Part 17

5 3 0
                                    

IANA

kinabukasan ay nagplano kami ni AARON na uuwi ng pampanga. Gusto kasi namin na malaman nila mama at papa na boyfriend ko na si AARON. Ayaw ko kasing sabihin nila na naglilihim ako sakanila, mas magandang malaman na nila ng maaga. Alam ko naman na matutuwa sila dahil mabuting tao si AARON at si mama na mismo ang nagsabi na gusto niya si AARON para sa akin.

Nagaayos ako ng mga gamit ng may kumatok. Tinignan ko kung anung oras na mag 9am na pala. Sigurado ako si AARON na ang kumakatok.

Good morning babe. Nakangiting bati ni AARON at may dala pa itong red roses.

Good morning babe. Thank you AARON nagabala kapa ng roses. Niyakap ko siya at hinalikan.

Alam mo naman na gusto ko araw-araw kinikilig ka. At tandaan mo hindi porke sinagot muna ako ay ititigil kuna ang pagbibigay sayo ng mga roses. Gusto ko araw-araw kitang nakikitang masaya IANA. Mahal na mahal kita.

Aysus kaya love na love din kita eh. Alam mo kasi kung paano ako pasayahin at pakiligin. Thank you so much AARON at dumating ka sa buhay ko. Hindi mo lang alam kong paano mo ako napapasaya araw-araw. Seryosong sabi ni IANA.

Ako ang dapat na magpasalamat sayo IANA dahil binigyan mo ako ng chance jan sa puso mo. Mas hindi mo alam kong gaano nagtatalon ang puso ko sa tuwing naaalala ko na girlfriend na pala kita. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din ako makapaniala na sinagot muna ako. Masayang sabi ni AARON.

Tama na nga ang kadramahan natin basta alam natin na mahal na mahal natin ang isat-isa at walang sino man ang makakapaghiwalay sa atin. Tulungan muna nga akong mag-ayos dito para makaalis na tayo maya-maya tumatawang sabi ni IANA.

Mag 10am na ng nakaalis kami sa apartment ni AARON. Kumain muna kasi kami ng almusal para diretso na ang maging byahe namin. Mahigit 3 hours din ang byahe namin bago kami nakarating kila mama at papa.

Nagulat pa si mama ng makita niya kami ni AARON.

IANA, anak buti at nakauwi kayo. Miss na miss kana namin ng papa mo. Payakap na sabi ni LOLITA sa anak.

Mabuti naman at kasama mo si AARON na umuwi dito. Masayang sabi ng mama niya.

Good afternoon po tita, bati ni AARON habang nag blebless.

Good afternoon din iho. Tara na at pumasok na tayo sa loob tamang tama nagluto ako ng paborito ni IANA, Sinigang na hipon.

Wow. Namiss ko ang luto mo mama patakbong sabi ni IANA.

Natapos na kaming magtanghalian ni AARON at sinabi ko kay mama na may sasabihin kami ni AARON sakanya.

Mama, nakangiting sabi ni IANA.

Parang alam ko na ang sasabihin nyo. Nakangiting sabi ng mama.

Si mama talaga ang lakas ng pakiramdam. Tumatawang sabi ni IANA. Boyfriend ko na po si AARON. Sinagot ko po siya kahapon. Gusto ko pong malaman niyo ito ni papa dahil ayaw ko pong naglilihim ako sainyo. Nakagiting sabi ni IANA.

Walang problema sa amin ng papa mo anak kung kayo na ni AARON. Alam naman naming darating din kayo ni AARON sa ganyan. Basta lagi nyo lang tatandaan na wag kayo gagawa ng ikasisira pa ng buhay niyo. Mga Bata pa naman kayo ni AARON at alam kong marami pa kayong mga pangarap sa buhay. Basta i enjoy nyo muna ang pagiging mag boyfriend at girlfriend. Alam ko naman na mahal na mahal ka ni AARON kaya masaya ako para sainyo. Nakangiting sabi ni LOLITA.

Salamat po mama. Promise ko po sainyo ni papa na gagalingan ko sa trabaho ko at lahat ng mga pangarap ko ay maabot ko lalo na nandiyan si AARON para tulungan ako.

Salamat po tita at pinagkatiwala niyo ang anak niyo saakin. Pinapangako ko po sainyo hinding-hindi ko sasaktan si IANA at hindi po kami gagawa ng ikakasama namin. Darating po ang araw at pakakasalan ko po ang anak niyo. Nakangiting sabi din ni AARON.

Walang anuman AARON. Basta alagaan mo lang ang anak namin dahil mahal na mahal namin ni RENATO si IANA. Masayang sabi ni LOLITA.

Wag po kayo mag-alala tita, hindi ko po pababayaan si IANA.

O sige maiwan ko muna kayo ni IANA at pupunta lang ako sandali sa grocery para may makain tayo mamayang gabi. Maya maya lang din at darating na ang papa mo IANA. Manuod na lang muna kayo ng TV sa sala.

Sige po mama. Hindi ko po kayo masamahan sa grocery dahil pagod po kami sa byahe. At excited na din po kasi akong makita ang papa, miss na miss ko na siya. Nakangiting sabi ni IANA.

Walang problema anak. Mag pahinga na lang muna kayo ni AARON. Kaya ko naman mag grocery mag-isa.

Alas tres palang ng hapon ay narinig niya ng nandiyan na ang papa RENATO niya. Hindi pa man nakakapasok ang papa niya sa pinto ay tinalon niya na ito at niyakap.

Papa miss na miss ko po kayo. Masayang sabi ni IANA habang nakayakap pa din sa papa niya.

Miss na miss ko din ang nagiisang prinsesa ko. Nakangiting sabi ni RENATO sa anak.

Pagpasok ng papa niya ay nagmano din dito si AARON. Nagkamustahan sila at nabanggit din namin ni AARON kay papa na kami na ni AARON. Wala naman daw problema kay papa na may boyfriend na ako, masaya daw siya at si AARON ang naging boyfriend ko tulad din ng sabi ni mama, alam daw nila na mabait si AARON at ramdam daw nila na mahal na mahal daw ako nito.

Masaya kaming nag dinner. Nagluto si mama ng chopsuey at fried chicken at bumili din ng pakwan si mama. Sobrang dami naming nakaing lahat. Nag kwento pa kami ni AARON tungkol sa mga trabaho namin sa manila. Sinabi ko na din kila mama at papa na sa restaurant ni AARON ako magtratrabaho at mas lalo silang natuwa. Sinabi ko din sakanila na pagnakaipon na ako ay magoopen din ako ng sarili kong restaurant kahit maliit lang at nagvolunteer din si AARON na tutulungan niya akong makapagpatayo ng restaurant ko someday.

Mag 9pm na din ng matapos kaming magkwentuhan. Nagpaalam na kami ni AARON na magpapahinga na kami dahil napagod kami sa byahe at bukas ay maaga din kami luluwas sa maynila. Inayos na daw ni mama ang kwartong hihigaan ni AARON kaya dinala na namin doon ni AARON ang mga gamit niya. Niyakap ko at hinalikan sa pisnge si AARON bago pa ako umakyat sa kwarto ko.

Nasa kwarto na ko pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko pa din kasi ang job offer ni KEVIN sa akin. Nag desisyon na ako na sa restaurant ni AARON ako magtratrabaho ayaw ko ng makita pa si NIKKO. Gusto ko na din kasi siyang tuluyang makalimutan. Napaka unfair kay AAROn kung patuloy ko pa ding iisipin si NIKKO. Siya na ang boyfriend ko kaya dapat siya na lang ang mahalin at isipin ko. At isa pa ang mga katulad ni NIKKO na manloloko ay di na dapat pang minamahal, naiinis nga ako bakit hindi ko magawang kalimutan si NIKKO mag 3 years na din simula ng huli ko siyang makita pero hindi ko pa din makalimutan ang maamo niyang mukha. Mali ang isipin ko pa si NIKKO, mali ding mahalin ko pa siya ngayong may boyfriend na ako. Kakalimutan na kita NIKKo at ibabaon na lang sa limot ang lahat ng nangyari noon. Siguro kailangan ko ding turuan ang puso ko na patawarin siya baka sa ganoong paraan ay matutunan ko ding makalimutan siya. Nakatulog ako ng maluwag ang dibdib ko. Marami akong napagdesisyunan sa buhay ko ng gabing iyon.

Kinabukasan ay maagang nagluto ng almusal si mama. Para daw makakain muna kami bago kami magbyahe. Nagpaalam na din si papa sa amin dahil maaga ang trabaho niya. Niyakap niya ako at sinabing magiingat daw ako palagi at tatandaan ko daw na mahal na mahal niya ako. Sinabihan niya din si AARON na mag-iingat sa pag drive at siya na daw ang bahala sa akin at wag na wag niya dawakong papaiyakin. Nangako naman sakanya si AARON na wag siyang mag-alala dahil aalagaan niya daw ako.

Nagpaalam na din kami kay mama. Niyakap ako ni mama ng mahigpit bago kami umalis ni AARON. Ayaw ko pa sanang umalis pero may kailangan pa akong ayusin sa manila at ipapadala sa school ko. Natapos na kasi ang OJT ko at pwede na akong magtrabaho.

Baby Please Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon