Nasa apartment na si IANA pero nakatulala pa din siya. Mag-isa lang siya sa apartment niya ngayon dahil umuwi ng pampanga si JACKY. At kahit papaano ay nagpapasalamat siya na mag-isa lang siya para makapag isip siya ng maayos.
Biglang napahinto si IANA sa naisip. Bakit sa dami ng lugar na pag proproposan ni AARON bakit doon pa sa Hotel ni NIKKO. Sinadya ba ni AARON na gawin iyon? Alam ba ni AARON na nandoon si NIKKO habang nag proropose siya sa akin? Ayaw kong pag-isipan ng masama si AARON pero bakit ganito ang naiisip ko. Mabait si AARON at alam kong hindi niya kayang gumawa ng kalokohan. Iba si AARON sa mga ibang lalaki.
Tumigil kana nga sa kapraningan mo IANA pasigaw na sabi niya sa sarili.
Hindi naman siguro sinadya ni AARON na makita ni NIKKO na nagpropropose siya. At isipin mo IANA, nakaganti kana kay NIKKO. Ikakasal kana at nakita mo reaksiyon ng mukha ni NIKKO gulat na gulat siya. Tama lang na ipakita mo sakanya na masaya ka ngayon kahit pa pinagtripan ka lang niya dati.
Napatingin ako sa singsing ko. Napaka ganda pala ng singsing ko at ngayon ko lang narealize iyon. Konteng panahon na lang at ikakasal na ako, pero bakit parang hindi ako masyadong excited. Hay IANA dapat kang maging masaya ok. Mahal na mahal ka ni AARON at napaka swerte muna sakanya.
Naligo na lang ako para mabawasan ang pagiisip ko.
AARON
Hindi ko alam kong anung mararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil tinanggap ni IANA ang alok kong kasal sakanya pero tama ba ang mga ginawa kong plano? Tama bang sa Hotel ni NIKKO ako nagpropose? Alam kung nandoon siya sa restaurant that time dahil nakita ko siyang paparating bago pa ako lumuhod sa harap ni IANA. Natatakot ako baka maagaw pa niya sa akin si IANA pero nakokonsensiya ako sa mga ginawa ko kay IANA. Natakot lang naman kasi ako na baka totoo ang sinabi ng girlfriend ni NIKKO na baka maagaw pa sa akin ni NIKKO si IANA kaya kahit di pa ako ready inalok kuna ng kasal si IANA. Hindi ko kasi makakayanan pag nawala pa ulit sa akin si IANA. Sobrang mahal na mahal ko si IANA.
Siguro naman pag nalaman ni IANA ang ginawa ko maiintindihan niya ako. Umaasang sabi ni AARON sa sarili.
Pero naguguluhan ako, parang pakiramdam ko kasi hindi masaya si IANA ng inalok ko siya ng kasal. Parang napipilitan lang siyang mag yes sa akin kanina dahil ba kaya kay NIKKO kaya hindi siya nakasagot kaagad. Nakita ba niya si NIKKO kanina? Mahal pa kaya ni IANA si NIKKO? Naguguluhang tanung ni AARON sa sarili.
Basta hindi ako papayag na agawin ni NIKKO si IANA sa akin. Muntik niya ng maagaw sa akin si IANA dati pero ngayon hindi na ako papayag. Kahit anung mangyari sa akin lang si IANA at walang sinu mang makakapaglayo sa amin. Oo nababaliw na yata ako sa pagmamahal ko kay IANA pero wala akong pakialam.
NIKKO
Napagisipan ni NIKKO na ipapahanap niya kung saan nakatira o saan nagtratrabaho ni IANA. Dapat ko siyang makausap, dapat kung maipaliwanag sakanya ang lahat. Dapat niyang malaman na hindi totoong niloko ko siya at hindi totoong hindi ko siya mahal dahil buong buhay ko siya lang ang minahal ko at mamahalin ko pa ng habambuhay.
Pero paano kung hindi siya maniwala? Paano kung hindi niya naman pala ako mahal at si AARON talaga ang mahal niya.
Basta ang importante masabi ko lang sakanya na hindi ako masamang tao na katulad ng iniisip niya. Tatanggapin ko kung hindi man ako ang piliin niya at kung si AARON ang mahal niya talaga tatanggapin ko kasi ganoon ko siya kamahal. Handa ako masaktan basta makita ko lang siyang masaya. kahit pa sabihin na ibang tao ang makakapagpasaya sakanya, tatanggapin ko iyon ng buong puso ko. Basta ang alam ko sa ngayon ay Mahal na mahal ko siya.
Kung talagang para sa akin si IANA hahayaan ko ng ang diyos ang gumawa ng paraan para paglapitin kami. Kung talagang naka destiny siya para sa akin hihintayin ko siya kahit gaano pa man katagal iyon. Ayaw ko ng sirain pa sa ngayon ang masayang buhay ni IANA.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...