Kinabukasan masakit ang ulo ko dahil magdamag akong gising dahil di ako makafocus sa pag rereview ko. Buti na lang may dahilan ako kay mama ng malaman nyang hindi ako nakatulog. Nagsinungaling ako sakanya, sinabi ko kasi sakanyang nagreview ako dahil medyo mahirap ang mga subject na i exam namin today.
Pagdating na pagdating ko sa school ay sinalubong na agad ako ni JACKY. Tinawagan ko kasi siya kagabi at sakanya ko binuhos ang lahat ng iyak ko. Alam ko kasing siya lang ang mapagkakatiwalaan ko. May pagka madaldal kasi si CINDY kaya di ko na sinabi sakanya.
Niyakap ako ni JACKY. Ok kana ba ngayon bff? Concern na tanung ni JACKY.
Pag sinabi ko bang okey na ko JACKY maniniwala ka ba? Malungkot na sagot ko sakanya.
Im sorry IANA. Dapat di ko na tinanung yun eh, alam ko naman na di ka okey. Pagpapaumanhin ni JACKY.
Ok lang JACKY. Wag na lang muna nating pag-usapan yun, pwede ba? Ayaw ko kasing sirain ang araw ko ngayon. Malungkot na pakiusap ni IANA.
Sige IANA mabuti pa nga. Kapal kasi ng mukha ng na walanghiyang lalaki na iyon. Bakit sa dami dami ng babae ikaw pa ang nagawa niyang pagtripan. Naiinis din na sabi ni JACKY.
JACKY, sabi ko diba ayaw ko na muna pag-usapan ang lalaki na iyon. Naiinis na sabi ni IANA.
Im sorry IANA. Naiinis kasi talaga ako. Pagpapaumanhin ni JACKY.
Tara na mag start na niyan ang exam natin. Pag-iiba ng usapan ni IANA.
Nagfocus na lang ako sa exam namin at kinalimutan muna pansamantala ang galit na nararamdaman ko. Inisip ko na lang na next semester di ko na din naman siya makikita dahil gragraduate na siya.
Natapos ang lahat ng exam namin at nagpasya muna kaming kumain sa MCDO. Kasama ko si CINDY at JACKY. Last day na din kasi namin ito at para treat nadin namin sa sarili namin dahil natapos nanaman ang isang semester.
Nag order kami ng fries at tig-iisang cheese burger at favorite naming MC float. Kahit sa ganitong simpleng pagkain ay sumasaya na kaming magkakaibigan.
Pagkatapos naming magkwentohan at kumain masaya kaming nagpaalamanan. 2 weeks na bakasyon at napag-usapan namin na sabay-sabay kaming magpapaenroll sa next semester namin. 1st week ng november ang pasukan kaya dapat end of october ay magpapaenroll na kami.
NIKKO POV
Napakabilis talaga ng panahon, hindi ko akalain na malalagpasan ko ang 4 years sa college. Napaka sarap isipin na gragraduate na din ako sa wakas kahit puro kalokohan at chicks ang inatupag ko hehehe. Kung dati years pa ang binibilang ko para maka graduate ako, ngayon araw na lang ang bibilangin at makukuha ko na ang pinakahihintay kong diploma at talagang napaka sarap sa pakiramdam.
Masayang malungkot ang nararamdaman ni NIKKO, bigla niya kasing naisip na gragraduate na siya at hindi niya na ulit makikita pa si IANA.
Hindi ko man lang siya nakausap ulit simula ng binasted niya ko. Hinintay ko siya noong isang araw sa lobby para sana magkausap man lang kami at sabihin ko sakanyang handa akong maghintay kahit gaano pa katagal hanggang sa matapos niya ang pag-aaral niya. Mahal na mahal ko si IANA at pag handa na siya at may maipagmamalaki na ako, babalikan ko siya at yayayaing magpakasal at sana that time aminin niya ng mahal niya rin ako. Sana hindi siya makahanap ng iba.
Iisipin ko na lang muna sa ngayon ay ang nalalapit na graduation ko at ang OJT ko sa new york for 1 year. Sayang nga at ang OJT flight ko is December 1, hindi ko man lang masasamahan na mag celebrate si IANA sa debut niya. Mapag-laro talaga ang tadhana. Umiiling na sabi ni NIKKO.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...