1 month na din ang nakalipas simula noong huli kong nakita si NIKKO. Simula kasi ng araw na binasted ko siya iniwasan nya na ako. Alam ko kasing sobra ko siyang nasaktan, sobrang nasaktan din ako pero palagi ko lang sinasabi sa sarili ko na tama ang ginawa ko.
Finals na namin ngayong week kaya ginawa ko na lang busy ang sarili ko. Pinilit kong ipasok sa isip ko lahat ng dinidiscuss ng mga prof namin. Next semester ay magiging 3rd year 2nd sem na ako. 1 ½ year na lang at mag gragraduate na ako.
Bigla ko ding naalala na 2 months na lang debut kuna. Ang bilis talaga ng panahon, magiging ganap na dalaga na ako sa december 3. Si mama ay super busy na nga sa pag preprepare sa debut ko. Minsan nga inaasar ko siya na siya na lang ang mag debut kasi parang ayaw ko na lang maghanda. Ayaw naman nilang dalawa ni papa. Gusto daw nila na the best ang debut ng nagiisa nilang anak.
NIKKO POV
1 month na ang nakaraan simula ng nangyari sa amin ni IANA. Pero bakit parang hindi padin nababawasan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Gustohin ko mang kausapin siya ulit at sabihin na mahal na mahal ko pa din siya at gusto ko siyang alukin na maging magkaibigan na lang kami ulit atleast makikita at makakausap ko pa din siya araw-araw. Pero naduduwag ako at baka magagalit na naman siya ulit sa akin. Mas maganda na siguro na ganito na lang kami. Makakalimutan ko din ang sakit na nararamdaman ko. Siguro nga tama si IANA hindi kami ang nakatadhana para sa isat-isa kasi kahit anung gawin namin pilit kaming pinag lalayo at pinaglalaruan ng tadhana.
Si IANA nanaman iniisip mo no bro? Pang aasar ni KEVIN.
Ewan ko bro sobrang nasaktan talaga ako eh, hindi talaga ako makapag move-on. Malungkot na sagot ni NIKKO.
Ang baduy bro, ikaw pa ba yan? Parang nakakapanibago kana talaga eh. Ang crush ng campus na si NIKKO MONTEMAYOR ay binasted ni IANA LOPEZ. Awts bro, sakit talaga nun. Tagos hanggang buto bro, akalain mo sa gwapo mong yan binasted ka hahahha. Tumatawa at pang aasar ni KEVIN sa kuya nya.
NIKKO babae lang yun at kaya mong palitan anytime na gustuhin. Move on bro. Dagdag ulit na sabi ni KEVIN.
Hindi ganoon kadali yun bro, oo kaya ko siyang palitan anytime na gustohin ko pero ang puso ko at isip ko ay di siya kayang palitan ng ganun ganun lang. Mahal na mahal ko siya bro. Malungkot na sabi ni NIKKO.
Kung sinu kaman na sumasanib sa kuya NIKKO ko please layuan muna siya. Tumatawang pang aasar ulit ni KEVIN.
Seryoso ako bro wala namang ganyanan. Naiinis na sabi ni NIKKO.
Sorry bro, di kasi ako sanay na ganyan ka. Di ka naman kasi dating ganyan na sumeseryoso sa babae. Nasanay na kasi akong araw-araw iba-iba ang chicks mo. Nakangising sabi ni KEVIN.
Karma ko siguro ito bro. Sabi mo nga dati makakahanap din ako ng katapat kong babae balang araw, iyong tipong hindi ko madadala sa pagpapa cute ko at masasaktan ako. Hindi lang talaga siguro ako mahal ni IANA. Ang yabang yabang ko kasi eh at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Malungkot na sabi ni NIKKO.
Tama na yan bro. Pakonte konte makakalimutan mo din siya. Isipin mo na lang bro na may mga bagay bagay talaga sa mundo na kahit gustohin man natin na mapasaatin hindi pwede dahil baka hindi talaga sila ang naka destiny para sa atin. Think positive bro. Basta lagi mo isipin nandito lang ako para sayo kung kailangan mo ng kapatid at kaibigan. Payakap na sabi ni KEVIN.
Salamat sa mga advice bro. Sagot ni NIKKO
Tara nga at itreat nalang kita. Kain na lang tayo sa labas ngayon. Tutal dinagdagan naman ni mommy ang allowance ko. Masayang pagaaya ni KEVIN kay NIKKO.
Bakit naman ikaw dinagdagan ni mommy ng allowance? Samantalang ako binawasan pa nya. Naiinis na sabi ni NIKKO.
Kasi daw bumaba daw mga grades mo kaya bumaba din ang allowance mo, eh ako tumaas ang mga grades kaya tumaas din ang allowance hahaha. Tumatawang pang-aasar pa ni KEVIN.
Yabang nito. Basta unfair si mommy, padadag-dagan ko din allowance ko kay mommy kasi ako ang nahihirapan na nagpapagas at magpa car wash sa car natin. Di mo kasi binibigay iyong share mo sa gas. Pasalamat ka nga di na kita sinisingil. Pag di dinagdagan ni mommy allowance ko 1 month kang di makakasabay sa akin sa pag pasok sa school at mag trike ka na lang nun araw -araw. Tignan natin kung sinu ang kawawa sa atin. Pang-aasar ni NIKKO.
Oo na sasabihin ko na kay mommy na dagdagan allowance mo. Nanakot kapa talaga noh. Dapat kasi di ko na sinabing dinagdagan ni mommy allowance ko. Tumatawang sabi ni KEVIN.
Ano gusto mo pa bang ilibre kita? Tara na baka magbago pa ang isip ko. Pang-aasar ulit ni KEVIN.
Humanda ka kakain talaga ako ng marami at uubusin ko allowance mo. Tumatawang sabi ni NIKKO.
Wala naman ganyanan bro. Mami lang naman ang kakainin natin hahaha, may sinabi ba akong sa mamahalin kita papakainin? Ang sabi ko lang kakain tayo sa labas hahaha. Tawa ng tawa na sagot ni KEVIN.
Ah ganun pala ha. Isang buwan kang mag trike bro. Pang-aasar ulit ni NIKKO.
Sabi ko nga diba order mo lahat ng gusto mo at kahit saan sige bro basta ikaw, malakas ka sa akin eh, hahaha. Kunyaring takot na sagot ni KEVIN.
LETS GO! Sigaw ni NIKKO.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...