Magtatatlong Buwan na din ang nakalipas ng lumipat ako ng paaralan pero hangang ngayon Hindi ko parin maalis sa isip ko ang nangyari samin ng Ex boyfriend ko. Masyado akong nasaktan sa ginawa ni AARON sa akin lalo na ng nakipag break ako at hindi man lang nya ginawang puntahan ako. Siguro napakasaya na nya sa Piling ng ibang babae, bakit sya napakadali nyang maka Move on samantalang ako hangang Ngayon Pinipilit ko parin syang kalimutan. Basta! Pinapangako ko hindi na ko maiinlove ulit. Pabuntong Hinirang Sabi ni IANA.Hoy! Nakatulala ka nanaman, siguro iniisip mo nanaman Ex mo no!? Nakangiting pang Asar ni JACKY
ha? At bakit ko nman iisipin ang bwisit na lalaking yon!? Naka move on na ko matagal na! naka simangot na sagot ko.
Ito nman Masyadong seryoso alam ko nman yun pinapatawa lang kita kasi ang lalim ng iniisip mo eh. Kain nlang kaya muna tayo break time naman eh. Pangyaya ni JACKY.
Mabuti panga at gutom na gutom na rin ako. Sagot ni IANA.
Matapos ang Mag hapong klase. Nagpasyang mag punta muna sa mall si IANA para kahit papaano ay makapasyal din siya. Bumili muna ako ng makakain at Inumin. Biglang naalala ko nanaman si AARON, ganito kasi kami noon pagtapos ng klase namen niyayaya nya muna ako na kumain at mamasyal. Maya maya ay nagulat ako ng may lalaking sumigaw sa akin.
HOY Miss Pwede ba tignan mo ang dinadaanan mo! Hindi mo ba nakita natapon saakin ang Juice na dala mo.
Nahihiyang napayuko si IANA pasensya kana di ko napansin na natapunan pala kita.
Sa susunod Tignan mo ung dinadaanan mo! Wag kang tatanga tanga pwede ba! Pasigaw at galit na sabi ni NIKKO.
Pinag titinginan na kami ng mga tao at hiyang hiya ako sa nangyari, nakakapikon ang lalaking ito napaka yabang akala mo kung sinong gwapo. Napatingin ako sa mukha nya gwapo nga. Pero mayabang nman. Nag sorry nako diba hindi ko nga nman kasi sinasadya painis kong sabi sakanya tinalikuran na nya ako at tyaka umalis. Bwisit talaga ang lalaking iyon hindi lang pala mayabang bastos pa. hay! Bwisit naman ang araw na ito napahiya pa ako.
Ala siete na ng gabi ng nakauwi ako sa bahay kaya nman alalang alala si mama at papa napaka pasaway ko daw.. 17 years old palang daw ako lakwatsyera na. hangang dito ba naman sa bahay nakakabadtrip hindi naman na ako bata magdadalaga na ko 6months nalang. Sorry na mama at papa hindi napo mauulit sabay halik kay mama at papa. Kiss lang at yakap sakanila lumambot na ang puso nila. Naiintindihan ko nman sila over protective lang sila kasi unica iha lang nila ko.
Ikaw talagang bata ka di ko magawang magalit sayo. Sabi ng mama niyang si LOLITA, Mag bihis kana nga at mag hahain na ako ng pagkain. Gutom na gutom na kami ng papa mo kakahintay sayo. Sge po ma bihis lang ako.
Pag katapos naming kumain, at nag paalam na ko na pumunta sa kwarto ko dahil mag rereview ako at may long quiz kami bukas.
Ok Class get One Whole sheet of yellow paper. Remember Today is Friday so we have a long quiz. And I want to remind all of you 2 weeks from now it will be your midterm exam already so expect the unexpected starting next week medyo mahirap na ang lesson naten ok. Class tulungan nyo rin ang sarili niyo mag advance reading na kayo. Favorite subject ko ito algebra kaya handing handa ako sa long quiz namin. Hindi nman sa pag mamayabang isa ko sa magagaling na student sa class namin.
Matapos ang long quiz naming sa algebra at 38/40 ang score ko. ikaw na ang matalino IANA pabirong sabi ni ANDY.
Anu kaba hindi naman nag kataon lang na nareview ko mga formula kagabi. Pa humble effect na sagot ko.
Yabang talaga nito pabirong sabi ni JACKY na bestfriend ko.
Asarin mo na ko sige hindi kita ililibre mamaya sa vacant naten.
Ito nman Hindi mabiro hahaha Tumatawang sagot ni JACKY.
Papunta kami ng Canteen ng marinig kong may mga nagtitilian at nagbubulungang mga studyante.
Napano kaya mga studyanteng yan tanung ko kay CINDY.
Wag mo na sila pansinin nag papapansin nanaman ang mga iyan sa campus crush na si NIKKO. Pogi nman kasi talaga niya no kahit kaya ako crush ko siya kahit medyo may pagka mayabang siya kinikilig na sabi ni CINDY.
Napatingin ako sa gawing direksyon na tinitignan ng mga nagtitiliang mga babae, ewan ko ba parang may pumilit sakin na tumingin ako, nawala ang ngiti sa mga labi ko ng Makita ko kung sino ang sinasabi nilang campus crush. Ang bwisit na mayabang palang nabanga at natapunan ko ng juice sa mall.
Napakaliit talaga ng mundo. Iyan kaya iyong na kwento ko sainyo na namahiya sa akin last 2 days. Akalain niyong dito din pala siya nag aaral sa holy angel university. Nagulat ako ng bigla niya akong nilapitan.
Hi Im NIKKO remember me? Ako iyong tinapunan mo ng juice nung isang araw sa mall.
Pinag titinginan nanaman ako ng mga tao bwisit talaga ang lalaking ito wala ng ginawa kundi bwisitin at ipahiya ako.
Nag kunwari na lang ako na hindi ko siya natatandaan kahit tandang tanda ko ang napaka gwapo niyang mukha.
Pasensya kana baka hindi ako iyon. Patalikod na sabi ko sakanya sabay alis para di na ko pagtinginan ng mga studyante.
Nag mamadali akong naglakad habang hinihila ko si JACKY at CINDY ang yabang talaga niya, pinahiya niya nanaman ako sa maraming tao. Akala mo kung sinadya ko iyong pagtapon ng juice sakanya nakasimangot na sabi ni IANA.
Oh Bakit naman sinabi mong hindi mo na siya natatandaan sanang nag sorry ka na lang ulit para matagal ko pang natitigan ang napakakinis niyang mukha. Ang gwapo niya talaga kinikilig na sabi ni CINDY.
Manahimik ka nga Diyan napahiya na nga itong si IANA tuwang tuwa ka pa Doon sa mokong na iyon. Naiinis ding sabi ni JACKY .
Wag na kayong magtalo diyan kasalanan ko nman kasi at tatanga tanga ako kung minsan hayaan niyo at sa susunod na magkita ulit kami hihingi nalang ulit ako ng sorry.
whats up bro!? Nakita kita kanina sa canteen sinu iyong babaeng nilapitan mo? New chicks ba bro? ang ganda niya, galling mo talagang mamili patapik na sabi ng kapatid niyang si KEVIN.
Ah iyong kanina ba, wala yon, yon yung babaeng nakwento ko sayo na nakatapon ng juice sa damit ko 2 days ago. Ang cute niya kasing tignan pag nakasimangot. Kaya pilit kong inaasar, parang may kakaiba kasi sakanya masungit lang talaga siya. Kasalanan ko din kasi pinahiya ko siya kanina. Natatawang sabi ni NIKKO.
Ikaw talaga bro tigil tigilan muna nga ang pag papahiya at pagpapaiyak sa mga babae sige ikaw rin baka makahanap ka ng katapat mo. Iyong tipong mahal muna ang isang babae pero ayaw niya naman sayo, kahit anung pilit mong mahalin ka niya.
At kalian pa ba nabasted ang pogi mong kuya ha KEVIN? Tumatawang sagot ni NIKKO.
Sige lang bro pag ikaw nakarma sa mga pinag gagawa mo, ewan ko lang talaga.
Dont worry bro hindi mangyayari yang iniimagine mo.Tara na nga KEVIN uwi na tayong maaga aalis daw kasi tayo sabi ni mommy, nag text siya sa akin kanina.
Sira ka talaga. Ok lets go bro. Nangingiting yaya ni KEVIN.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomansaDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...