Ang bilis ng mga araw at natapos na din ang pag bakasyon nya sa pampanga.
Araw araw siyang nagpunta sa puntod ni AARON at naikwento nya na rin dito ang muli nilang pagkikita ni NIKKO at sinabi nya din kay AARON na wag itong magalit kung medyo bumabalik ang pagmamahal ni IANA kay NIKKO dahil siya naman ang nagiisang mahal niya sa puso nya at hinding hindi niya ito kakalimutan. Sa mismong anniversary din nila ay dumalaw si IANA sa puntod ni AARON. Nagdala siya ng favorite nilang cake na blueberry cheesecake at nagdala din siya ng red at white rose. Kung dati ay umiiyak siya sa tuwing anniversary nila ngayon ay masaya na siya at parang natatanggap niya na ang lahat. Nagpaalam siya sa asawa na dadalawin na lang ulit ito sa susunod na buwan.
Masayang nagbyahe si IANA. parang nabigyan siya ng panibagong buhay at naimagine si NKKO.
Nasa bayahe siya ng naka receive siya ng text kay NIKKO.
Hi IANA, ingat ka sa byahe mo pabalik sa manila. Nasa airport ako ngayon at di na nakapag paalam sayo. May emergency kasing meeting sa london and they need me there. Ill visit you when im back. I miss you.
-NIKKO
Kinilig bigla si IANA. para siyang bumalik sa pagka teenager niya.
Masaya siyang dumating sa restaurant.
Pagdating niya ay nasa restaurant din si AMANDA.
Hi mommy, masayang bati nya dito.
Hello ija, you look different today. Parang napaka saya ng mukha mo ha? Nakatulong ba ang pag bakasyon mo sa pampanga, you look so happy and blooming. Nakangiting sabi ng mommy amanda nya sabay yakap sakanya.
Masaya lang po ako tita at nabisita ko sila mama at papa at pati na din po si AARON. Nakangiting sabi ni IANA.
Thats good to hear anak. At sana ay di muna iniyakan ng sobra sobra ang anak ko this time. Tumatawang sabi ni AMANDA.
Nung first day ko po siyang binisita ay sobra sobra ang iyak ko mommy pero nagulat ako kasi noong anniversary po namin di na ako nakaramdam ng lungkot, parang napakasaya naming nagcelebrate. Parang naka move on na po ako. Nakangiting sabi ni IANA.
Thats good anak. Kailangan mo din talagang tanggapin ang nangyari. Marami pang plano ang diyos para sayo at wag mong sayangin anak. Basta nandito lang kami palagi para sumuporta sayo. Niyakap siya ng mahigpit ni AMANDA.
Thank you po mommy.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomantikDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...