Part 44

5 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo ay di pa din siya tinitext ni NIKKO. Biglang nakaramdam ng lungkot si IANA.

Bakit naman niya ako itetext for sure busy ang lalaking iyon sa girlfriend niya sa london. Wala naman siyag sinabi sakin na wala siyang girlfriend. Kumirot ang puso niya sa naisip.

Nagulat siya ng biglang pumasok si AMANDA sa office niya.

O bakit parang ang lungkot mo anak? Nag-aalalang tanung ni AMANDA.

Wala po mommy, may naalala lang po ako. May kailangan po kayo? Tanung ni IANA kay AMANDA.

Kung ako wala ako kailangan sayo, pero may lalaki sa labas na may dalang bulaklak at NIKKO daw ang pangalan. Nakangiting sabi ni AMANDA.

Si NIKKO po? Masayang tanung ni IANA.

Napansin si AMANDA ang kakaibang saya sa mata ni IANA. nilapitan nya ito at niyakap.

Do you love him anak?

Di ko po alam mommy. Natatakot po ako. Malungkot na sabi ni IANA.

Nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo siya, wag kang matakot anak. Wag kang matakot na magmahal ulit. Puntahan muna siya at baka pagsisihan mo pag nawala siya sayo, sige ka ikaw din. Wag mo isipin si AARON alam ko masaya din siya para sayo.

Salamat po mommy, niyakap niya si AMANDA ng mahigpit.

Pagkalabas ni IANA sa office ay dumiretso siya agad sa restaurant. Nakita niya si NIKKO na may hawak na bulaklak habang naghihintay sakanya sa upuan.

Hi. Nakangiting bati nya kay NIKKO. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

Hi miss beautiful, nakangiti ding bati ni NIKKO kay IANA.

Naku, nambola kapa NIKKO. Umupo siya sa kaharap nitong upuan.

Inabot sakanya ni NIKKO ang mga bulaklak na dala nito.

Thank you NIKKO. Nag-abala ka pang magbigay saakin nito eh di ko pa naman birthday. Pabirong sabi ni IANA pero sa totoo lang ay kilig na kilig siya.

Ayaw mo ba? Malungkot na tanung ni NIKKO.

Anung ayaw ko? May narinig ka bang sinabi kong ayaw ko? Tumatawang tanung ni IANA.

Wala naman. Nakangiting sabi ni NIKKO.

Bakit ka nga ba nagbigay ng bulaklak sakin? Nahihiyang tanung ni IANA.

Gusto ko lang bigyan ka IANA...gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo kung gaano ka kaimportante sakin at kung gaano kita namiss. Gustong gusto ko na ngang umuwi last week pa pero marami kasi akong inasikaso, matatagalan kasi bago ako bumalik ulit sa london. Naiwan ko kasi dito iyong puso ko kaya binalikan ko agad. Seryosong sabi ni NIKKO.

Natawa at kinilig si IANA. di alam kong anung sasabihin.

Seryoso pa din ang mukha ni NIKKO.

IANA, hayaan mong iparamdam ko sayo na importante ka sa akin, hayaan mo ding iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal, gusto kong makabawi sayo sa mga kasalanan ko noon. Di mo man ako mahalin agad, ayos lang sa akin. Alam kong di ko mapapalitan si AARON diyan sa puso mo pero sana bigyan mo lang ako ng kahit konteng space diyan sa puso mo. Pangako IANA hinding hindi kita lolokohin. Mahal na mahal kita IANA, di ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito. Hinawakan ni NIKKO ang kamay ni IANA.

Will you be my girlfriend IANA?

Tumulo ang luhang pinipigilan ni IANA. alam niya sa sarili niyang mahal niya din si NIKKO.

Tumayo si NIKKO at niyakap siya. Pssst. Please dont cry IANA, ayaw kong nakikitang umiiyak ka, ok lang kung di kapa ready. Maghihintay ako kahit gaano katagal.

Kahit ilang taon? Tumatawang tanung ni IANA.

Kahit ilang taon pa yan IANA at hihintayin kita, nagawa ko ngang hintayin ka ng matagal na panahon, ngayon pa ba ako susuko? Tumatawa na ding sabi ni NIKKO.

Di muna kailangan na maghintay pa ng matagal ulit NIKKO.

What do you mean? Sinasagot muna ako? Masayang tanong ni NIKKO.

Opo. Sinasagot na kita Mr. MONTEMAYOR. Masayang sabi ni IANA.

Niyakap siya ng mahigpit ni NIKKO at saka siya siniil ng halik. Ginantihan niya ang halik nito.

Hindi mo lang alam IANA kung gaano ako kasaya. Ang tagal kong hinitay ang araw na ito. Alam ko noon pa lang na magiging tayo, sinubukan lang tayo ng mapaglarong tadhana. Pinatatag lang tayo ng mahabang panahon. Niyakap ulit siya ni NIKKO.

I LOVE YOU SO MUCH IANA.

I LOVE YOU TOO NIKKO.

Narinig nilang nagpalakpakan ang mga tao.

Nakita din niya si MOMMY AMANDA at DADDY JOHN nya na nakangiti at masaya para sakanya.

Niyakap ulit ni IANA si NIKKO ng mahigpit.

Baby Please Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon