Lumipas ang 5 araw at ililibing na si AARON.
Nagpasya ang family ni AARON sa pampanga nalang ito ilibing.
Hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala si IANA na wala na si AARON. Para sakanya ay panaginip lang ang lahat at maya-maya lang ay magigising na siya.
Nakatitig lang sya sa kabaong ni AARON. Hindi nya mapigilan na yakapin ang kabaong. Ito na ang huling araw na makikita nya ang mukha ni AARON. Iniisip palang nya kung paano ba nya malalampasan ang lahat ng ito. Kaya ba nyang mabuhay ng wala si AARON?
Humagulgul ng iyak si IANA at nilapitan siya ng mama LOLITA nya at ni AMANDA.
Anak, tama na ang kakaiyak mo, makakasama sayo yan. At sigurado ako ayaw ni AARON na makita kang umiiyak ng ganyan. Malulungkot iyon pag ganyan ka. Umiiyak ding sabi ni mama LOLITA nya.
Niyakap siya ni mommy AMANDA nya, anak tama ang mama mo tama na ang pag iyak mo. Isipin na lang natin na masaya na at tahimik na si AARON ngayon. Magpakatatag tayo anak. Ganyan talaga ang buhay hindi natin alam kong kailan kukunin ng diyos ang mga taong mahal natin sa buhay, nagkataon lang na maaga nyang kinuha ang anak ko. Sobrang sakit sa puso ko IANA pero kailangan nating tanggapin at kailangan nating magpakatatag. Umiiyak na sabi ni AMANDA.
Pagkatapos ng dalawang oras ay nailibing na si AARON.
Nakiusap si IANA sa mama at papa niya pati na rin kay mommy AMANDA at daddy JOHN nya na kung pwede ay iwanan na lng muna sya sa cemetery.
IANA
Mag-isa na lang si IANA pero di pa din siya matapos tapos sa pag iyak nya.
Babe, ayaw kitang iwanan dito. Mahal na mahal kita AARON. Sana tulungan mo akong mabuhay kahit wala kana. Di ko alam kung paano ako ulit magsisimula pero para sayo babe magpapakatatag ako at ipagpapatuloy ko ang mga pangarap natin. Sana kung nasaan ka man ngayon babe maging masaya kana at pipilitin ko ding maging masaya para sayo. Iisipin ko na palagi ka lang nasa tabi ko at binabantayan ako. Basta palagi mong tandaan na hinding hindi kita makakalimutan at mananatili ka lang dito sa puso ko habangbuhay.
Paglipas ng dalawang oras ay nagpaalam na si IANA sa asawa at nangakong palagi nya itong papasyalan.
Paalam babe. Mahal na mahal na mahal na mahal kita AARON.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...