Part 38

6 0 0
                                    

Nakarating na din ako sa bahay. Mabuti at pinahatid na ako ni mommy sa bahay dahil napaka traffic sa daan at siguradong pag nag commute ako ay aabutin ako ng sham sham sa daan.

Nagpasya ako dumiretso sa kusina. Baka on the way na si AARON, ipagluluto ko siya ng dinner. Naglabas ako beef sa freezer. Mag beef stew na lang kami. Nag slice ako ng carrots, potato, sibuyas at bawang.

Nauhaw ako kaya kumuha ako ng tubig sa ref. Pag baba ko sa basong hawak ko ay nadulas ito at bigla biglang nalaglag sa lapag. Bigla akong kinabahan, kasabihan ng mga matatanda na pag may nalaglag daw na anumang bagay at nabasag ay bad luck daw. Nag dasal na lang ako na sana aksidente lang ang pagkalaglag ng baso.

Papunta ako ng sala ng nakita ko ang wedding picture namin ni AARON. Napaka saya naming dalawa sa picture.

Kinuha ko ang picture at hinalikan ang mukha ni AARON. I love you babe. I cant wait to see you sabay sabi ko sa picture.

Pabalik na ako sa kusina ng biglang nag ring ang phone ko. Hinanap ko ito sa loob ng bag ko.

Calling... Mommy Amanda

Ewan pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

Mommy, may kailangan po kayo?

Ija... naiiyak na sabi ni mommy amanda.

Mommy, what happen po? Kinakabahang tanung ko.

IANA anak, naiiyak pa ding sabi ni mommy AMANDA.

Anu pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak?

Si AARON naaksidente ija...

Hindi ko napigilan ang sarili sa sunod-sunod na pagpatak ang luha ko. Sana panaginip lang ang lahat ng narinig ko.

Ija, are you still there? Please be calm down. Papunta na jan si manong para sunduin ka.

Sige po mommy.

Nakapatay na ang cellphone ko pero tuloy tuloy pa din ang pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi panaginip ang nangyari. Nagdasal ako na sana ay hindi masyadong grabe ang naging aksidente ng asawa ko.

2 hours later nakarating na kami sa hospital kung saan dinala si AARON.

Nanginginig ako habang papasok kami sa hospital. Panay ang sabi sakin ng mommy ni AARON na kumalma lang ako pero hindi pa din ako humihinto sa pag-iyak.

Nakarating na kami sa emergency room at may lumabas na doctor, nilapitan kami nito?

Kayo po ba ang kamag-anak ni MR Gutierrez? Tanung ng doctor.

Sabay na lumapit si IANA at mommy ni AARON.

Ako po ang asawa nya at siya po ang mommy. Naiiyak at nanginginig na sabi ni IANA.

Malungkot ang mukha ng doctor at kinabahan si IANA at mommy ni AARON.

Maam, ginawa na po naman lahat ng magagawa namin pero maraming dugo po ang nawala sa pasyente at grabe po ang tinamo nyang mga sugat. Sabi ng doctor.

Anu pong gusto nyong sabihin? Umiiyak na tanung ni IANA.

Im sorry maam. Wala na po kaming magagawa. Mr Gutierrez is dead. Malungkot na sabi ng doctor.

NO PLEASE. Bawiin nyo po ang sinabi nyo patumbang sabi ni IANA.

Buti na lang at nasalo sya ni AMANDA.

Please ija calm down umiiyak pang sabi ni AMANDA.

Were is my son doc? Umiiyak na tanung ni AMANDA.

Humahagulgul pa din sa iyak si IANA. Hindi nya kaya pag wala si AARON sa buhay nya. Alam ng diyos kung gaano nya kamahal si AARON.

Nakita nila si AARON sa room at hindi na humihinga.

Babe, what happen? Hagulgul pa ding tanung ni IANA.

Bakit mo naman ako iniwan? Akala ko ba sabi mo di mo ko iiwan at sasaktan? Sinungaling ka naman eh, ang daya daya mo, paano pa natin matutupad ang mga pangarap natin kung wala kana?

Babe gumising kana naman jan oh, alam ko nagsisinungaling lang ang doctor at buhay kapa. Babe gising na please. Dito na kami ni mommy amanda po hintayin ka naming gumising. Hagulgul pa ding sabi ni IANA.

Niyakap siya ni AMANDA.

IANA please wag na nating pahirapan ang sarili natin. AARON is dead. Sobrang sakit IANA pero kailangan nating tanggapin na iniwan na tayo ng anak ko. Umiiyak ding sabi ng mommy ni AARON.

NO mommy, i know AARON is still alive please. Hagulgul pa ding sabi ni IANA.

IANA please accept it. Your husband is dead. My son is dead IANA. My son is dead umiiyak na sabi ni AMANDA.

Niyakap ng mahigpit ni IANA si AARON.

Babe, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita, di ko alam kung kaya ko pang mabuhay ngaun. Paano akong mabubuhay kong wala kana. Isama mo na lang din ako babe. Ayaw ko ng mabuhay pa. Umiiyak pa ding sabi ni IANA.

IANA please wag ka magsalita ng ganyan. Niyakap xa ni AMANDA. Nandito kami para sayo, nandito kami ni daddy JOHN po at si mama at papa mo. Hinding hindi ka namin pababayaan. Hanggang dito na lng talaga siguro ang buhay ng anak ko. Kailangan nating tanggapin kahit sobrang sakit. Niyakap ng mahigpit ni AMANDA si IANA.

Baby Please Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon