Part 7

10 4 0
                                    




       

2 week na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang pagtatalo ni AARON at NIKKO, 2 week ko na ding iniiwasan si NIKKO, sa tuwing magtatangka siyang lapitan ako , ako na mismo ang umiiwas. Napaka yabang kasi ng NIKKO na yon, pati ba naman si AARON gusto niya pang saktan. Hindi na man sinadya ni AARON na banggain siya. Nabwibwisit ako sa tuwing nakikita ko siya di pa din kasi siya nagbabago at mas lalo pa yata siyang yumabang ngayon compare dati.

1 week na lang at midterm na namin pero until now di pa din ako makapag focus sa studies ko. Kailangan kung magaral ng mabuti ayaw kong bumaba ang grades ko ng dahil lang sa walang kwentang NIKKO na yon.

IANA, anu na gagawa ba tayo ng thesis after class? Tanung ni JACKY sa akin.

OO kailangan natin. 1 week na lang at kailangan pa nating tapusin ang thesis. Sagot ko naman.

Ok sige text ko na lang iba nating mga ka group at magpapaalam din ako sa parents ko.

Ok JACKY, mabuti pa nga at itext muna lang mga ka group natin at remind mo sila na dapat walang mag aabsent ngayong week. Kailangan nating mag overtime sa thesis natin.

Matapos ang maghapon kung pag aaral at pag-gawa ng resulta sa thesis namin,umuwi na ako ng maaga dahil sumusumpong nanaman ang hilo ko, napagod kasi nanaman ako buong mag hapon.

Kinabukasan nag pasya akong half day lang akong papasok, nag papasama kasi si mama sa akin. Mamimili na daw kasi kami pakonte konte para sa debut ko. Oo nga pala 3 months na lang at 18 na ako. Masyadong excited ang mama. Minsan lang daw akong mag debut kaya dapat daw paghandaang mabuti.  Mag 11:30AM na ng Nakauwi kami galing sa mall, si mama kasi nag enjoy mamili ng mga pang give aways ko.

1 pm na ng napakasok ako sa school, nagpaalam ako kay mama na baka 5pm na akong makakauwi dahil kailangan na namin tapusin ang thesis namin at ang dami ko pa ding kailangan na tapusin na mga projects.

Nagmeryenda ako pagkatapos ng dalawang class ko. Hindi ko nakasabay si JACKY at CINDY na mag meryenda dahil may mga projects din silang inaasikaso.

Sa di kalayuan nakita ko si NIKKO, ilang araw ko din siyang pilit na iniiwasan. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin pero wala na din akong iniisip na sakit sa ulo pero nagdadalwang isip ako. Narinig ko rin na tinawag siya ng kapatid nya.

Kuya NIKKO tara na uwi na tayo, yaya ni KEVIN sa kuya.

Sige kevin mauna kana may klase pa ako mamayang 3pm, nagpapahangin lang ako dito. Sagot ni NIKKO sa kapatid.

Ok sige kuya mauna nalang ako sayo, pagpapaalam ni KEVIN sa kuya.

Mag iingat kana lang bro di na kita mahahatid kaya mag trike ka na lang.

No problem bro pahabol na sabi ni KEVIN sa kuya.

Nakita ni NIKKO si IANA na nag memeryenda sa canteen.

Gustong gusto ko siyang lapitan at humingi ng tawad sa mga nangyari last week pero alam ko namang iiwasan lang nanaman niya ako. Gusto ko na din aminin sakanya ang totoong nararamdaman ko tutal hindi niya naman pala boyfriend ang AARON na yon. 

Binabalak ko din na ligawan siya kaya lang sumusumpong ang pagiging torpe ko, natatakot ako baka busted lang ang abutin ko. Ah! Basta bahala na pagmalakas na ang loob kung humingi ng sorry sakanya sasabihin ko na din na mahal ko siya at gusto ko siyang ligawan.

IANA  POV

Nakita kong tinitignan ako ni NIKKO kaya nagkunwari nalang akong hindi ko siya nakikita kahit na ang totoo ay kanina ko pa siya tinititigan. Bakit kasi pakipot pa ako noong nakaraang mga araw, ngayon tuloy parang ayaw niya na akong lapitan, nalulungkot na sabi ni IANA sa sarili.

Sa wakas at natapos na namin ang thesis namin sa filipino. Tatlong projects sa school na lang ang proproblemahin ko.

Palabas na ako ng school ng nakita kong hinihintay pala ako ni papa sa labas.

Papa, nandito po pala kayo? Masayang tanung ko habang niyayakap at hinalikan ko sa pisngi ang papa nyang si RENATO.

Oo anak sabi kasi ng mama mo na baka 5pm kana makakauwi, sakto din na pauwi na akong galing sga trabaho. Kaya dinaanan na kita para sabay na tayo umuwi, pagpapaliwanag ni papa.

Ang sweet talaga ng papa. Kaya po love na love ko kayo eh, Naglalambing na sabi ni IANA.

Tara na anak sakay na. Hinihintay na tayo ng mama mo nyan. Nakangiting sabi ni RENATO.

Sa di kalayuan ay nakatingin si NIKKO habang pasakay si IANA sa kotse. Siguro papa ni IANA iyon? Tanung ni NIKKO sa sarili.

Napaka bait sigurong anak ni IANA, kitang kita naman sa kilos at mukha niya. Lalapitan ko sana siya kaya lang nakita kong may lumapit sakanya, kung papa nga nya yon, baka magalit pa si IANA lalo sa akin. Dibale may next time pa naman. Sa susunod di ko na talaga palalampasin ang pagkakataon, determinadong sabi ni NIKKO sa sarili.

Baby Please Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon