? Nakangiting sabi ni CINDY.
Anu yun? Nakangiting tanung ni IANA.
Pwede bang lakihan mo na din ang pagsulat ng letters ng sagot mo alam mo namang malabo ang mata ko hehehe at para malinaw na din at sigurado ang isasagot namin ni JACKY. Tumatawang pagbibiro ni CINDY.
Sira ka talaga CINDY akala ko naman seryoso ang favor mo. Liliitan ko pa lalo sulat ko para naman may trill ang pagkopya nyo ni JACKY. Pangaasar na sagot ni IANA.
Dibali IANA malinaw naman mata ko kaya kahit na liitan mo pa yan makikita ko padin hehehe, hindi tulad ni CINDY kahit na naka eye glasses na nahihirapan pading makakopya hehehe. Pangaasar na sagot ni JACKY.
Ang laki kaya ng mata mo JACKY kaya kahit liitan tlaga ni IANA sulat nya clear na clear pa din sa mata mo hahaha. Kaya nga kahit nasa malayo tinitignan mo parang ang lapit lang. Tumatawang pang aasar din ni CINDY.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...